Take You
-
Naguguluhan kong sinusundan ng tingin ang mga nagkakagulong estudyante. Ang mga nakarespondeng pulis pati narin yung pamilyar na bulto at mukha ng lalaking nakakakilabot.
Nasa gilid siya ng gate at hayun na naman sa matamang pagtitig sa akin. Umiwas agad ako ng tingin at saka dali-daling naglakad. Hindi ko kayang makita siya. Tandang tanda ko parin ang itim na itim niyang mata na halos humahalukay sa buong pagkatao ko. Yung makinis niyang mukha na may bahid ng dugo. Yung sariwang dugo na kumalat sa pisngi niya.
Ngayon palang ay nangingilabot na naman ako sa presensya niya.
Nagsumiksik ako sa mga nagkakagulong estudyante. Medyo masakit na ang sinag ng araw kaya mas nakapagpadagdag yun sa kagustuhan kong makapunta sa silid-aralan.
"Padaan po! Padaan sandali! Padaa---- aww!"
May nakatamang braso sakin. Halos parang nasapak na nga ako sa mukha dahil sa lakas ng pagkakatama. Yumuko nalang ako at saka patakbo ulit na umalis. Hindi ko na ininda yung sakit.. mas natuon ang pansin ko sa pag-alis sa lugar na yun. Para bagang bumigat na naman ang paligid. Parang may masamang mangyayari na nakapag-papakaba sakin. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba yun at kung bakit ko nararamdaman yun.
Sa wakas ay nakarating narin ako sa silid-aralan pero nakapagtatakang walang katao-tao roon.
"Nasaan kaya sila?" Tanong ko sa sarili ko habang papaupo. "Ahh.. siguro ay naroon din sila sa labas at nakikiusyoso. Sabagay, mga chismosa rin nga pala ang karamihan sa kanila."
Tahimik tuloy kaya minabuti ko nalang na mag-aral para naman magka-laman ang utak ko. Kinuha ko yung aklat namin sa Chemistry. Hayy, nakakahilo siya makita ko palang. Pero nakaramdam ako ng pangamba. Tingin ko ay may mga matang nakamasid sakin.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero mga nakaayos lang na mga silya angbumungad sakin pati ang blackboard na kulay berde naman talaga. Hayy, isa pa iyan sa ipinagtataka kong talaga. Hindi ko mawari kung ako ba'y tumatalino na talaga o sadyang masyado lang akong nagpupumilit na may alam.
Tumingin naman ako sa labas pero... nagulat ako sa aking nakita!
"AAHH!" May tao! May tao sa labas ng bintana kung saan ako mismo nakapwesto!
At mas lalo akong nagimbal nang makita ko siya.
Yung lalaki na naman. Siya na naman ... pati yung mga itim na itim niyang mata na titig na titig sakin!
Naka-itim siyang damit katulad ng mga uniporme ng mga lalaking estudyante paaralan na'to. Nakapamulsa siya at tuwid na nakatayo roon. At ang lubos na nakapagpakaba sakin ay ang dugo sa magkabilang braso niya habang nakapamulsa!
Napalunok ako. Pilit na nilalakasan ang aking loob. "S-Sino ka ba? Ano bang kailangan mo?" Umatras ako ng umatras, nagugulo na yung mga nakaayos na upuan dahil sa pagkataranta ko. "Ah!" Muntik akong mawalan ng balanse sa pagkakabangga ko sa mga upuan. "Ano bang kailangan mo?!" Ulit ko pa.
Hindi siya sumagot. Humakbang nalang siya palayo at saka umalis. Nahigit ko ang aking hininga. Ano nga bang dahilan at parang lagi ko siyang nakikita? Ang ang nakapagtataka ay lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin.
"Oh my gosh! Nakita mo ba siya? Ehhh! Ang gwapo niya talaga noh?"
"Oo nga sis! Sana talaga ay naging classmate natin siya!"
"Alam mo na ba yung name niya sis? Wala kasing makapagsabi eh, kahit yungiba pang senior gaya niya. Hindi daw talaga kasi nagsasalita."
"Eh sa ID?"
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mystery / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...