"Sorry." Mahinang bulong ni Emerald habang nakatungo ngunit alam niyang narinig iyon ni Jandrick.
May sakit na rumehistro sa mga mata ni Perea ng mga oras na iyon ng marinig ang ibinulong ni Emeral. Parang dinurog ang puso niya. Ganun pala kasakit kapag nabasted, kapag hindi tinanggap ang pagmamahal na ibinigay mo. Parang gusto niyang maiyak ng mga oras na iyon. Ganun na lang ba? Titigil na ba siya sa pagmamahl kay Emerald? Wala manlang ba siyang gagawin? Bigla siyang napaisip.
"Anong sorry? Bakit ka nag so-sorry?" Takang tanong niya kay Emerald na nakatungo parin. "Sorry dahil hindi mo ko mahal? Sorry dahil hindi mo ko kayang mahalin? Sorry dahil hindi mo matatanggap ang pagmamahal ko sayo? Ano bang sorry? Bakit ka nag so-sorry?" Medyo naiinis na tanong ni Jandrick kay Emerald dahil wala na itong idinugtong sa sinabi nito.
"Sorry kasi... Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi mo. Pwede paki ulit?" Nakangiting sabi ni Emerald kay Jandrick. "Lakas kasi ng tibok ng puso ko. Hahaha. Wala akong naintindihan sa sinabi mo. Kinakabahan kasi ako.hehe." pag amin ni Emerald habang hinihimas ang batok niya gamit ang kanyang kaliwang kamay dahil hawak parin ni Jandrick ang kanyang kanang kamay.
"Huh?" Parang na-stunned ata si Jandrick dahil sa inamin ni Emerald.
"Eeeiiiyy... Sabi ko ulitin mo." Maktol ni Emerald habang nakanguso. "Kasi nga kinakabahan ako. Hawak mo kaya ang kamay ko tapos niyakap mo ko. E nung pag hawak mo palang sa kamay ko wala na. Na blangko na isip ko, lalo na nung yakapin mo ko. Dyos ko! Para akong mawawalan ng malay-tao." Deretsong pahayag ni Emerald na sa ibang dereksyon naman nakatingin dahil hindi niya makayanan na tingnan si Jandrick sa mata. Nahihiya kasi siya. "Ulitin mo dali na." Dugtong pa niya habang bahagyang hinila hila ang kamay niya na hawak ni Jandrick
Naramdaman ni emerald na bahagyang sumikip ang pagkakahawak ni Jandrick sa kanyang kamay kaya napatingin siya sa muka ng binata. Kitang kita niya ang kumikislap nitong mga mata. May nag babadya na rin na luha sa mga mata nito. Naalarma naman si Emerald dahil doon. "Shit! May nasabi ba ako na nakasakit sa damdamin niya? Ano bang sinabi ko? Ano ba?" Natataranta niyang hinawakan ang pisngi nito gamit ang isa niyang kamay saka ito tinitigan sa mga mata.
Hindi maipaliwanag si Jandrick ang kanyang nararamdam. Ang akala niya ay nahingi ng tawad si Emerald dahil sa ba-basted-in siya nito ngunit nagkamali siya. Nakatitig lamang siya dito habang nag sasalita ito. Kita niya bawat galaw nito maging ang bawat ekspresyon ng muka nito. Nakita niyang nataranta ito at hinawakan ang muka niya. "Damn! I just wanted to stop the time right now. His hand is so warm and comforting." Napapikit si Jandrick dahil sa pag hawak ni Emerald sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay nito na nkahawak sa pisngi niya saka siya pumikit.
Bahagyang nagulat si Emerald sa ginawang paghawak ni Jandrick sa kanyang kamay na nakahawak sa pisngi nito. Happiness was visible on Perea's face that time. Lalong gumwapo ang lalaki sa paningin ni Emerald. Hindi niya alam pero parang kuntento na siya sa ganoon. Nag nag dilat ng mga mata si Perea saka ngumiti kay Emerald. Hawak parin nito ang kmay ni Emerald na nasa kanyang pisngi. Nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa't isa na wari mo'y nakikipag usap gamit lamang ang mga mata. Si Jandrick ang unang nag salita.
"I love you." Nakangiti at buong pusong pahayag nito kay Emerald na nakatitig lamang sa kanya. "Kahit na ilang beses mo pang ipaulit sakin ang mga salitang yan ay uulit-ulitin ko hanggang kailan mo naisin." Madamdaming pahagyag niya kay Emerald.
"bakit alam mo na gusto ko lang ipaulit sayo?" Kunot noong tanong niya kay Jandrick na ngayon ay napakalawak na ng ngiti.
"Alm kong narinig mo yun dahil napaiyak ka." Nakangiting sagot niya kaya naman namula ang muka ni Emerald. "So, alam pala niya? Kainis naman. Kakahiya!" Napatungo si Emerald dahil sa kahihiyan.
"Ang init ng palad mo. Ang sarap sa pakiramdam." Masayang pahayag ni Perea na mukang inaasar si Emerald. Nakapatong parin kasi ang kamay niya sa kamay ni Emerald na nakahawak sa pisngi niya. Lalong namula ang muka ni Emerald na ikinatawa lamang ni Jandrick. Ibinaba na niya ang kamay ni Emerald na nakahawak sa pisngi niya saka niya iniangat ang muka nito gamit ang kanyang daliri na nakahawak sa baba ni Emerald..
"I love you." Madamdaming pahayag muli ni Jandrick na puno ng pagmamahal habang nakatitig sa mga mata ni Emerald.
"Speechless si ako----" Sagot ni Emerald ngunit hindi na siya pinatapos ni Jandrick sa kanyang sasabihin. Hindi naman nabawasan ng kanyang sinabi, na hindi pa naman tapos, ang malawak na ngiti sa labi ni Jandrick. Hinimas niya ng banayad ang buhok ni Emerald saka nag 'pat' sa ulo nito ng bahagya.
"it's ok. Hindi kita mamadaliin."
"----kasi mahal mo DIN pala ako." Dugtong niya sa kanyang sinasabi kanina habang nakangiti at sinadya pang diinan ang salitang "din".
"Ibig sabihin mahal mo ko? Talaga? Totoo? Walang halong biro?" Sunod-sunod na tanong nito na kitang kita ang saya.
"Oo. Oo. Oo. At oo. Mahal kita. Talagang talaga. Totoong totoo. Walang halong biro." Masayang sagot niya. Kasabay noon ay ang pagyakap ulit ni Jandrick kay Emerald na tinugon din ni Emerald ng isang mahigpit na yakap.
"Wooooooo! Kiss! Kiss! Kiss!"
Napahiwalay naman sa pagkakayakap kay Jandrick si Emerald ng marinig ang malaks na sigaw na iyon. Nag palinga-linga siya at nakita niya ang mga kaibigan nila na nasa may di kalayuan sa kanila at hawak ang kanya kanyang cellphone habang si Doris, isa sa mga tauhan ng resort, ay may hawak naman na camera.
"Hala! Naka bine-video-han ata bila tayo." Pag imporma niya kay Jandrick. Napatawa na lang ang huli saka siya hinalikan sa labi. Smack lang naman pero ikinatulala parin niya.
"Yung una niyakap mo ko tapos ngayon naman hinalikan mo ko." Maktol niya dahil ito ang first hug at kiss niya.
"mali ka. Ang una ay hinawakan ko ang kamay mo." Nakangiting panimula ni Jandrick at bahagyang lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikta. "Sunod ay nag i love you ako sayo." Inilapit pa ni Jandrick ang muka niya kay Emerald. "Sunod ay niyakap kita." Inilapit pa ulit niya ang kanyang muka kay Emerald. Tangkang lalayo si Emerald ngunit hindi nito nagawa dahil hawak ni Perea ang kanyang magkabilang balikat. "At ang huli ay hinalikan kita." Kapiraso na lamang ang pagitan ng kanilang mga muka na ikinapula lalo ng muka ni Emerald.
"Kiss na kasi. Dali na. Isa pa!" Malakas na sigaw ni Marvin.
"Kiss na yan. Kiss na yan. Kiss na yan." Saby sabay na sigaw ng mga kaibigan nila na parang nag chi-cheer.
"Kiss nyo muka nyo sa pader!" Sigaw ni Emerald sa kanila.
Lumapit ang mga ito sa kanila habang hawak parin ang kanya kanyang phone at bini-video-han parin sila.
"So ano? Kayo n?" Nakangiting tanong ni Rosie ng makalapit sa kanila.
"Ayaw pa mag I love you too ng bestie mo." Sumbong ni Jandrick kay Rosie na tinawanan ni Emerald.
"I love you too." Sigaw ni Emerald dahilan upang mapa-nga nga ang mga kaibigan nila saka sabay sabay nag sigawan ng matauhan. Si Jandrick ay hindi pa makapaniwala nung una ngunit niyakap ng mahgpit si Emerald ng makabawi ito mula sa pagkabigla.
***†***061121***†***
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Novela JuvenilAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
