Si Mang Teban ang driver nila Mira habang nakasakay sa Expander. Katabi ni Mira si Jacob. Katabi naman ni Sarah si Damien habang mag katabi naman sila Drix at Marvin. Sa kotse ni Jandrick naka lagay ang kanilang mga damit habang sa kotse naman ni Jefferson nakalagay ang kanilang mga gamit pang beach.
****
9:47pm
Nakarating na sila sa Batangas sa may beach resort nila Mira. May mga naghihintay sa kanila doon, ang mga tauhan ng resort. Lumapit ang mga ito sa kanila at tinulungan sila sa kanilang mga gamit. Nauna ang mga ito upang ituro sa kanila ang kanilang magiging kwarto. Tig iisa sila ng kwarto dahil wala namang ibang tao sa resort. Nang makapasok sa kanya kanyang kwarto ay natulog na sila. Kumain naman sila kanina sa isang fast food chain kaya nang makahiga ay nakatulog na sila kaagad. Pagod sila sa byahe.
Kinaumagahan ay nagising si Emerald dahil sa sinag ng araw na pumasok sa kanyang kwarto dahil sa bahagyang nakaisod ang kurtina ng bintana. Antok, matamlay at walang gana niyang inilibot ang kanyang paningin. What the heck! Hindi niya ito kwarto! Parang tanga siyang napabangon dahil hindi niya iyon kwarto. Napatampal siya sa kanyang noo ng maalala niyang nasa beach siya. Tsk! Hirap talaga pag naaalimpungatan. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa digding. "11:38am na pala." Wala sa sariling sambit niya saka nag hikab at nag unat. Pumunta siya sa banyo saka nag hilamos upang magising siya ng tuluyan. Nag sipilyo na din siya saka lumabas ng banyo. Kumuha siya ng damit sa kanyang bag saka niya hinubad ang damit niyang suot upang makapag palit. Matapos mag palit ng suot ay lumabas siya ng kwarto niya saka nag palinga linga. "Nasan kaya sila?" Tanong niya sa kanyang sarili. Walang ibang naroroon kundi ang iilan na tauhan ng resort. Lumapit siya sa kinaroroonan ng mga babaeng nag aayos ng lamesa.
"Excuse po. Ahhmm.. Itatanong ko lang po kung nakita nyo po ang mga kasama ko?" Tanong niya sa isang may edad na babae.
Ngumiti ito sa kanya bago sumagot. "Gising ka na pala ija. Yung iba mong kasama ay tulog pa. Ang iba naman ay naandoon. Halika at sasamahan kita."
Sumunod si Emerald sa babae. Ilang sandali lang ay humrap ito sa kanya.
"Ako nga pala si Auring. Nana auring na lang ang itawag mo sa akin." Nakangiti nitong pag papakilala kaya nginitian din niya ito.
"Ako po si Emerald." Nakangiti din niyang pagpapakilala dito.
"O sya. Halina at naandoon na ang iba mong kasama. Dadalhin na namin doon ang tanghalian ninyo."
***
Habang kumakain ng tanghalian ay nag kukulitan sila. Wala pa sila Sarah, Drix, at Jefferson. Tulog mantika pa ang tatlo habang sila at heto at puro kalokohan ang pinag gagagawa. Matapos kumain ay nagyaya si Mira sa may dagat. Ok lang naman dahil hindi naman masyadong masakit sa balat ang araw. Alanganin na makulimlim na maaraw ang panahon. Maulap kasi pero hindi naman yung tipo na uulan. Nag takbuhan sila papuntang dagat na parang mga bata na first time makakita ng dagat. Kanya kanyang saboy ng tubig at takbo sila. Masaya silang nag tatawanan ng dumating ang tatlong tulog mantika kasama si nana Auring. Pinasamahan na muna ni Mira sila Sarah, Drix at Jefferson kay Nana Auring upang makakain. Ang restaubar ng resort nila ay open kaya naman sariwang hangin ang malalanghap. Doon sila kumain kanina at doon din kakain ang tatlo. Ilang sandali pa ay nakita nila sila Sarah na paparating. Iba't ibang ang games ang kanilang nilaro. Una ay ang beach fight. Dahil sa 10 sila at sila Marvin at Drix lang ang walang partner ay sila ang magiging referee. Partner sila Rosie and Jefferson, Sarah and Damien, Mira and Jacob, Emerald and Jandrick. Bale ang laro na yun ay nakapasan sa balikat ng lalaki ang partner niyang babae. Ang kailangan lang ay agawin ng mga babae ang mga flag na hawak ng isa't isa. Ang may pinaka maraming flag ang panalo at syempre, kapag nahulog ang babaeng ay automatic na talo na sila ng kapares niya. Nag umpisa ang laro ng pumito na si Drix. Todo masid sila ni Marvin habang tawa ng tawa. Walang may balak mag patalo ngunit sadyang kay Mira pumabor ang laro dahil sila ni Jacob ang nanalo. Hapon na kaya naisipan na nilang mag banlaw upang makakain na ng dinner.
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Novela JuvenilAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
