THIRD YEAR na si Emerald. Sa wakas ay malapit na siyang mag tapos. Tulad ng dati ay todo aral ang palaging nasa isip niya.
May mga kaklase siya this year na kaklase din niya last year. Sa may Science department ang room niya ngayon. Science ang first subject kaya naman focus siya sa pakikinig. Madalas daw kasi mag pa-quiz ang mga tiga science dept.
Tulad nga ng inaasahan ay may quiz sila. 1-10 lang naman pero lahat ay essay kaya marami ang nahirapan.
"Time's up everyone. Please pass your papers forward." Sabi ni Mrs. Dimaranan, ang Science teacher at adviser nila.
"You already know that you are all in highest section. Ganito talaga dito kahit na first day of school year. I mean, nag le-lesson talaga kami muna then quiz and after that saka tayo mag bobotohan ng class officers. Para naman may idea kayo. Next week tayo mag bobotohan ng class officers para naman makilala nyo ang isa't isa and for you to vote ang mga sa tingin nyo ay nararapat sa pwesto na yun. Are we clear?"
"Yes ma'am!" Sabay sabay nilang sagot.
"I am Mrs. Melody Dimaranan. I'm 43 years old. You can call me Mrs. Dimaranan. Nakangiting sabi nito. "I already introduced my self to you kaya kayo naman. Start from you." Turo nito sa classmate nila nasa may unahan sa may kaliwa.
Tumayo naman ang estudyante at nag pakilala hanggang sa natapos silang lahat mag introduced. Sunod naman ay ang sitting arrangement. Matapos yun ay nag lecture na ulit ito. Sa may bandang gitna ang pwesto niya. Natapos ang lecture nito at sunod na pumasok ang second teacher. Tulad ng adviser nila ay nag pakilala din ito.
BREAK TIME na kaya naman inayos na ni Emerald ang gamit niya upang kumain sa canteen.
"Hi, I'm Jefferson. You are Emerald right?" Nakangiting sabi ng isa niyang kaklase at nakalahad ang kamay. "Friends?" Dagdag pa nito.
Nakipag shake hands siya dito at ngumiti din.
"May makakasabay kaba kumain? Kung wala, sabay nalang tayo." Pag iimbita nito.
"Ok. Thanks sa pag iimbita mo." Nakangiti pero medyo nahihiya niyang sabi.
Habang kumakain sila sa canteen ay may lumapit sa pwesto nila na grupo ng mga kababaihan.
"Hi, you are Jefferson right? From highest section? Section A to be exact." Nakangiting sabi ng isa.
Ang ganda naman niya. Naisaisip
niya. Nakatingin lang siya sa babae at napatingin din kay Jefferson. Tumingin ito sa kanya at saka ngumiti. Hindi ba niya kakausapin o titingnan manlang yung babae? Takadong tanong niya sa isip niya. Muka namang nabasa ni Jefferson ang nasa isip niya kaya nilingon na nito ang babae. Tumayo ito ay nakangiting sumagot."Yes. Ako nga. So, if you will excuse us. Kumakain kasi kami ng crush ko. Kaya pwede bang kumain nalang din kayo?" Naka ngiti ngunit may inis na sabi nito.
Umalis na yung mga babae at si Emerald naman ay nabigla sa sinabi ni Jefferson. Umupo na ang huli at ngumiti s kanya.
"Kain na ulit tayo. Pasensya na kung naputol yung pagkain natin kanina." Nakangiti parin na sabi nito.
"Ano ba yung sinabi mo kanina? Mukang makikipag kaibigan lang naman yata sila." Nakakunot noong sabi ko sa kanya. Ang suplado kasi ng dating nito e.
"Haha. Kumain nalang tayo ok?"
"Ok. Sabi ko nga at baka singilin mo pa ko dito imbes na libre na ito." Pabulong na sabi niya na alam niyang narinig ng kaharap habang sa lasagna siya nakatingin.
Napangiti na lamang si Jefferson sa narinig na sinabi niya. Matapos nilang kumain ay naglakad lakad sila sa may oval. Maaga aga pa naman.
"Parang popular ka sa mga girls ah. Pansin ko lang." Sabi niya ng makaupo sila sa isang bench doon sa may oval.
"Yun ba? Hindi naman masyado. Saka wag ka mag selos. Tulad ng sinabi ko kanina ay ikaw ang crush ko." Malapad na pagkakangiting sabi nito.
Nag init naman ang muka niya tanda ng namumula na ito. Nag iwas siya dito ng tingin at sa iba niya itinutok ang kanyang mga mata. Natatawa naman ito dahil sa inasal niya. Maya maya pa ay bumalik na sila sa classroom nila. English ang next subject. Nag pakilala lang din muna ang teacher bago nag discuss and then quiz ulit. Maghapon na ganun ang nangyari. Lahat ng subject nila ay discuss and quiz ang nangyari.
MAPEH ang last subject at more on basketball daw ang PE nila. Kinikilig naman ang iba niyang mga kaklase dahil sa MAPEH teacher nila si Sir. Pulido. Gwapo kasi ito at matipuno ang pangangatawan at isa pa ay maganda nag mga asul na mata nito. Mukang half ito. Half german half shepherd. Dijuklang. Hehe. Pero seryoso nga. Gwapo nga ito at mukang half blooded vanpire. lol.😂 pero seryoso pogi nga siya.
Nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang class. Nag aayos na ng gamit si Emerald para makauwi na siya. Isa isa na din naglalabasan ang kanyang mga kaklase.
"May makakasabay kaba pauwi?" Tanong ni Jefferson.
"Wala. Bakit?"
"Hatid na kita. San kaba nakatira?"
"ha? Wag na. Ok lang ako. Kaya ko umuwi mag isa."
"Please. I insist. Para naman alam ko kung saan kita aakyatin ng ligaw."
"Naku ako tigil tigilan mo ng kalokohan mo ha. 17 palang ako at sa pag aaral ako naka focus." Naka pameywang niyang sabi dito.
"Ikaw naman oh. Serious ako. Peksman cross my heart." Nag taas pa ito ng kanang kamay at nag drawing ng cross sign sa may dibdib niya.
Napatawa nalang si Emerald dito at sa huli ay hindi siya napilit nito na ihatid sa bahay niya. Natatwa pa siya habang naaalala ang muka ni Jefferson. Ang cute kasi naka pout ito.. Parang pato. Lol. Joke lang po. Hehe. Pero totoo naman.
~*~032021~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Ficção AdolescenteAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...