Ika-dalawampu't Siyam na Kabanata

1.8K 59 6
                                    

Need Her

Ilang minuto akong natulala matapos ang tawag na iyon.

May mga ilang bagay akong hindi maintindihan, ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita si Kihan.

"See you again daw.." Napayakap ako sa unan at saka binalikan ang alaala ng boses niya. "Pero kelan?"


Lumabas ako ng kwarto at saka tumungo sa kusina. Gaya ng nakagawian ay nagtimpla ako ng gatas. Nakita ko doon ang dilaw na papel at may nakasulat. Mukhang iniwan iyon ni Ate Lily bago umalis.


Sisteret! Ingat sa pagpasok ^^ Sabay kayo ni Formad okay? (´ ▽`).。o♡



Mabilis akong nag-ayos at saka tumingin sa salamin. Inobserbahan ko ang aking sarili at napansin kong medyo tumaba ako.

Hindi ko alam pero, nadismaya ako ng bahagya.

"Pano kung makita ni Kihan 'to? Baka di niya na ko magustuhan.."

Pinisil ko ang tyan ko at napangiwi ako nang makita ang pagtaba nun. Nanlumo ako... Pano ako gaganda? T.T


May sasakyang bumusina sa labas. Hudyat na nandyan na si Formad at gaya nang sabi ni Ate ay magsasabay na kami sa pagpasok sa school.


Dali-dali akong bumaba tsaka nilock ang pinto. Sumakay ako sa kotse niya saka naupo sa likod.


"Tch." Narinig ko siya. Kaya dumungaw ako palapit sa harap.

"Bakit? Anong problema?" Inosenteng tanong ko. Sinalubong lang ako ng matalas niyang titig at saka biglang pinaharurot ang kotse.

Nawalan ako ng balanse at pasalampak na natumba sa upuan

Unti-unting nag-init ang pisngi ko at nagtagis ang bagang... "Formad...!!!"

- -


Nang huminto ang sasakyan niya sa parking lot ay mabilis akong tumayo at piningot si Formad

"Ah.. Ouch wait---what the heck!"



Sunod kong pinutirya ang braso niya at kinagat siya! At sinigurado kong madiin iyon

"D-Damn!"

Malakas na boses niya ang narinig ko. Sumandal siya sa gilid ng binta ng kotse at hapong-hapo na nagsalita.


"Oh damn, stop there okay? I got it, I'm sorry"

Tumingin ako sa kanya at nilubayan ang pagpingot at pagkagat ko. Nginitian ko siya at saka pinagpag ang nagusot niyang uniform.

"Sorry din."

Ilang segundong walang nagsalita samin. Tumikhim siya at saka inabot ulit ng palad niya ang ulo ko. "My fault. Dont worry about it, let's go now."

Lumabas nga kami ng sasakyan. Ilang hakbang lang ang pagitan niya sakin at saka na naglakad papuntang classroom.

Sinalubong ako ng ilang tingin ng mga kaklase ko. Ngunit bago pa ako makapasok ay napatigil ako nang may kumalabit sa akin mula sa likod.


Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon