Alaxan FR
-
Ano ba ang tamang paglarawan ang dapat kung gawin?
Ayoko nang husgahan si Kihan. Sa totoo lang ay yun ang gusto kong paniwalaan. Halos limot ko na ang nangyare dati pati ang mga larawan ng senaryo na yun sa isip ko. Ngunit dahil sa tilamsik ng dugo sa pisngi ni Kihan, hindi ko maiwasang pagdudahan siya... o kahit ang pagdudahan ang sarili ko.
Siya si Kihan diba? Alam kong masama siyang magalit at mawala sa sarili... pero alam kong mabuting tao rin naman siya.
Bagamat may iisang senaryo lang ang bumabagabag sa isip ko, naroon parin ang pagnanais kong makita at makausap siya. Pakiramdam ko kasi ay sobrang tagal na buhat nang makita ko ang mukha niya.. kahit ilang araw lang yun, kahit nung nakaraan lang.... pero heto... may sumasakit dito sa dibdib ko ngayong nasilayan ko ulit ng buo si Kihan. Parang pinipiga ang damdamin ko para sa kanya, pero alam kong masaya akong makita siya ulit dahil..
Namimiss ko na siya..
"K-Kihan!" Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Paghakbang palang ng kanang paa ko ay tinapon ko na ang sarili ko kay Kihan.
Mahigpit ko siyang niyakap. Iyong yakap na hindi malalayo sa paraan niya ng pagkulong sakin sa mga bisig niya.
Damang dama ko ang mainit na pakiramdam nang maging malapit lang kay Kihan. Sa totoo lang ay siya ang hinahanap-hanap ng sistema ko. Gusto ko siyang makita at mayakap ng ganito kahigpit. Gusto kong ibaon ang mukha ko o ilapat ang aking pisngi sa matikas at malapad niyang dibdib.
Gusto ko siyang... gustong gusto ko na ulit siyang makasama.
Siya lang naman ang nag-iisang iniikutan ng mundo ko hindi ba? Kahit na nagkaroon man ako ng kapatid at naging masaya ako don... wala parin namang mas hihigit kay Kihan. Siya ang bumuo sakin. Siya ang naghubog ng buhay ko. Siya ang nagturo sakin na 'siya lang ang kailangan ko'------ at aaminin ko, iyon na talaga ang naiisip ko ngayon.
"K-Kihan... *huk.. Kihan.." Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya. Galit pa ba siya sakin? Ayaw niya na ba akong makita? Iyan ang bumabagabag sakin sa oras na ito kaya paulit ulit ko nalang binabanggit ang pangalan niya.
Ngunit ang pagtawag lang sa pangalan niya ay isang bagay na pinagsisisihan ko. Pinagsisisihan kong nagkukulang ako. Parang may ipinamumukha sakin ang isang daloy ng kuryente sa pagitan ng magkalapit naming katawan.
Ni hindi man lang niya ako niyakap pabalik. Kahit hindi man siya magsalita ay alam kong nanlalamig siya sakin. Para siyang walang pakiramdam...
"Kihan?" Humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya pagkatapos ay tumingala para tignan ang kanyang mukha. Pero wala akong nakuhang kahit na anong emosyon.
Bakit ganoon? Hindi ba siya masayang makita ako? Alam ko namang may hindi kami pagkakaunawaan bago pa man ako umalis sa puder niya.. Pero, ni hindi niya man lang ba ako na-miss? Iyong ganito tulad nang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misterio / SuspensoIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...