Ikalabing-isang Kabanata

16K 421 49
                                    


Student

-

Tulala akong nakatingin sa terasa ngayong gabi habang dinadama ang hangin sa paligid. Malamig at tahimik. Nakakablangko ng utak at nakakadala ng sarili, para ngang isang payapang lugar ng mga bida sa ilang pelikula.

At ngayon, napapaisip din ako kung papaano ba ako napunta dito. Kung bakit sa lahat ng lugar, panahon at tao... sa kanya pa ako dinala ng kapalaran ko.

Tahimik na ako noon pa... ah hindi pala. Sadyang walang kalaman-laman ang mundong meron ako noon. Puro hirap at walang buhay. Para lang akong basura sa mundo na dinadaanan at di pinapakialaman. Ganon lang ang buhay na meron ako.

Dati-rati, gusto kong may mabago sa nakakasawa kong buhay. Pero ngayon heto na.. parang bagyo lang, parang delubyo at masamang panaginip-----na nagkatotoo. Ngayon... gusto ko nang tumakas sa sarili kong hinihiling noon.

"You should rest, Natalie."

Naramdaman kong papalapit na naman siya sakin kaya maagap akong lumayo. Ni ang lumingon ay kinakikimian ko nang gawin. Nakakadama ako ng alertong pag-iwas at matinding pagkagulo ng mga damdamin sa sistema ko.

Galit, takot, tapang, kahinaan at isang tulo ng hiya.

Lahat ng mga damdaming iyon, natural ko nang nararamdaman sa kanya, pero ang hiya? Hindi ko alam at hindi ko rin matanggap.

Biglang sumagi sa isip ko ang iilang senaryo na bago sakin bilang isang babae. Ayoko mang isipin ngunit sariwa parin sa labi at balat ko ang bawat halik niya. Para ngang nararamdaman ko parin yung lamig ng balat niyang nakayakap sakin. Sa katunayan ay halos kalahati ng isip ko ay nakatuon sa intimacy na nangyari samin.

H-Hindi. Nadala lang ako. Hindi ko talaga ginustong humantong sa ganun! Malakas sya at mahina ako.

Kaya wala akong magagawa..

Ginamit ko rin naman lahat ng lakas ko para makawala sa kanya nung una pero... sadyang di ko sya kaya. At aaminin kong eksperto siya para makaramdam ako ng hiya. Hiya sa mga nagawa naming paghahalikan.

"Baby.. can you not walk away from me?" Mahinahon niyang tanong.

Hindi ako nagsalita at pinilit ko ring wag magbigay ng reaksyon. Naramdaman ko na namang lalapit siya kaya patakbo na akong lumayo.

Pero gaya nga ng sinabi ko eksperto siya at mas malakas kesa sakin. Maagap niya akong nahawakan sa magkabilang braso at parang papel lang na pinaharap sa kanya!

Yukong-yuko ako. Ayaw kong makita siya at ayaw ko ring makita niya ang mukha ko.

"Ano ba! Wag mo nga kong hawakan----pabayaan mo na ko pwede?!"

"Not gonna happen, my Natalie. I own you... why would I just left you? Why would I take you aside?"

"Manahimik ka nga! Hanggang English ka lang naman. English dito.. English doon. Hah! Mas lalo akong naiinis sayo, hayup ka!"

Natuptop ko agad ang bibig ko sa sinabi ko. Malala na talaga ang pinagbago ko. Nagiging palasigaw at madumi ang tabas ng dila ko. Umiling-iling ako at parang bigla nakaramdam ng panghihina.

Hanggang sa napansin kong niyayakap niya na ako ng buo. Hindi na mahigpit at di na mahirap huminga.

Para naman akong na-asinang bulateng nanginig sa lamig ng balat niya. Bahagya akong napahilig sa kanya dahil hinapit niya pa ako papalapit. Doon lang din ako nakadama ng antok kaya napahikab ako. Nagsimula narin niyang haplusin ang buhok ko at likod na parang nanghehele, humikab na naman ako tsaka unti-unting napapikit.

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon