"Anong ginagawa mo dito?" May galit na tanong ng mama ni Emerald sa babaeng dumating.
Hinawakan ng lola niya ang balikat ng mama niya para pakalmain. Ang lolo naman niya ay nakatingin lamang sa babaeng dumating. "Sino kaya ito?" Naisaisip niya. Hindi niya maisatinig dahil hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Kita kasi niya sa mata ng mama niya ang galit.
"Pearl let me explain, please?" May pagsusumamo sa boses ng babae habang may nag babadyang luha na malapit ng pumatak mula sa mga mata nito.
Naguguluhan si Emerald sa mga nangyayari. Sino ang babaeng iyon at bakit siya nandito? Bakit galit ang mama niya dito?
"Anak. Anak. Gising na. Malapit ka ng ma-late."
Napabalikwas siya ng bangon. Tumigin siya sa digital clock niya at nakita niya 7:45am na. Shock! Mag 8am na. Tumakbo siya sa banyo at naiwan ang mama niya sa kama. Narinig na lamang niya itong malakas na humahagalpak ng tawa. Bigla siyang napasimangot at lumabas ng banyo. Tawa parin ng tawa ang mama niya.
"Mama naman e. Niloloko mo naman ako." Nakabusangot ang muka niyang lumapit dito.
"Ikaw naman kasi anak e. Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo magising." Sabi nito habang pinupunasan ang tears of joy sa muka. "Umuungol ka kasi kaya ginising kita. Pero ayaw mo naman gumising. Niyuyugyog ko na nga balikat mo pero ungol ka lang ng ungol." Dagdag pa nito.
Napatulala naman si emerald. Napanaginipan kasi niya ang Best friend ng mama niya. Ang mga kaganapan at pangyayari na ayaw na sana niyang malaman pa.
Flash back
"Taksil kang kaibigan. Best friend kita at alam na alam mo ang totoo. Alam na alam mo pero nag sinungaling ka." Umiiyak na sabi ng mama niya na ngayon ay nakatayo na.
Wala siyang imik at nakatingin lang. Ang lola naman niya ay nakahawak parin sa balikat ng mama niya at ang lolo niya at nakahawak na sa kanya.
"Pearl please naman. Mag usap tayo ng maayos." Pagsusumamo parin ng babae.
"At ang lakas ng loob mo? Traydor ka! Wala kang kwentang kaibigan. Mula ng araw na iyon, ang araw ng pag traydor mo sakin, ang araw ng pagtataksil mo sakin, ang araw ng pagsisinungaling mo, ay ang araw din kung saan pinatay kita sa isipan ko. Pinatay ko ang pagkakaibigan natin. Traydor ka! Ahas! Wala kang kwenta!" Sigaw ng mama niya sa babae.
Dumarami na ang taong nasa may labas ng bakod ng bahay ng lolo at lola niya. Maging ang mga taong iyon na kanilang kapit bahay ay masama din ang tingin sa babae. Ang lolo niya ay napapahigpit ang hawak sa kanya. Kita na din niya ang galit mula sa mga mata nito. Nalilito siya. "Bakit kaya? Sino ba talaga ang babaeng ito?" Maya maya ay may dumating na isang may edad ng lalaki.
Lumapit ito sa babae at hinawakan sa balikat ang babae.
"Go home." Dinig niyang utos ng may edad ng lalaki sa babae.
Parang bingi naman ang babae na hindi yata narinig ang sinabi ng may edad ng lalaki. Nag tangka pang lumapit ang babae sa mama niya pero pinigilan siya ng may edad ng lalaki sa kanyang balikat.
"Please Pearl hear me out." Pagmamakaawa parin nito na mama niya.
Hindi namalayan ng lola ni Emerald na nakawala na pala si Pearl, ang mama ni Emerald, sa pagkakahawak niya. Nakalapit ito sa babae at sinampal ito ng ubod ng lakas. Nabigla si Emerald sa ginawa ng mama niya at biglang napatayo. Napasinghap naman ang mga kapit bahay nila na naandun at ang iba ay mukang natuwa sa ginawa ng mama niya.
"Hindi lamang dapat sampal ang ibinigay niya sa ahas na iyan!"
"Kulang pa iyan sa makating iyan!"
"Traydor na babae!"
Ilan lamang yan sa mga naririnig niyang bulung bulungan ng kanilang mga kapit bahay. Gulong gulo na siya. Hindi niya alam ang pinagmulan ng galit ng mama niya. Hindi naman madaling magalit ang mama niya. Masayahin ito, mabait at mapag pasensya. Hindi pa niya ito nakikitang magalit ng ganito. Siya ang mainitin ang ulo pero mahiyain. Nang mawala na ang pagkabigla niya at mabilis niyang nilapitan ang mama niya at hinawakan sa braso. Napatingin ito sa kanya at kita niyang humupa ang galit nito. Pero bumaling ulit ng tingin sa babae.
"Tandaan mo ito Emma, sa susunod na magpakita ka pa ulit sa akin ay hindi lamang iyan ang ibibigay ko sayo. Hindi kita mapapatawad! Hindi kailanman.!" Galit na sigaw ng mama niya sa Emma na iyon habang duro duro ito.
"Emma tumayo ka na diyan." Sabi ng may edad na lalaki at inalalayan ang Emma na yun dahil napaupo ito sa lakas ng sampal ng mama niya.
Kita niyang umiiyak lamang ang emma na yun at hawak ang pisnging sinampal ng mama niya. Siguradong mabigat ang ginawang kasalanan nito sa mama niya. Iyan lamang ang nasigurado niya. Tumayo na ang babae habang hawak parin ang pisngi at umiiyak. Inaalalayan ito ng may edad ng lalaki at pinasama sa isa pang babae na halos kasing edad lang nung Emma.
Humarap ang may edad ng lalaki sa kinaroroonan ni Emerald at ng mama niya.
"Hindi ko alam na magpapakita pa siya sa iyo Pearl, sa inyo. Pasensya na at nahuli ako ng dating."
"Hindi ho kayo nahuli ng dating Mang Marcial. Sakto lang ho ang dating ninyo." Kalmadong tugon ng mama niya.
"Kung ganoon ay tutuloy na ako. Mang Armando, aling Pasiang aalis na ho ako. Hayaan nyo at hindi na ito mauulit." Nakatinging sabi nito sa lolo at lola ni Emerald. "Pearl, pasensya na ulit." Sa mama naman ni emerald ito tumingin at napagawi ang tingin sa kanya. "Hija pasensya na at nasaksihan mo pa ang gulo na ito." Nakatingin ito sa kanya at kita niya ang lungot sa mga mata nito. "Mauna na ako." Pagpapaalam ulit nito.
Lumabas na sa kwarto niya ang mama niya at hihintayin na lamang daw siya nito bumaba at kakain na sila ng almusal. Magulo ang lahat ng iyon. Hindi niya maintindihan. Pero sa halip na magtanong ay mas pinili niyang manahimik. Mainitin ang ulo niya pero hindi halata dahil sa may pagkamahiyain siya. Siguro ay kaya hindi niya tinanong sa mama niya ang dahilan ng galit nito sa babae ay dahil marahil sa alam niyang hindi pa ito handa na sabihin sa kanya ang lahat. Hihintayin na lamang din niya na kusa itong mag sabi. Alam din niya na hindi pa siya handa sa kung ano man ang nililihim nito sa kanya. Balang araw ay malalaman din niya iyon. Balang araw ay magiging handa na siya maging ang mama niya. Balang araw. Sana nga.
~*~040921~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Teen FictionAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
