Her Wish
Tinakpan ko ang aking noo gamit ang dalawa kong palad, tsaka tumingin ng masama sa kanya. Pero mukhang di apektado doon si Alaxan FR kaya mas pinilit ko pang pasamain ang titig ko.
"Tch." Narinig ko mula sa kanya. Aminado akong napahinto ako nang maalala ko si Kihan. Magsasalita na sana ako pero bigla syang tumalikod.
"Alright, what's done is done."
Inabot nya ang kamay nya sakin at saka nagmwestra na parang pinasasama ako sa kanya. Naguluhan ako kaya sinilip ko sya mula sa likod nya.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
Hindi ko alam pero bigla syang napaatras ng isang hakbang.
Tumingin sya sa kisame at saka nagsalita. "Nothing. But, let's make up."
Make up..?
"Magme-make up tayo?"
"Yeah"
"Ha? Eh hindi ako marunong."
Bigla siyang tumingin sa gawi ko. At sumalubong sakin ang kunot nyang noo.
"Stupid." aniya. pinatong ni Alaxan FR ang palad niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. "Stupid. Stupid."
Laglag ang panga ko sa pang-aasar nya. Hindi ko maiwasang sumimangot.
"Stupid..." Yumuko siya at nakita ko nalang na nagtama ang tingin ng mga mata namin. Para akong nahinto sa paghinga, sobrang ganda parin talaga ng mata niya. Napukaw ako sa ilang sandali kong pagtitig sa mga matang yun nang magsalita siya ulit.. ng salitang di ko inaasahan. "Smile .." bulong niya.
At sa isang iglap. Nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Formad Riley, sana ganyan ka lagi kahinahon magsalita. "Pfft.." Hindi ko namalayang nagawa ko yun.
Nakita ko ang pagbuntong-hininga nya. Parang isang cargo ang nawala ang bigat sa kanya. "So. . . Bati na tayo?"
Tumango ako. Hindi ko maiwasang mamangha. Wala sa itsura nya ang magsasabi non. Kung kaya't sa kahit anong anggulo ay walang makakatanggi sa kanya. "Bati na tayo. Pero wag mo na uulitin yun ha?"
Tinitigan nya na naman ako at saka akmang tutuwid na nang tayo.
Ngunit nagulat ako nang biglang may lumapat na naman sa noo ko.
"Okay."
Hinalikan nya na naman ng noo ko!!!
- -
Hindi ko makalimutan ang ngisi ni Formad sakin kahapon. Naisahan niya na naman ako. Inis na inis ako sa twing maaalala ko yun kung kaya't napagdesisyunan kong hindi ako lalabas kwarto!
Hah! Tama, tama. Para hindi ko muna siya makita.
Kinuha ko ang unan sa kama at saka pinitik iyon. "Formad.. Nakakainis ka" >~<
Naalala ko na mayroon pala akong isang assignment. Dali dali kong kinuha ang libro at papel saka ginawa iyon.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misterio / SuspensoIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...