Ikapitong Kabanata

17.7K 455 55
                                    

Bampira

-

Simula nang mangyari ang insidenteng yun, yung muntikang pagkawala ng puri ko sa karumaldumal na paraan at ang pagpatay niya sa manggagahasa sakin, napansin ko ang mas lalong pagkatahimik ng lalaking nakakakilabot na 'to. Bukod pa dun, kahit di niya sabihin ay alam kong hindi na siya natutulog.

"Good morning, Natalie." Malamig ang boses niyang bungad sakin ngayong umaga. Kasing lamig ng kwarto niya na todo daw sa aircon dahil iyon ang nakasanayan niya. 

Nasa tabi ko ulit siya sa gilid ng kama at nakatitig sakin. Sigurado ako na magdamag niya na naman akong binantayan. Seryoso na naman yung aura niya habang pinapanuod ang bawat galaw ko.

Pasimple akong tumingin sa kanya para makitang mabuti yung mata niya. At hindi nga ako nagkamali, pagod na pagod na ang mga ito sa puyat. Mga ilang araw niya narin kasi yang panata. Daig pa ang Ramadan. Pero gaya ng ginagawa ko nang mga nakaraang araw.. hindi ko siya pinapansin kahit gaanong titig at tatag niya dyan sa pwesto niya.

Tatayo na sana ako nang bigla siyang lumapit sakin at saka ako inalalayan para buhatin. Kahit araw-araw niyang ginagawa yun ay natataranta parin ako.

"S-Sandali! Sandali!" Hiyaw ko pero hinalikan niya lang ako sa noo.

"I love you, Natalie." 

Hindi ko sinasadyang mangiwi sa sinabi niya. Napansin niya yun at nangunot ang noo. Nanahimik nalang ako at saka umiwas ng tingin sa kanya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nandoon parin ang kilabot nang marinig ko yun. Mas pinili ko nalang na isawalang-bahala siya tutal ay alam ko namang ayaw ko sa kanya.

Magkasabay ulit kaming pumasok sa Karis Novelia Academy. Halos napapatigil at napapanganga ulit ang bawat estudyante na nakakakita samin. Parang hindi na sila nasanay. 

Literal na nanlalaki ang mga mata nila habang pinapanuod ang sabay naming paglalakad ng lalaki sa tabi ko. 

Oo nga pla. Kailangan kong isaksak sa utak ko na sikat siya---Gwapo. Matalino. Matipuno at perpekto sa tingin ng ibang tao. 

Hah! Di naman nila alam na isa siyang mamamatay-tao!

"Hey, what are you thinking?"

"AY MAMAMATAY-TAO!" Napatalon ako sa gulat nung akbayan niya ako tapos nagsalita pa.Yung boses niyang parang hinukay sa lupa sa sobrang lamig at seryoso ay nanunuot sa tenga ko. Nagkatinginan kami pero natatakot na umiwas ako sa mga mata niya. Nanlisik kasi dahil sa sinabi ko.

Nagsinghapan ang mga estudyante.

"Omygosh! Inakbayan siya!"

"I really thought na coincidence lang na lagi silang nagsasabay sa pagpasok but oh my! Look at them!"

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon