Soon
-
Kalahating oras palang nang umalis si Kihan ay nakakaramdam na ako ng pagkabagot. Isipin ko palang na mamayang alas-sais pa ng hapon siya uuwi ay nauumay na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko kaya heto ako ngayon sa kama at nakatalukbong nalang.
Napahawak ako sa labi ko at saka pumikit. Naalala ko yung paghalik niya sakin, yung kada haplos ng labi niya na nanunuot sa sistema ko pati narin yung paraan ng paghawak niya sakin. Doon palang ay alam kong inaangkin niya na ako bilang kanya. Dapat na ba akong matuwa dahil may ganoong lalaki sakin? Iyong tipong ayaw akong pakawalan at nilulubos-lubos ang pagmamay-ari sakin kahit hindi naman kami magkarelasyon?
Pero ano ba ang relasyon namin ngayon? Oo nga't mahal niya ako---iyon ang sabi niya.. nandito rin ako nakatira sa puder niya. Palagi kaming magkasama at idagdag pa ang intimacy na mayroon kami. Masasabi ko bang kami na dahil sa mga yun?
Pero hindi ba't hindi niya naman ako niligawan? Ni hindi niya ako tinatanong kung nasa isang relasyon na ba kami? Ano ba talaga ako sa kanya? Tama ba 'tong sitwasyong napasukan ko?
Maraming pumapasok sa isipan ko ngayon, napapaisip tuloy ako na baka tumatalino na ako sa dami ng nakalistang mga susunod na katanungan at ideya sa utak ko. Ganoon ba talaga ang epekto ni Kihan sakin?
Hindi ko tuloy na alam ang sagot kapag tinanong ko ang sarili ko kung naging maganda ba ang naidulot ng pagpasok ni Kihan sa buhay ko.
Ayan. Kung susumahin ay di ko talaga alam. Pero kung tatanungin ako kung masaya ba ako ngayon..
"Oo, masaya kahit nakakapanibago." Iyan ang isasagot ko.
Lumipas ang isang oras at nananatili akong nakahiga sa kama. Tulala at pinagmamasdan ang kulay abo na kisame. Talagang panlalake kasi ang kwartong 'to.
Pero maya-maya lang ay parang may naririnig akong yabag na papalapit sa kwarto ko. Hindi lang yun basta-bastang yabag dahil tunog yun ng takong ng sandals. Napaayos ako ng higa at saka pinilig ang ulo ko para makalingon sa may pintuan.
Patuloy ang pagtunog nang takong na iyon at alam kong papalapit na iyon sa direksyon ng kwartong ito.. hanggang sa makarininig ako ng malakas na pagbayo ng kung sino sa kandado ng pinto!
Tumambol ng malakas ang dibdib ko. Unti-unting dumaloy ang kaba sa sistema ko hanggang sa naging mga patak na ito ng takot. Takot sa isang bagay na hindi ko alam at hindi ko inaasahan. Paulit ulit na binabayo ang kandado sa labas at alam kong sa kaunting sandali ay matatapos na siya sa pagsira nun.
Kitang kita ko kung papaano umikot ang seradura ng pintuan.. hanggang sa pagtigil nito sa paggalaw at ang tunog nito. Nanikip ang dibdib ko.. sino ba iyon? At bakit ako nakakaramdam ng matinding pagnanais na magtago?
Titig na titig lang ako doon hanggang sa nagsimula na itong magbukas. Unang nakita ko ang paghakbang nang isang kulay pulang sandals na may mataas na takong. Pati ang maputi nitong paa na parang hinulmang manika sa sobrang kinis.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mystery / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...