Thankful
Hindi ko mapigilang mapangiti. Niyakap ko nang mahipit ang unan ko saka impit na tumili.
'Kihan!' sigaw ko sa isip ko.
Huminga ako ng napakahaba at saka nagtalukbong ng kumot. Grabe, para akong sasabog sa tuwa! Lahat ng lungkot ko noon, parang limot na ng sistema ko agad. For me, the most important thing is... makasama ko ulit si Kihan.
Umilaw ang cellphone ko kasabay ng ringtone nun. Mabilis kong tinakpan ang speaker ng cellphone ko at saka tinignan ang screen.
Kihan sent a message.
"Waaa-" Parang bata akong nagreact at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang text galing kay Kihan.
Natalie, I want to kiss you right now.
Napatakip ako ng bibig ko, parang naghalo yung gulat at hiya ko. Muling tumunog ang cellphone ko. Dahan dahan kong sinilip ulit kung anong mensahe ang sinabi nya.
Natalie, kiss me.. please
"AAAAHHHHH BALIW!"
Parang bigpang nagka smoke screen yung utak ko, eto yung sinasabi nilang nakakaloka diba!!
Hindi na ko nakapag isip ng mabuti at di konarin namalayan kung anong ginawa ko pagkatapos mabasa yun dahil tuluyan nang nag overload ang utak ko!
--
Tanghali na nang magising ako. Pagbaba ko ay walang tao sa bahay. Maghahanap na sana ako ng makakakain nang biglang may kumatok.
"Sino yan?" tanong ko.
"It's me stupid." Baritono at malamig na boses ang narinig ko.
Napasimangot ako nang makilala siya. Naglakad ako palapit sa pinto at saka sya pinagbuksan.
Bumungad sakin ang mabangong amoy nya. Halatang galing sa ligo. Hindi katulad ko. Siguro ay mabaho ako hehe. Pero hindi alintana yun sakin. Si Formad Riley ay si Formad Riley nama eh.
"Napadalaw ka?" Tanong ko sa kanya. Dumapo sakin ang pares ng matalas na malamig na tingin nya.
"No reason." Sagot nya. Humakbang sya papasok at saka ako nilagpasan. "Nag almusal kana ba?"
"Hindi pa, ikaw ba?"
Hindi siya sumagot. Umupo sya sa sofa at saka sumandal doon.
"May kailangan ka ba?"
Hindi parin siya sumagot. Nagkibit-balikat nalang ako at saka tumuloy nalang sa kusina.
Pagbukas ko ng ref ay nakita akong mangkok ng tinola doon. Pinainit ko iyon at saka sinilip si Formad sa sala. Wala parin siyang imik at pumikit lang.
So, sa tingin ko.. ayaw nyang madistorbo. Napangiti ako. Kahit papaano, sa iba't ibang pangyayari noon, mukhang naging komportable na sya samin. So, ibig sabihin.... magkaibigang tunay na kami!
![](https://img.wattpad.com/cover/4384317-288-k26572.jpg)
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mystery / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...