Part 7- Bakasyon

54 2 0
                                        

Nagising si Emerald dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang muka. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang digital clock na nasa may bed side table niya. 8 in the morning na. Parang naninibago nanaman siya. Palagi siyang ganito tuwing unang araw ng bakasyon dahil sanay siyang maaga gumigising.  Pero hindi pa muna siya bumangon dahil tumunganga pa siya doon sa kaniyang kwarto at nakipag titigan sa may kisame.

Second year na siya sa pasukan. Parang napaka bilis ng oras, araw, linggo, bwan at taon. Parang ang tamlay lang ng bahay nila dahil sila lang ng mama niya ang nakatira dito. Kung minsan nga naaawa siya sa mama niya dahil mag isa ito sa bahay nila tuwing may pasok siya.


Nag inat inat muna siya ng katawan bago bumangon. Inabot pala siya ng 30 minutes sa pag mumuni muni. Pagkababa niya ay nakita niyang malinis na ang kanilang bahay. Nakapag linis na ang mama niya. Ng ganitong kaaga at kabilis? Na isa isip na lamang niya. Pumunta siyang kusina at nakita niyang nagluluto ang kanyang mama.

Napalingon ito ng maramdaman ang kanyang presensya.



"Gising kana pala anak. Gusto mo ba ng kape?" Naka ngiting sabi nito.

"Opo ma. Kayo po nakapag kape na?"

"Oo anak. Teka at ipag titimpla kita."

Nag hila siya ng upuan at naupo doon. Pinanuod niya ang mama niya habang nag titimpla ng kanyang kape. Lalo siyang naging pursigido na makapag tapos ng pag aaral para sa kanyang mama. Mahal na mahal niya ito. Susklian niya lahat ng sakripisyo at pag hihirap nito para sa kanya.


Masaya nilang pinag saluhan ang  pagkain na niluto ng kanyang mama. May sari sari store sila at dahil doon ay nakaka survive sila sa araw araw. Sa awa naman ng diyos ay malakas ang kita nv kanilang sari sari store sa araw araw.



Nag movie marathon sila ng mama niya bilang bonding na rin nila ng mama niya.

THE NEXT DAY naisipan niyang mag part time job sa isang fast food chain malapit sa kanila. MWF ang pasok niya doon at 400 per day ang sweldo. Every friday ang sweldo niya doon kaya malaking tulong din. Gusto din niyang makaipon bago mag umpisa ang pasukan sa june. Nakapag usap na sila ng mama niya tungkol sa bagay na iyon.

Monday morning. First day nya sa trabaho bilang cashier. Madali lang naman iyon kaya sure siyang makakaya niya ang kanyang trabaho.

Every TThS ay nag momovie marathon sila ng mama niya. Pause ang movie kapag may nabili sa sari sari store. Hehe. Horror movie kaya iyon kaya hindi nila iyon pwedeng palampasin kahit na isang minuto o segundo.

Every sunday ay nag sisimba sila ng mama niya. Masaya sila kahit silang dalawa lang. Kahit na pakiramdam niya ay may kulang sa kanila pero ok lang. Kaya yan. Fighting lang.






~*~031221~*~

Emerald: High School (Completed)un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon