Don't You?
-
"Natalie, stop sulking. She's not even bullying you."
Naalerto ako bigla nang marinig ang boses ni Kihan. Kanina niya pa ako tinititigan pero ngayon lang siya umimik. Buong akala ko nga ay hindi niya na talaga ako pupunain-- bagay na gusto kong wag niyang gawin.
"H-hindi niya nga ako binubully pero nakakailang kasi siya, Kihan. Tingnan mo nga oh." Pasimpleng turo ko dun sa bata.
Heto na naman kasi ako ngayon sinusubukang makipag-usap sa batang babae. Ang sabi sakin ni Kihan ay tawagin ko nalang daw itong Inori.
Sa totoo lang ay gustong gusto ko talaga siyang makausap. Gusto ko ring hawakan yung mahaba niyang buhok na kulay puti, pati yung pares ng ribbon niya sa buhok. G-Gusto ko rin sanang makipagkaibigan. Tutal naman ay dinala siya dito ni KIhan sa bahay kaya baka pwede ko nga siyang kaibiganin.
Hayy, napakaganda kasi niya talagang bata. Nakakahiya tuloy sa itsura ko, gusgusin at mukhang mabaho, mahirap at kaaawa-awa nung mga kaedaran ko palang siya. Pakiramdam ko ay isa siyang prinsesa na di hamak na katanggap-tanggap na kasama ni Kihan dito sa bahay kaysa sa sakin.
"Wait up, baby. I'll make your milktea in two minutes."
"H-Ha?! MILKTEA?! Teka wag Kihan! Wag! Wag mo kong lalasunin!"
"What?" Kunot noong tanong sakin ni Kihan. Muntik ko pa nga siyang masimangutan. Ang bingi niya kasi. Hindi ko tuloy maunawaan kung ako lang ba ang pulpol dito... o baka pati siya.
"How foolish.."
Napalingon agad ako sa maliit na boses ng babae na nagsalita. Walang duda si Inori iyon! Sa wakas ay nagsalita na siya! Napangiti ako bigla at saka kumaway sa kanya.
"Hello!" Kumaway-kaway ulit ako dun sa bata pero inisnaban lang ako. Natigilan ako. May kakaunting guhit ng pagkapahiya. Nanlulumo tuloy akong napatingin kay Kihan.
Sinalubong niya naman ako ng yapos at saka ako inakay papuntang kusina.
"Kihaaaan!" Bigla nalang akong nagpapadyak. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang inaasal ko. Pero ito talaga ang gusto kong gawin. Parang sa isang iglap ay nagiging isip bata ang kinikilos ko. Isang bagay na ni minsan ay di ko nagawa noong bata pa ako. Pakiramdam ko nga ay hindi ako naging bata. Hindi ko naramdam maging isang bata. Yung pakiramdam ng isang masaya... at malayang musmos. Hindi... hindi ko pa nga talaga nararanasan. KAhit ang ganitong pag-iisip..... ni kahit kailan ay di ko nagawa. Isa ang akong walang buhay na bata noon. Yun lang ang bagay na meron ako noon.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misterio / SuspensoIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...