Ayoko Sayo
-
Sabado ngayon. Maaga akong gumising dahil iyon ang paulit-ulit niyang paalala sakin kahapon pa. Siguro ay pagbabasahin niya na naman ako ng dictionary o baka ipagpapractice magsalita ng English. Araw-araw niyang pinapagawa sakin yun kaya nakakasawa. Kung yun nga ang dahilan niya ng pagpapagising sakin ng maaga, parang tinatamad na ako. Hayy. Bakit ba kasi masyado siyang masipag sa pagtuturo sakin? Ayaw man lang ba niya magbahinga?
Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Nagulat pa nga ako dahil wala nang sumasakal sa katawan ko pagkagising ko kanina eh. Wala na kasi siya sa mundo---este wala na sa kama. Himala nga at nauna pa siya sakin magising. Yung demonyo na kasi yun, kung makalingkis sa akin eh dinaig pa ang sawa.
Dahan dahan akong naglakad pababa. Patingin-tingin din ako sa paligid dahil baka bigla na naman siyang sumulpot sa kung saan. Iyon ang napapansin ko sa kanya, bigla-bigla nalang nasa harap ko tapos ay di magpapaalam kung aalis.
Pagdating ko sa sala ay nakarinig ako ng malalakas na pukpok sa kung ano. Pinagmasadan ko ang buong sala. Gaya ng nakagawian ay sarado parin ang itim na kurtina nun kaya wala gaanong liwanag sa loob ng bahay. Sinundan ko kung saan galing ang malalakas na tunog na yun hanggang sa mapunta ako sa kusina.... na sana ay di ko nalang pinuntahan..
Para akong tuod na naestatwa nalang sa kinatatayuan ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ginagawa niya sa kusina. Hindi ko maiwasang matakot, kabahan at kilabutan ng sabay-sabay. NI hindi ko nga magawang huminga habang sinusundan ng tingin ang sunud-sunod na pagbayo niya ng kutsilyo, pati ang pagtalsik ng laman at dugo nito sa katawan niya.
"Diyos ko po.." Hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili. Natuptop ko ang bibig ko. So, ganito pala. Ganito pala siya kapag pumapatay. Siguro ay ganyan din ang ginawa niya noon sa lalaki sa likod ng school! Isipin ko palang yun ay nararamdaman ko na ang matinding panganib sa buhay ko. Nakatutok ang tingin ko sakanya habang kinakapa ko ang mga braso ko kung buo pa ba. Pakiramdam ko kasi ay ako ang china-chop-chop niya. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko.
'Papatayin niya rin ako..' Iyon agad ang naisip ko kaya para akong mababaliw habang nakatutok sa ginagawa niyang pagtadtad sa laman.
Bakit nga ba kasi ako napunta rito? Ano ang dahilan at bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang makakasaksi ng karumaldumal na bagay na 'to?
Para siyang baliw na nakangisi pa sa tuwing mahahati niya ang kaawa-awang katawan ng manok sa harap niya.
Hawak niya yung malaking kutsilyo habang walang patid na pinagpuputol yung isang buong karne ng manok. Walang direksyon at tuloy-tuloy lang siya sa pagtadtad nito. Dinig na dinig ko yung malakas at madiin na pagkahiwa ng buto at laman pati yung dumadagundong na lakas ng kutsilyo sa chopping board.
Naalala ko tuloy yung sinabi niya noon..
'I love to cut things..'
Iyon mismo ang senaryong nasasaksihan ko ngayon. Ultimo ang pag-angat niya ng kutsilyo sa ere ay nakakapangilabot. Kaya hindi na ako magtataka... kung nagawa niya yun sa mga napatay niya. At posible ring gawin niya sakin yun!
"Natalie!"
"Ahh!" Napasigaw ako nung bigla siyang patakbo na lumapit sakin tapos.. tapos.. hawak niya parin yung kutsilyo!
BINABASA MO ANG
Fermindoza Boys: The Psycho's Obsession
Misteri / ThrillerIbang klaseng paraan ng pagmamahal ang kaya niyang ibigay kay Natalie. Iyon ay ang baliw niyang pag-ibig sa dalaga, iyong tipong walang hanggan at walang pakundangan kahit makapatay pa siya ng marami. Gagawin niya ang lahat wag lang itong mawala sa...