Her Pain
"Formad!"
Hapong-hapo ako habang hinahabol ang lalaking ilang metro na ang layo sa akin. Pakiramdam ko ay susuko na ang puso ko sa sobrang bilis ng aking paghinga. Nanlalata narin ang mga tuhod kong napaupo sa kalsada. Pabagsak iyon ngunit tila hindi ko na maramdaman. Ang alam ko lang ay pagod na pagod na ako sa kakatakbo.
"S-Sandali.." Hinihingal kong sabi. Napapikit pa ako sa pawis na dumausdos na sa mata ko.
Ikalawang araw ito buhat ng makilala ko ang isang Formad Riley Fermindoza. Ito rin ang ika-sampung beses na nakita ko siya sa mga nagdaang araw buhat nang malaman ko ang pangalan niya. Paano'y hindi magkandaugaga itong si Ate Lily araw-araw.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya ngunit napapansin kong palagian na ang pagpupumilit sa akin ni Ate. Ilang beses niya na akong ipinagtutulakang sumabay sa rebeldeng lalaking iyon na mag-jogging tuwing umaga.
Minsan pa nga'y inuutusan niya akong tawagan ito sa landline at paanyayahang pumunta sa bahay at kumain. Kahit panonood ng pelikula kasama siya ay hindi pinalagpas ni Ate.
"Sandali, tumigil ka muna!" Buong lakas kong sigaw sa kanya. Pero mukhang kulang pa.
Nakita kong huminto siya at lumingon sa akin. Tila hindi man lang nagulat na makita akong sobrang layo na sa kanya.
Pinunasan niya ng towel ang leeg at kanyang noo, tsaka pinadausdos pababa sa likod ng ulo niya. Nakita kong marahan iyong pumaling pataas at saka bumagsak pababa. Napaismid nalang ako dahil kahit saang anggulo, mas mukhang malambot ang buhok niya kesa sakin!
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Hindi rin iyon nagtagal, sa haba ba naman ng biyas niya ay nasa harapan ko na agad siya.
"Tss. This is why I don't like you hanging around with me." Rinig ko ang inis sa malamig at rebelyosong boses niya. Pumihit siya paharap sa likod at umupo sa harap ko. "Come here."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niyang iyon. Parang may gumuhit na hapdi sa loob ko nang maalala ang malamig na paraan ng pagsasalita na binanggit niya. Ito ang ikatlong beses na narinig ko ang eksaktong lamig at timbre ng boses na kagaya kay Kihan.
Nabalik ko ang sarili sa realidad at tumingin sa lalaking nakatalikod sakin. Parehas sila ng laki at pangangatawan pero di ko maipagkakaila na lamang siya hotness gaya ng bukambibig ni Ate Lily. Lalo na ngayon.. Medyo pawisan siya at umaarko ang muscles niya sa likod suot ang sando niya.
Wala ako sa sariling pinindot ang likod ng balikat niya.
Namangha ako sa kinis ng balat niya pati yung tigas non. Ang buong akala ko ay si Kihan lang ang may ganitong klase ng katawan ngunit may mas hihigit pa pala sa kanya. Bumilog ang mata ko nang makita ang parang matikas na linya sa likod niya na kumukonekta sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misteri / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...