Ika-dalawampu't Limang Kabanata

13.3K 309 140
                                    

This is Chapter 25. Matagal bago nakabalik, but you can now start reading Chapter 24 before this. Ty 😘

Fermindoza


Tuloy-tuloy lang ang lakad niya kaya't wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Malalaking hakbang ang pilit kong sinasabayan habang iniinda ang kirot sa mga paa ko.


Wala siyang ingat. O mas tamang sabihin na nakalimutan niyang kasama siya. Hindi siya humihinto sa paglalakad at pilit iniiwasan ang kadamihan ng tao.

Ang sakit na ng balakang ko.

Ang bigat narin ng paa ko.


Gusto ko na talagang maupo.


Kating-kati na akong sabihin sa kanya ang mga yun ngunit aamining kong nakakatakot talaga siyapag tahimik. Ayoko din namang umangal at baka mauwi pa sa ibang eksena.

May ilang babati sa amin ngunit hindi nya papansinin. Para bang hindi siya natutuwa sa paligid niya, sa akin at sa nangyayari.

Nakakapanlumo. Sariling utak ko nalang talaga ang makakausap ko pag kasama ko siya. Pabigat ata ang tingin nya sakin eh. Sana, hindi nalang ako iniwan ni Ate Lily.


Ang madilim na presensya habang katabi ko siya.. pamilyar yun. Kaya hindi ko masisisi ang sarili kong hindi mapigilang maalala si Kihan sa kanya.


Nabalot na naman ako ng lungkot nang maalala ko siya. "Kihan.." bulong na paghahanap ko sa kanya.


Biglang napahinto ang kasama ko. Naramdaman kong kumuyom ang palad niya na nakahawak sa bewang ko.

"A-ano.. Hindi ba tayo uupo?"

Lakas loob kong tanong. Hindi niya ako pinansin pero alam kong narinig niya iyon.

Siguro ay limang minuto ang lumipas. Napayuko nalang ako para maiwasang makita ang ibang tao pati narin ang iba't ibang kulay ng ilaw na sumasagi sa paningin ko.

Lumagitnit ang tunog ng isang upuan.


Biglang may humigit ng braso ko at di ko inaasahan nang walang pasabi niya akong tinulak paupo!


Tumingin ako sa paligid. Kasabay nun ang pagkasilaw ko sa marangyang mga ilaw. Nagsimula kong marinig muli ang bulungan at tawanan ng magkakakilala sa sociedad.


Nakaupo na ko. At mabilis kong naramdamang komportable na ako ngayon.


"Salamat." sinserong sabi ko sa kanya. Di nya ako pinansin, sa halip ay sa ibang direksyon sya nakatingin.


Matagal akong nakatitig. Saglit na kumunot ang noo niya at saka umob-ob sa mesa.

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon