"Good morning everyone! I'm Jandrick Perea, 18 years old and a former student here. Nice to be back and meet all of you." Nakangiting wika ni Perea.
"Ok class. Since kumpleto na kayo ay magkakaroon tayo ng sitting arrangement."
Sana katabi ko si Perea. Ang gwapo nya!
Shocks! Ang gwapo! Sana tabi kami.
May gf na kaya sya? Sana wala.
Ilan lamang iyan sa mga bulong-bulungan na naririnig ni Emerald.
Ang gwapo naman kasi lalo ni Perea. "Hiyang yata sa ibang bansa o baka naman may gf na ito na nag aalaga sa kanya!?" Naisa isip ni Emerald. Nakaramdam siya ng lungkot ng dahil sa naisip niya. Natapos ang sitting arrangement. Katabi niya si Rosie samantalang nasa may bandang likuran nila sa kanan si Jefferson na may katabing babae na sa pagkakatanda ni Emerald ay Yvonne ang pangalan. Halatang kilig na kilig si Yvonne dahil kay Jefferson. Dami din kasi talaga nagkakagusto sa mokong na yun. Nilingon niya si Rosie na mukang papatay na anytime dahil sa sama ng tingin kay Yvonne. Binulungan niya ang kaibigan ng "kalma ka lang. Alam naman natin na inlove sayo si Jefferson. Hehe." Namula naman si Rosie sa sinabi ni Emerald saka binawi ang tingin kay Yvonne. Napatawa naman ng mahina si Emerald dahil sa kaibigan niya. Nagawi ang tingin niya sa may unahan sa may bandang kanan niya. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba ng mag tama ang kanilang tingin ni Perea. Nakatitig pala ito sa kanya! Gosh! Gusto niyang mag lulundag sa tuwa dahil bumalik ito ng bansa pero parang dumikit ata sa upuan ang palda niya at na magnet ang kanyang mga mata sa mata ni Perea. Napabalik lamang ang kanyang senses ng magtanong ang adviser nila kung may mga tanong pa sila?
"Ha? Ano daw? Tanong? Haha! Oo ang dami kong tanong dahil wala akong naintindihan sa lecture nyo ma'am." Natatawa siya sa kanyang naiisip kaya tumungo siya at kinagat ang kanyang pang ibabang labi upang hindi mapalakas ang kanyang tawa. Naramdaman namn niya na siniko siya ni Rosie sanay abot ng papel na nakatupi. Binuklat niya iyon at binasa.
"Bakit ka natawa ng palihim? Naloloka ka na ba? O baka may sapi ka? Baka naman hindi mo nainom yung gamot mo?" Pambibiro sa kanya ni Rosie.
Nagsulat din siya pabalik.
"haha. Si Mrs. Encarnacion kasi e. Ang tanong nya kung may tanong daw tayo sa lecture nya, gusto ko sana sabihin na, 'opo ma'am meron po. Pwede po ba lecture kayo from the start? kasi po wala akong naintindihan.' Hahahaha." Itinupi niya ang papel saka iniabot kay Rosie. Nakita niya gilid ng kanyang mata na nag pipigil ng tawa si Rosie habang nagsusulat. Nakita niyang itinupi nito ang papel saka pinasa ulit sa kanya. Binuklat niya ito saka binasa.
"pareho tayo. Hahahahahaha. Patay tayo nito. Mangongopya pa naman sana ako sayo. Hahaha. Itlog tayo nito. Hahaha."
Hindi na niya ni-reply-an ang kaibigan. Sa halip ay nag focus sa quiz nila. Matapos ang quiz ay 8 out of 10 ang nakuha niya habang 6 out of 10 naman ang kay Rosie. Pag kalabas ng adviser nila ay saka sila nag tawanan pareho pero hindi masyadong malakas.
"Pasado parin. Hahaha." Tatawa tawang sabi ni Rosie.
"Oo nga e. Hahaha. Muntik na tayo buti nalang napag aralan na yun last year."
Nagtatawanan silang dalawa ng dumating ang second teacher nila. Matapos ang Science ay Math naman ang next subject. "Pesteng yawa! Ke-aga aga puro mga sakit sa ulo ang mga subject." Nasa isip ni Rosie dahil mag kasunod ba naman ang Science at Math!? Gusto siguro ng mga teachers na iyon na sumabog ang utak nila! Nag pakilala muna ang Math teacher nila na si Mrs. Cyprus then lecture saka quiz. Pagkalabas ni Mrs. Cyprus ay nag recess sila. 30 minutes recess nila bago nag umpisa ang next subject. Pumasok na kaagad ang isa pang teacher nila. Lalaki iyon at gwapo. Bahagyang nagkaroon ng bulong-bulungan nanaman. Mga kinikilig nanaman na bulungan ang kanyang naririnig. Napabuntong Hininga na lamang siya. Si Sir Flavian iyon na teacher nila sa Filipino. Katulad ng dalawang subject na nauna ay nag pakilala lamang iyon saka nag lecture then quiz. Matapos ay lumabas na iyon saka pumasok ang next teacher at nag pakilala. Si Mrs. Malarte na MAPEH teacher nila. Pagkatapos nag quiz ay lumabas na iyon.
Breaktime naaaaa! Sa wakas ay natapos din ang umatikabong quiz ngayong umaga. Saglit lamang sila nag recess ni Rosie kanina dahil nag mamadali silang bumalik sa classroom nila kaya naman gutom na silang dalawa. Nakaupo na sila sa canteen at kumakain ng kanilang tanghalian. Nag kwentuhan sila habang kumakain. 25 minutes pa bago mag 1pm kaya naman tumambay muna sila sa oval. Dun sila naupo sa may bench saka pinanuod ang ibang mga estudyante na naglalaro sa field. Mga freshmen ang mga iyon kaya napangiti si Emerald. Ang bilis kasi ng panahon at graduating na sila. After ng 15 minutes ay pumunta na sila sa classroom nila. Habang papalapit sila ay napansin nila na ang daming mga estudyanteng babae ang naka silip sa labas ng room nila. Nag katinginan silang dalawa at bahagyang napatig sa paglalakad.
"Ano kayang meron?" Tanong ni Rosie sa kanya.
Nag kibit balikat lamang siya saka sila naglakad ulit papasok sa room nila. Todo sabi pa sila ng excuse para makadaan sa mga babaeng nag kukumpulan. Nang makapasok ay laking gulat nila ng makitang sila Jandrick at Jefferson pala ang pinag kakaguluhan. Todo pa-cute ang mga malalandi kila Perea kaya naman nakabusangot ang muka ni Rosie ng tingnan niya iyon. Hinila na lamang niya ang kaibigan paupo sa kanilang upuan. Pagkaupo nila ay tinapik niya sa balikat si Rosie at nginitian. Sinabi kasi ni Rosie sa kanya na balak na nitong sagutin si Jefferson ngunit mukang mauudlot pa ata dahil sa dami ng mga magagandang babae na nakapalibot doon. Tumingin siya sa gawi ni Jefferson. Nakita niya na mukang hinaharot iyon ni Yvonne. Halata ang pagkaasiwa sa muka ni Jefferson kaya naman nilapitan niya ito. Naupo si Emerald sa bakanteng upuan sa tabi ni Jefferson. Tumukhim muna siya upang mapansin siya ng dalawa.
"Kumusta?" Tanong niya kay Jefferson ng lingunin siya nito. Biglang umaliwalas ang muka nito ng makita siya. Ngumiti siya dito at ngumiti rin ito pabalik sa kanya.
"Ayos lang. Ikaw? Kumusta na? Si Rosie?"
"Ayos lang ako. Hehe. Ayun si Rosie puntahan mo na. Mukang kailangan mo mag paliwanag." Napapailing na sabi niya dito.
"Mamaya nalang pagkatapos ng class natin. Mukang mahihirapan ako nito." Nag aalalang sabi ni Jefferson.
Tinapik niya ang balikt nito saka nginitian.
"Don't worry. Hindi ka matitiis nun. Promise. Balik na ko sa upuan ko. Usap kayo mamaya ha."
Bumalik na siya sa upuan niya habang si Rosie ay sa labas ng bintana naka tingin habang naka pangalumbaba.
Natapos ang lahat ng klase nila ngayong araw. Nauna ng lumabas si Rosie sa kanya. Sinabi din niya dito na gustong makipag usap ni Jefferson. Tumango lamang ito sa kanya saka umalis. Nag aayos pa ng gamit niya si Emerald ng may marinig siya.
"Hi Jandrick. I'm Jemimah. Nice to meet you." Nakangiting sabi ng isa sa kaklase ni Emerald habang nakalahad ang kanang kamay sa harap ni Jandrick.
"Same." Tipid na sabi naman ni Perea ngunit hindi inabot ang kamay nung Jemimah.
"haha. Buti nga! Kainis naman oh! Hirap pag gwapo crush mo." Napapailing na lamang siya sa kanyang naiisip. Matapos niyang mailigpit ang kanyang mga gamit ay hinagilap niya ang cp niya saka siya tumayo at isinukbit ang bag niya sa kanyang balikat. Hindi muna siya umalis sa kanyang pwesto at nanatiling nakatayo lamang habang binabasa ang messages niya sa inbox. Nakarinig siya na may tumikhim sa may gawing gilid niya kaya napaangat siya ng tingin. Si Perea iyon! "My ghad! Ang gwapo."
***†***050421***†***
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Novela JuvenilAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
