Ikalabing-apat na Kabanata

14.9K 421 37
                                    

Inuuto

-

Nakaramdam ako ng lamig sa paligid kasabay ng pagmulat ng mga mata ko. Nakakapanibago. Parang kahapon lang na hindi ganito ka-gaan ang pakiramdam ko tuwing malapit siya sakin. Dati rati ay natatakot, kinikilabutan at nagagalit ako sa kanya. Pero heto, sa isang iglap lang.. Dahil lang sa mga matang kinatatakutan ko noon.. dahil sa matang yun kung saan nakita ko ang kahinaan niya.... nagbago ang lahat.

"Kihan?" Tawag ko sa kanya. Tinapik ko ang kanyang pisngi para magising siya. Nandito parin kasi kami sa 'secret place' daw namin--- yung kubo sa likod ng eskwelahan.

Papalubog na ang araw-- kitang kita yun sa siwang sa loob ng kubo. Kumukulay kahel na kasi ang liwanag kaya paniguradong kung hindi kami makaaalis dito agad ay baka masarahan kami ng gate ng eskwelahan.

"Huy Kihan.. gisiiiing!" Sumigaw na ako pero wala parin. Ayaw niya paring magising. Hayy, paano na 'to? Ganito ba talaga siya pag birthday niya? Nagiging antukin masyado at tulog-mantika? 

Napabuntong-hininga nalang ako dahil mukhang wala talagang pag-asa. Nangangalay ang balakang ko dahil hanggang ngayon ay nakaupo parin ako habang siya ay nakayakap sakin at nakasandal ang ulo sa balikat ko. 

Hinawakan ko yung maputi niyang braso at saka unti-unting tinanggal sa katawan ko.

"Hmm.." Gumalaw na siya at mukhang nagrereklamo pa sa ginawa ko. Muli niya na naman akong niyakap at di pa doon nakuntento. Umakyat pa ang kamay niya sa gilid ng dibdib ko at pinisil yun na parang manyakis!

Doon na lubusang namula at nag-init ang pisngi ko sa galit. Damang dama ko yung presyon kong pataas ng pataas. Kulong-kulo na!

"BASTOS KA TALAGA!"  Malakas ko siyang sinapak, tinulak at tinadyakan hanggang sa sumubsob siya sa lupa.

"U-Ugh.. what the.." Napahawak siya sa ilong niya at saka hinilot-hilot yun. "Damn."

Kitang kita ko yung pagkunot ng noo niya. At aba! Ako rin nangungunot na ang noo dahil sa ginawa niya. Napatingin siya sakin pero sinuklian ko lang siya ng irap at saka na ako nagtatakbo palabas ng kubo.

Mabilis nga akong nakalayo pero.. ni hindi man lang niya ako sinundan. Pero.. ano.. hindi naman sa gusto kong sundan niya ko, at saka yun naman dapat ang ginagawa niya diba? Dapat mag-sorry siya. Pero hindi niya ginawa.

Nakarating na ako dito sa may pader. Tiningala ko ang taas nun at napabuntong-hininga nalang ako. 

"Hindi ko naman kayang akyatin yan. Paano ako dito makakaalis?" Sabi ko sa sarili ko. Napanguso ako at saka sumandal sa pader na yun. Nagulat nalang ako nang may bulto ng isang lalake ang nasa harap ko at nakatunghay sakin.

"Ma'am. Huwag daw po kayung masyadong magtatatakbo sabe ni Ser. Baka madapa raw ho kayo." 

Fermindoza Boys: The Psycho's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon