Own You
-
Nagising ako na nakalapat ang katawan sa isang malambot na bagay. Isang bagay na ngayon ko lang natamasa buhat nang isilang ako. Salat ako yaman, oo. At aaminin ko na ito ang unang beses ko na makahiga sa isang kutson, kung tawagin nila.
Sa pagkagising ko rin ay sinalubong agad ako ng lamig sa paligid. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng aking balat. Kulang na nga lang ay maging patalim ang lamig na yun para masugatan ako.
Naninikip rin ang aking paghinga. Doon ko napansin na may nakataling tela pala sa kalahati ng mukha ko pababa. Sinubukan kong tanggalin yun pero di ko maigalaw ang kamay ko. May mahigpit at matigas na bagay ang gumapos doon--- animo'y isang posas.
Dumilat ako pero madilim ang buong paligid. Tanging bintanang bukas lang na walang kurtina ang naaaninag ko.
"Mmmp... mmp.." Halos parang umuungol nalang ako. Nagtataka kung nasaan na ba ako, kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ito at paano ako napunta rito.
"Hi."
Nanindig ang balahibo ko sa nagsalita. Ni hindi ko nga nagawang gumalaw.
Pamilyar ang boses at mukhang alam ko na kung sino yun. Sa lamig ba naman ng boses niya ay di ko pa siya matatandaan? Sa tingin ko nga ay nag iisa lang siya sa mundo. Isang nakakatakot na tao. Yun ay kung tao ba talaga siya. Kung gawain ba ng normal na tao ang b-brutal na pagpatay at pagkuha sakin.
Pigil na pigil ko ang aking hininga dahil sa pagdaiti ng malamig niyang balat sakin. Hinaplos niya ako sa braso na nakapagpanindig ng balahibo ko. Napapakislot nalang ako. Parang may malilit na patalim ang haplos niya.
"Breathe baby.. Breathe." Sinubukan ko ngang huminga pero nangangatal ako sa sobrang lapit niya."Hmm.. I see." Sabi niya pa na ipinagtaka ko.
Tinanggal niya ang nakatakip na tela sa bibig ko. Hinawakan niya ako sa panga at gustong ipaharap sa kanya. Pero hindi ako pumayag. Nakaramdam ako ng takot lalo na ng umimbabaw siya sakin at idiniin ang sarili niya sa katawan ko. Dahil dun ay magkaharap na ang mukha namin. Titig na titig na naman siya sa mga mata ko.
Oo madilim ang lugar pero nakapagtatakang naaaninag ko ang mga mata niya. Itim na itim iyon at kumikislap. Hindi yun magandang pagmasdan dahil parang sumpa ang mga matang yun. Mata ng isang....
"You need more sleep, baby." Hinalikan niya ang aking noo at saka nagsumiksik ang makinis niyang mukha sa leeg ko. Nasa ibabaw ko parin siya. "Sleep." Pahabol niya pa sabay lapat ng labi niya sa rurok ng aking leeg pababa sa balikat.
Pakiramdam ko ay binundol ako ng truck sa ginawa niya. Nangingilabot ako at parang gusto kong itakwil ang sarili ko. Sumagi bigla sa isip ko ang mga senaryo ng alaalang mayroon ako sa kanya.
Ang mga tilamsik ng dugo sa makinis niyang mukha. Ang itim na itim niyang mga mata na nakatitig sa akin. Nakakatakot iyon sa totoo lang. Walang halong biro! Ngayon palang ay napapalunok na ako ng maraming beses sa sitwasyong ito. Sunod ay ang mga suspetsa kong kinalaman niya sa naganap na mga pagpatay. Yung mga bangkay nila Shaneza at ng lalaki sa likod ng eskwelahan. Lahat nang yun ay nagdala ng kaba, takot at kilabot sa akin. At oo. Pinagsususpetyahan ko siya sa mga krimen na yun.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mister / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...