AFTER one week ay nag botohan na nga sila ng mga magiging class officers. Nagulat si Emerald ng siya ang binoto na maging muse. May mga nakalaban siya at pito sila na nag laban laban sa pwesto. Mas maraming bumoto sa kanya kaya siya ang nanalo at si Jefferson ang escort. Popular kasi talaga ito dahil matalino ito at magaling din sa sports. Player ito ng basketball at soccer sa kanilang school. Ang astig nya!
"Class, I would like to inform all of you tungkol dun sa magaganap stage play next month. Mga tiga ibang school sila. Gusto ko sana na manuod kayo and then dun ko ibabase ang quiz nyo." Sabi ni Mr. Paguio ang Filipino teacher nila.
LUNCH time na at sabay sila ni Rosie kumakain ngayon sa canteen. Nagkasalubong kasi sila nung nakaraang araw. Napag usapan nila na sabay sila kakain ng lunch everyday dahil namimiss na daw siya nito. Si Jefferson naman ay pinapunta sa faculty room para sa basketball things daw na dapat pag usapan.
Mag uumpisa palang sila ni Rosie na kumain ng may tumawag sa kanya. Pag lingon nya ay nakita niya si Jefferson na papalapit sa kanila at nakabili na din ito ng pang lunch nya. Nakiupo ito sa may table nila ni Rosie.
"Buti hindi pa kayo nakakakain." Nakangiting sabi nito pagkaupo.
"Mag uumpisa palang sana. May game ba kayo?"
"Ah, wala naman. Mag prepare lang daw para sa darating na PE festival. Three months pa naman yun."
"Uuhhm, ok. Kain na tayo."
"Ooops! Teka lang! Sino ka?" Turo ni Rosie kay Jefferson. "Boyfriend mo ba sya Ems?" Sabay tingin kay Emerald na nagulat sa tanong niya.
"Hahaha. Nope! We are friends and classmates pero sana nga boyfriend nya ako kaso hindi e." Tatawa tawa at medyo nanghihinayang na sabi ni Jefferson.
"Sorry Rosie, si Jefferson nga pala." Turo ni Emerald sa lalaki. "Jefferson, si Rosie nga pala bestie ko." Pagpapakilala ni Emerald sa dalawa.
Nag shake hands naman ang dala at nag simula na sila kumain. Matapos mag lunch at nag punta sila sa oval. Tulad ng mga nakaraang araw ay may mga nag papa-cute kay Jefferson. Siniko naman ni Rosie si Emerald ng bahagya sa may tagiliran nito at saka bumulong.
"Ang gwapo naman nito. Grabe! Crush ko na din to. Hihi." Sabi ni Rosie
"Gusto mo iwan ko muna kayo?" Nakangiting sabi naman ni Emerald.
"Loka. Wag ha. Dito ka lang."
"Aahm, anong pinag bubulungan nyo?" Takang tanong ni Jefferson sa kanilang dalawa.
sabay silang napa iling. Napatawa naman ito na mukang na we-weirduhan sa kanilang dalawa. Nag paalam na sila kay Rosie dahil mag start na ang next subject nila.
TWO WEEKS bago mag PE festival..
"Good morning class, Ire-remind ko lang na malapit na ang PE festival. Emerald and Jefferson are our muse and escort kaya kayong dalawa ay excuse this week hanggang next week para sa practice. Syempre kailanga yun paghandaan. Lalo na at si Jefferson ay basketball and soccer player. Kaya mo ba pagsabayin ijo o isang sport lang sasalihan mo?" Sabi ng adviser nila.
"Basketball lang po ma'am. Nag usap na po kami ni Mr. Pulido tungkol doon." Sagot ni Jefferson.
"That's good. So, you and Emerald may go now sa oval para makapag practice na. May parade kasi muna bago ang mga games. May formation kayo na gagawin. Lahat ng mga muse and escorts ng bawat class rooms ay makakasama nyo doon para mag practice." Nakangiting sabi ulit ni Mrs. Dimaranan.
Sabay na silang dalawa na pumunta sa oval.
After 5minutes ay nag umpisa na ang practice nila. Mahirap pala mag form ng formation kaya kailanga talaga ng preparation and practice. Mabuti na lamang ay makulimlim ang panahon.
LUNCH time na. Nasa canteen na sila ni Jefferson dahil doon na sila dumeretso. Nakita naman nila na papunta na sa may table nila si Rosie.
"Kumusta ang practice ng formation?" Tanong agad nito pagkalapit sa kanila.
"Nakakapagod. Ang hirap kasi." Sagot ni Emerald.
"Sige, bibili na ako ng lunch natin. Ako na taya." Naka ngiting sabi ni Jefferson.
Pagkaalis nito ay mahinang tumili si Rosie sa kanya.
"Yiiieee! Ang gwapo talaga nya. Pero lamang parin si Jandrick. Hihi." Kinikilig na komento ni Rosie.
Napapailing na lang siya dahil sa kaibigan niya. Bigla tuloy niya naalala si Jandrick. Kumusta na kaya siya? Naisa-isip na lamang ni Emerald ng marinig niya ang pangalan ni Jandrick. Hanggang ngayon kasi ay ito parin ang laman ng isip niya. Crush lang ba talaga?
Natapos na silang kumain ng lunch at bumalik na ulit sila sa practice habang si Rosie ay bumalik na sa class room niya.
4pm.
Uwian na nila kaya naman nag aayos na ng gamit niya si Emerald para makauwi na siya. Nakakapagod ang araw na iyon. Two weeks na preparation? E unang araw pa nga lang para na siyang nag jogging mag hapon yun pa kayang two weeks? Napapailing na lamang siya at ang gusto na lamang niya ay makauwi at makaligo at matulog.
SA BAHAY nila....
Deretso agad sa kwarto niya si Emerald sabay ligo. Matapos maligo ay nahiga na muna siya. 15 minutes ang lumipas bago siya lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Andun ang mama niya at nagluluto na ng hapunan nila.
"Oh! Kumusta ka anak?" Nakangiting tanong ng mama niya pag paaok nya sa kusina.
"Nakakapagod po."
"bakit naman?"
"Kasi po two weeks nalang at PE festival na namin at dahil po ako ang muse ay kailangan po namin mag practice ng formation. Kug todo marcha po kami at saka bubuo ng formation." Naka pangalumbaba niyang sabi na halata ang pagod.
"Aba anak! Ang galing naman at may ganyan pa pala ngayon. Maganda yan anak. Mag eenjoy ka diyan." Masayang sabi ng mama niya. "Heto oh! Ipinag timpla kita ng gatas. Inumin mo muna ito."
Matapos nila kumain ay pumunta na siya sa kwarto para makapag pahinga na siya.
"Lord, pwede po ba paki kumusta na lang ako lay Perea? Salamt po."
Nakatulog na siya kaagad matapos mag dasal. Mula first year kasi hanggang ngayon ay si Jandrick lang ang naging crush niya.
~*~032521~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Novela JuvenilAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
