Her Smile
Mabilis akong naglakad at nang makaliko ako ay isang pares ng malalamig na mata ang sumalubong sakin.
- -
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Natigagal ako sa lamig ng titig niya ganun din ang nakakatakot na presensya niya. Dumako ang mga mata ko sa tilamsik ng dugi sa kanyang uniporme. Heto na naman ba Kihan..?
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at sakit sa damdamin ko. Ang lahat ng ito ay kasalanan ko. Hindi na siya ganito, ngunit nagbalik na naman dahil sa pagkawala ko.
Humakbang ako papalapit sa kanya. Napansin kong wala siyang reaksyon doon ngunit ang mga mata niya ay nag-oobserba sa bawat kilos ko. Marahil pati ang pag-awang ng labi ko ay di nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata.
Ganun pa man, hindi ako nag-alinlangan.
Marahan kong itinaas ang aking kamay at inabot ang pisngi niya.
Nakita ko ang pagpikit niya dahil doon. Hinaplos ko iyon at wala akong naramdamang pagtutol galing sa kanya. Umakyat ang mga daliri ko at hinawi ang buhok niya. Napalunok ako nang maamoy ko mula sa kanya ang bahid ng nakakasulasok na amoy. Alam ko kubg ano yun at ayoko nang pangalanan pa.
Nilapitan ko pa siya lalo at nagkadikit na rin ang katawan namin. Sinandal ko ang aking pisngi sa dibdib nya at doon ko lang ulit naramdaman na buo ako.
"Kihan.."
Rinig ko ang tibok ng puso niya. Unti-unti kong naramdaman ang kamay niya. Pumatong ito sa aking bewang. Marahan niyang hinaplos iyon na tila nakikiramdam pa. Hinayaan ko lang siya.
Doon din ay kumapit na ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Ilang segundo kaming ganoon. At wala na ulit nagsalita pa. Saka ko napagtanto ang itsura niya ngayon.
"Teka! Umalis tayo dito!"
Hinawakan ko siya sa kamay at hinala para sumama sakin. Tumakbo kami at nang marating ko ang lugar na iyon... Ang daan papunta sa dating lugar kung saan niya ko dinala ay walang patumpik-tumpik kong binaybay iyon.
Maingat akong inalalayan ni Kihan. Kahit isang salita ay wala pa akong naririnig sa kanya.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay na iyon ay saka ko na pinakawalan ang mga gusto kong sabihin.
"Kihan! Sagutin mo ako!" Pasigaw kong sabi at napapikit pa ako.
Isang katahimikan... Dumilat ako at saka siya sinampal
Nanlaki ang malalamig niyang mata. Napahawak siya roon at tumingin sakin. Tumalim iyon ngunit wala akong pakialam!
"Ikaw, bakit hindi mo na ko kinakausap? Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ko gusto?"
Aray, bat ang sakit sabihin non T_T
Nakita ko ang pagkislap ng mata niya. Mula sa matikas na pagkakatayo ay yumujo siya at pinatong ang ulo sa balikat ko.
Parang nakuryente ako dahil dun. Nag-init pa ng aking pisngi nang maramdaman ko ang paghinga niya.
Mainit.. at mahinahon.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misterio / SuspensoIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...