Ikalabing-anim na Kabanata

14.2K 367 52
                                    

Masyadong na-late noh? Hehehe. Pasensya na po. Pasahan kasi ng requirements sa school. :">

Baliw

-

Paulit-ulit na gumugulo sa isip ko ang nangyari dalawang araw na ang nakakaraan. Ni hindi ko nga maramdaman ang sarili ko sa sobrang pagkatuliro pati narin ang mga agam-agam sa sistema ko. Ewan ko nalang kung anong klaseng tao ako nitong nakaraan. Ni hindi ko nga maalala kung nakausap ko ba ng matino si Kihan o kung nagawa ko bang sumagot sa mga sinasabi niya.

Sadyang magulo lang talaga ang isip ko ngayon. Pero hindi... hindi lang simpleng gumugulo yun sa aking isip, dahil kada maaalala ko ang araw na yun ----- natatakot ako. Kinatatakutan ko mismo ang taong yun. Kinatatakutan ko ang bawat salita niya. At higit sa lahat... alam na alam ko ang ibig niyang sabihin.

Ang katotohanang.. "Gusto niya akong patayin..." 

Napayakap ako ng mahigpit sa sarili ko. Nasa kwarto ako ngayon kasama siya pero wala akong maramdamang presensya ng kahit sino. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako dito kasama ang mga senaryong paulit ulit na lumalabas sa aking imahinasyon. Sa ngisi palang ng taong yun ay alam kong kakaiba siya. At ngayon palang, marahil ay wala na kong takas sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba..." Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mata ko. Nasasaktan ako sa katotohanang mamamatay rin pala ako ng maaga. Yung parang napadaan lang ako sa mundo. Yung ganito na kung kailan nakaranas na ako ng pagbabago ay tatapusin lang din pala ang buhay ko. Ngayon palang ay natatakot na ko sa kaya niyang gawin sakin.

Napatawa ako mahina.

Parang ganito rin kasi ang iniisip ko noon, nang makumpirma ko ang pagiging mamamatay-tao ni Kihan. Yung mga panahon na napagdesisyunan kong tumakas palayo sa kanya. Gusto kong lumayo sa kanya dahil nakakakilabot siya, nakakatakot at higit sa lahat ay ayaw ko pang mamatay. Ganyang ganyan din ang tumatakbo sa isip ko noon. Ito na ata ang sinasabi nilang deja vu.

Deja vu, nakakatuwa, may natutunan na naman akong bagong salita. At syempre dahil yan kay KIhan.

Hayy..

Kihan na naman.

Pero siguro, dahil kay Kihan na umiikot ang mundo ko ngayon--- kaya baka nakakonekta na sa kanya lahat ng alaala ko. Lahat ng mga nasa isip ko, Masaya man o nakakatakot ay palaging konektado na sa kanya.

Iyan ang katotohanang hindi ko na dapat pang ipagtaka o ikagulat pa.

Katulad nalang panibago kong problema ngayon. Yung taong yun. Yung gustong pumatay sakin na paniguradong may koneksyon din kay Kihan.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko dito sa kama. Mahimbing siyang natutulog na para bang walang nangyari. Pero oo nga pala---- hindi niya nga pala alam ang engkwentrong yun. Hindi niya alam ang takot na bumabalot sakin kada maaalala ko ang mukha ng taong gusto akong isunod sa estudyanteng pinugutan niya ng ulo. S-Siguro.. sobrang sakit nun.

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon