Ikalabing-pitong Kabanata

12.9K 359 37
                                    

Done

-

Mabilis ang mga kilos ni Kihan habang binabagtas ang talahiban patungo sa loob ng eskwelahan.

Buo na ng desisyon niya at kitang kita iyon sa mga mata niyang nanlilisik sa galit... Galit na ilang araw niya nang kinukubli dahil kahit hindi man sabihin ni Natalie ay alam niyang may gusto na talagang pumatay sa babaeng kinahuhumalingan niya.

Iyon ang bagay na hindi niya hahayaang mangyari. Dahil hindi siya pwedeng iwan ni Natalie.. hindi siya dapat mawala sa kanya! Hindi pwedeng ngayon o bukas o kahit kailan---- hinding hindi maaari hanggat hindi pa siya nagsasawa sa dalaga.

May kakaibang ngisi ang gumuhit sa labi niya.

Tiningala niya ang kulay kremang pader sa harapan at doon muling bumuhos sa kanyang isip ang magandang mukha ng babaeng pinili niya.

Ilang sandali lang ay may lumapit sa kanyang matandang lalaki. Iyong gwardiya ng lugar na ito.

"Ser."

Nakangiting sabi nito at saka may inabot na malaking patalim kay Kihan.

"Mag-iingat ho kayo, Ser Kehan. Baka naririto na sila at nasa malapet lang ho. Baka hinehentay lang nila ang pagkelos mo---"

"Where's Inori?" Walang tinginang tanong ni Kihan habang hinahaplos ang talim ng kanyang hawak na pampatay.

"Ay andun na Ser. Nagtatanim na ng bomba."

Tinignan agad siya ng masama ni Kihan. Ngunit hindi naman nagpatinag ang matanda. Kahit kababakasan na ng kulubot ang mukha nito ay kitang kita parin ang matipunong anyo ng gwardiya. Hindi rin maitatago ang masayahing itsura nito at respeto sa kanyang amo.

"Damn you, Wilhelm." Malamig at madiing wika ni Kihan at saka tinutok ang talas ng patalim sa direktang itim ng mata ng matanda. "I'll kill you if anything happens to her!" Gigil pang wika ng malamig pa sa malamig nyang boses.

Ngunit imbis na matakot ay lumapad ang ngiti ng matanda at saka pa tumawa.

"Hahaha! Kalma lang ho ano Ser? Eto naman dili talaga mabiro. Nandun siya kay Ma'am nakikipaglaro." Sabi ng matanda at saka tinuro pa ang direksyon ng kubo.

May maikling sandali ng katahimikan sa kanilang dalawa. Pero maya-maya din ay bumuntong hininga si Kihan at saka binaba ang patalim na tinutok niya kay Wilhelm.

Pagbuntong-hininga. Isang bagay na kinagulat ni Wilhelm nang makita sa binatng kanyang pinagsisilbihan.

At mas lalo pang nanibago ang matanda ng hawakan ni Kihan ang kanyang balikat at saka yumuko. YUMUKO SA HARAP NIYA. Isang kahindik-hindik na gawi na ni sumagi sa kanyang imahinasyon ay di niya naisip.

"Keep my girl safe ..."

Muntik nang atakihin sa puso ang matanda nang marinig ang parang nagsusumamong boses ng binata.

"... Make sure its not Inori's hostility game, Wilhelm---- Not that fvckng game. Not anything that might hurt my Natalie. Understood?"

Tumingin ng may pagmamalaki si Wilhelm kay Kihan. Isang malapad na ngiti ang pinakita niya. Ngiti ng tuwa, suporta at pagsunod.

"Yes, Sir!"

Katulad ng inaasahan ni Wilhelm ay mabangis na naman ang mga sinumpang mata ng kanyang amo. Kailan niya ba huling nakita ang ganoon ka seryosong postura ng binata?

"Matagal-tagal na rin." Parang nananariwa ng alaalang sabi ng matanda.

Maraming salamat nalang talaga kay Natalie. Dahil halos humupa na ang kabaliwan ng taong kanyang pinaglilingkuran. Hindi man nya lubos na kilala ang mapanganib na binatang si Kihan ay nakikita niya ang kapasidad nito.. at kung ano ang mga pinagbago ng binata. And this time, alam niyang mas mabuti at klarado ang ninanais nito.

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon