Ika-siyam na Kabanata

16.6K 431 43
                                    

Gago

-

Napuno ng katahimikan ang buong kusina. Wala naman talaga kasi akong balak magsalita o pansinin ang mga sinasabi niya. Oo nga't humihingi siya ng tawad. Oo nga at sinusuyo niya ako sa malilit niyang halik at pagyapos. Pero inaalagaan ko ang galit ko sa kanya kaya malabong-----malabong malabo na gumaan ang loob ko sa kanya. Hinding hindi mangyayari yun.

At ipapangako kong mananatili siyang hayup at demonyo sa paningin ko.

"I'm sorry.." Mahinang sabi niya sakin. Unti-unting lumuluwag ang pagkakayakap niya hanggang sa masalubong ko na ang itim na itim na pares nyang mata. Gusto ko ngang itulak pa siya pero hindi. Hinding hindi ko siya hahawakan. Nakita ko ang pangisi sa kanyang labi mula sa gilid ng mata ko. Isang ngisi na oo nga't patuloy na magiging nakakatakot ang dating sakin, masama at mala-demonyo.. pero iyon din ang ngisi na isusumpa kong buburahin ko sa mukha niya oras na maging malakas ako para gantihan siya sa mga ginagawa niya sakin. "Sorry---that fvckng word yet I mean saying. Natalie, I really am sorry..."

"...But I guess, that would be senseless. I know, if I'll pursue saying my apologies.. mas lalo mong iisipin na galit ka sakin, na hindi mo ako mapapatawad." Umiling-iling siya. "That's how most people think and decide." 

Nakita ko ulit ang pagngisi niya at alam kong kakaiba yun. Alam kong hindi siya susuko---hinding hindi siya susuko sakin. Maaaring hindi sa paraang paghingi ng paumanhin pero.. nararamdaman kong hindi niya ako bibitawan.

"I love you." Blangko na ang ekspresyon niya. "But I think it's not enough." 

Parang habang tumatagal na nagsasalita siya ay mas lalo siyang nagiging seryoso. At doon, hindi ko man gustuhin pero kinakabahan ako sa dahilang yun, sa kaseryosohan niya. Kahit gaanong galit at pagpapatatag sa loob ko ang aking gawin.. lumalabas parin na hindi ko siya kaya. Na hindi ko siya magagawang isawalang-bahala dahil mas makapangyarihan siya kesa sakin.

Pumilig pakanan ang ulo niya na para bang inoobserbahan ako. Lumilibot din ang mga mata niya sa pag-aanalisa sakin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang kahit na nagtayo na ako ng malaking pader sa pagitan namin. Parang unti-unti niyang natitibag.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinilit kong hindi kumurap at magpakita ng kahit anong emosyon.

Kaso ay kinikilabutan ako sa paraan ng pagngiti niya, para kasing hawak niya na ang alas. Para bang kontrolado niya na ang lahat.

Akala ko may sasabihin pa siya. Akala ko ay mayroon pa siyang binabalak gawin.. pero nalaglag nalang ang panga ko nang iwanan niya ako dito sa kusina. Wala siyang pasabi at parang walang pakialam na iniwan ako dito.

Hanggang sa mag-umaga. Wala parin siyang kibo. Ganoon din naman ako pero may parte sa loob loob ko na naninibago. At mas nangingibaw naman doon ang kagustuhan kong wag niya nalang akong pansinin pa. Dahil kung ako ang tatanungin, sa sobrang sakit at galit ko sa ginawa niya sakin.. dapat lang na mawala na siya ng tuluyan.

Pumasok ulit ako ng mag-isa. Hindi dahil sa hindi siya pumasok pero dahil nauna na siya sa eskwela.

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon