- - -
"I love you... I love you..." Paulit ulit niya iyong sinasabi sa akin. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko habang humahaplos ang magkabila niyang palad sa bewang at likod ko.
Tumitig ako sa duguang mukha niya at saka iyon marahang pinahid gamit ang kamay ko. Hinayaan ko ang aking sarili na mapagmasdang mabuti ang pisngi niya.. mga mata.. ilong at kanyang labi na siyang kauna-unahang umangkin sakin.
I forced a smile. "T--Thank you.." I almost whisper.
Napabuntong hininga siya sa sinabi ko dahil alam niya kung bakit hindi ko yun kayang sagutin pabalik tulad ng pagmamahal na sinasabi niya. He leaned closer to me and tucked my body between his legs. He heaved a deep sigh and leaned his forehead with mine.
His dark eyes were focused on me, ni hindi man lang yun kumukurap simula pa kanina.
"I love you so much Natalie --- I so love you that I could kill anyone."
That words. It made me shivered in fear. His voice and gaze, it was so intense . His eyes were dark and bloody.Ang bisig niyang puno ng tilamsik ng dugo ay nakayakap sakin ng sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng balat ko dahil sa mga dugong iyon.
Natulala ako sa sinabi niya dahil alam kong totoong kaya niyang pumatay ng mas marami pang tao. Mas marami at mas brutal. Kayang-kaya niyang gawin yun lahat hindi para sakin kundi para sa ikapapanatag ng loob niya. Para masiguro lang na babagsak ako sa mga kamay niya.
Napaiyak na lang ako. Yung puno ng hirap at pagdadamdam.
"Hush baby.. Don't cry.." Dinilaan niya ang luhang nagpapaunahang mahulog mula sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng kilabot sa ginawa niyang yun.
Gusto kong sumigaw pero parang barado na ang lalamunan ko para kumilos pa. Ni hindi ko na nga maigalaw ang mga mata ko dahil nakapako na yun sa napakalapit niyang mukha. Takot. Yun ang lumulukob sa buong sistema ko.
Nakaramdam ako ng lamig sa paligid. Tama... malamig nga dito. Sa lugar kung saan niya ko ikinulong.
Patuloy lang ako sa pag-iyak at siya naman sa pagdila at paghalik sa pisngi ko.
Gusto kong makawala. Gusto kong umalis dito. Gusto kong magtago at wag nang magpakita pa sa kanya. Gusto kong kalimutan na siya.
Pero hindi..
Mahirap iyon.
Sobrang hirap gawin dahil hindi niya ako hahayaang makawala. Hindi niya ako hahayaang makaalis sa tabi niya. Hindi niya ako hahayaang mawala sa paningin niya. At hinding-hindi niya ako patatahimikin at di hahayaang kalimutan siya. Lahat ng alalang meron ako sa kanya.
"You belong to me Natalie.. And there's no way you could escape from me."
- - -
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Mystery / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...