It's been so long. Here's an update :)
Kaboses
Totoo nga ang sinabi sa akin ni Ate Lily. Pagpasok ko palang doon ay may nag'iisang pigura na ang sumalubong sa akin. Para akong nalimliman mula sa mga ilaw dahil sa anino niya. Maagap kong inalam kung sino siya, ngunit hindi ko inasahang ang itim na itim na pares ng mata nya ang una kong makikita.
Blangko ngunit may iritasyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba Ang taong nakalahad ngayon ng kamay sa harapan ko at ang lalaking kanina lang na nakasagutan ko ay iisa!
"B-Bakit ikaw?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Tumalas ang tingin niya sakin na parang nagkamali ako at kung pu-pwede lang ay parurusahan niya na ako agad.
Mula sa makisig nyang katawan hanggang sa rebelde nitong presensya, nakakasigurado akong siya parin ito. Walang duda. Isa-isang dumagsa sa isip ko lahat ng nangyari.
Pag-aalala.
Sakit.
Diskusyon.
At galit.
"Hanggang dito ba naman?" Mahinang sambit ko na ikinasama niya ng tingin.
Wala na ang ilang bakas ng sugat sa kanya ngunit may natitirang band-aid na nakatapal sa kanan nyang pisngi.
Napalunok ako ng dalawang beses sa matinding pagtitig nya sakin. Ni hindi man lang sya nakangiti kahit na nasa saamin ang atensyon ng mga bisita. Lahat sila ay pawang nakaabang sa pagtanggap ko ng kamay niya pero hindi ko kayang gumalaw.
Mabigat na paghinga nya ang sunod kong narinig.
Nakita kong dahan-dahang bumaba ang kamay niya, yumuko hanggang makalapit na sa mukha ko.
"You shouldn't be taking too much of your time." Marahan ngunit mariing bulong niya.
Nabigla ako. Para akong maiiyak nang marinig ko ang boses niya. May kaunting kabog sa dibdib ko dahil pamilyar ang malamig niyang pagsasalita. "I'm not here to babysit you so you better pull out that stupidness and let's just get this done and over."
Napakalamig. At iisang tao lang ang alam kong may gantong timbre ng boses. Si Kihan... Kaboses niya talaga si Kihan!
Napalunok ako ulit habang hindi alam kung saan titingin. Pero hinawakan nya ako sa panga at pinako ang titig sa kanya. "Don't make me wait, stupid idiot."
Wala akong nagawa kundi ang iangat ang kanang kamay ko. Mabilis niyang sinalo iyon sa isang maginoong paraan. Pero bigla niya itong pinisil ng mahigpit!
Napaigik ako sa sakit ngunit parang wala lang iyon sa kanya. Nakita kong diretso na siyang nakatingin sa harap.. at nagsimula nang maglakad.
--
Lily Colesio in her apricot tight gown is busy looking at her sister. Kasama na nito ang binatang masasabi niyang mas bet niyang ipareha sa kapatid kaysa sa isang bloke ng yelo.
She was so overwhelmed with the way people in this society look at Natalie. That flawlessness and figure undoubtedly captures everyone's sight. Marami namang ganyan sa mayayaman pero charot charot lang sila. Mga plastikada!
Natatawa niyang inisa-isa ng tingin yung mga top ranking sa mga artificial beauty na nakita niya. At muli niya na namang pinuri sa isip si Natalie. Para kasi sa kanya, once you look at her sister closer and longer, mapapasabi ka talaga ng Pak na pak!
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mistério / SuspenseIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...