Lunes ngayon at kailangan nilang mag papirma ng clearance sa mga teachers nila. Magkasabay pumasok sila Emerald at Rosie.
"Uuuy! Ano? Close kayo? Gustong gusto ko talaga itanong sayo noong foundation day pero pinigilan ko sarili ko." Usisa ni Rosie sa kanya.
"Ano? Kami? Nino?" Balik na tanong niya dito.
"Kayo ni Jandrick. May pa El pa syang tawang sayo at yung tingin nya, aay naku. Ems ah. Hindi ka nagsasabi sakin." May halong pagtatampo sa tono ng pananalita nito.
"Ikaw talaga. Wala yun. Magkaibigan lang kami pero hindi ganun ka close. Hindi kasing close natin." Naka ngiti naman niyang sabi.
"Sa totoo lang bagay kayo Ems." May makahulugang sabi nito sabay ngiti
"Ikaw talaga. Ang gwapo nya kaya." Naka ngusong sabi niya.
"Maganda ka kaya. Bagay kayo."
Nag kibit balikat na lamang siya.
"Oo nga maganda ka kaya El."
Sabay pa silang napalingon sa may likuran nila. Laking gulat nila ng makita si Perea sa may likuran nila.
Narinig ba niya yung pinag uusapan namin? Shocks! Nakakahiya. Nakagat niya ang pang ibabang labi niya dahil sa naisip niya. Siguradong pulado na ang mga pisngi niya sa mga oras na iyon dahil sa hiya.
"Hi Jandrick. Good morning." Masiglang bati ni Rosie dito.
"Good morning din Rosie. Good morning El." Nakangiting sabi naman ng crush nila.
"Aaahm... Gu-good morning din. Kanina kapa sa may likuran namin?" Naiilang at nahihiyang tanong niya.
"Oo."
"Maganda naman sya diba Jandrick?" Tanong ni Rosie dito.
Gusto niyang dagukan at kaladkarin ang kaibigan palayo kay Perea pero hindi niya magawa. Baka kasi magtaka ang lalaking ito at baka idemanda pa siya ni Rosie ng physical injury. Hehe.
"Oo. Maganda si El at matalino pa. Kung ok nga lang sa kanya gusto ko sana sya imbitahan mamasyal mamaya. Pagkatapos natin magpapirma ng clearance." Nakangiting sabi nito.
Laking gulat niya sa sinabi ni Jandrick. Napatingin siya dito at napatigil sa paglalakad. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
"Ano EL? Payag kaba?" Tanong ulit nito sa kanya.
"A...e.... Ano kasi.... Aahm,.." Hindi siya makasagot agad. Tumingin pa siya kay Rosie para tingnan ang reaksyon nito at para humingi ng tulong. Pero ang gaga naku, ngiting ngiti at may patangu tango pang nalalaman.
"So? Payag kaba? Date tayo?" Ulit pa ni Jandrick.
Umusok yata ang tenga niya dahil sa biglang pagtaas ng init sa kanyang buong muka. Siguradong pulang pula nanaman iyon at yung puso nya naman mukang biglang nagwala at yung pandinig nya ay mukang hindi gumagana. Wala kasi siyang marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.
"Oo na EL. Um-oo ka. Dali na." Patili namang sabi ni Rosie habang niyuyugyog siya sa balikat. May palundag effect pa ito.
Doon lamang siya napa balik sa reyalidad. Muka kasing nag black out lahat ng senses niya.
"Aahmm.... O-ok sige. Hehe.." Parang timang siya dahil hindi niya malaman kung naiihi ba siya o masusuka dahil sa mga paru paro sa tiyan niya.
ALAS SINGKO ng hapon. Tapos na nga silang mag papirma ng clearance.
~*~030821~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Fiksi RemajaAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...