Canteen..
"Uuy Ems! Ano na? Kumusta na yung ka pen pal mo? Nireplyan mo ba?" Curious na tanong ni Rosie sa kanya.
Umiling siya bago isinubo ang hawak niyang sandwich at kinagat. Napasimangot si Rosie sa sagot niya.
"Bakit naman?"
"Wala lang. Ayoko lang. Wala akong hilig sa ganun."
"Aaay! Bakit hindi natin tanungin si Marcus kung kilala niya yung Marco Sebastian na yun?" Suhestiyon ni Rosie.
"Mamaya pa sila ni Jefferson. Pinatawag sila ni sir Qiatchon."
"Bakit kaya? Biglaan naman yun." Lalong bumusangot ang muka ni Rosie.
Lihim na napapailing habang naka ngiti si Emerald sa inaasta ng kaibigan. Ang sabi nito nung tanungin niya kung mag nobyo na ba sila ni Jefferson ay tumanggi ito. Mag kaibigan lang daw sila, pero sa inaasta nito ay daig pa nito ang jowa na may biglaang lakad ang bf kaya simangot na simangot. Natapos na silang kumain at pabalik na ng room nila. Pag pasok ni Emerald sa room nila ay nagkakagulo ang mga kaklase niya. Sanay na siya dahil ganun naman talaga ang mga ito kapag wala pa ang teacher nila.
Naupo na siya sa upuan niya at nag basa ng libro. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang natahimik ang mga kaklase niya. Hindi na siya nag abala pang lumingon dahil alam na niya kung bakit. Dumating na ang dalawang campus crush. Sila Jefferson at Marcus.
"Busy ah! Lalo kang tatalino nyan." Pambibiro ni Jefferson sa kanya pagkaupo nito sa may upuan sa tabi niya.
Lumingon siya dito at nakitang may tangay itong sandwich at matamang nag pipipindot sa cp nito. Nanliit ang mata niya at inagaw bigla dito ang cp. Namilog ang mga mata niya sa nabasa niya. Sa pagkabigla naman ni Jefferson ay hindi agad ito nakapag react at nag dalawang isip pa dahil malaking tipak ng Sandwich ang bigla niyang nakagat ng biglang agawin ni Emerald ang cp niya.
May nakakalokong ngiting humarap si Emerald kay Jefferson.
"Nice! So, nililigawan mo na ba si 'my loves'?" Tanong ni Emerald kay Jefferson na may nakakalokong ngiti at nag apostrophe sign pa sa hangin pagka banggit sa my loves.
Napaubo naman si Jefferson at biglang namutla. Nalunok nito ang isang tipak na sandwich na nasa bibig. Hinampas hampas nito ang dibdib. Napatingin sa kanila mga kaklase nila. Nag panic ang iba at alalang alala. Si Emerald naman ay hindi rin malaman kung ano ang gagawin. Lumapit sa kanila si Marcus at malakas na hinampas ng libro ang likuran ni Jefferson pataas. Tumalsik ang sandwich na nalunok ni Jefferson. Humagalpak ng tawa si Marcus ng makita ang itsura ni Jefferson. Halos mapasubsob na kasi ito sa desk ng upuan sa lakas ng pagkakahampas niya dito.
Galit na humarap si Jefferson kay Marcus. Napataas naman ng dalawang kamay si Marcus na mukang sumusuko.
"Dude wag kang magalit. Kung hindi ko ginawa yun malamang naubusan ka na ng hangin." Tatawa tawang sabi nito.
"Loko ka. Ang lakas ng pag hampas mo. Kulang na lang pati ribs at baga ko sumama sa sandwich palabas." Nakasimangot naman na reklamo ni Jefferson.
Tatawa tawa si Emerald sa isang tabi dahil sa dalawa. Napatingin naman sa kanya si Jefferson kaya napatigil siya ng tawa saka tahimik na naupo sa upuan niya. Nag peace sign siya kay Jefferson at saka kinuha ulit ang libro niya at kunwari nag babasa.
Natapos ang klase nila ngayong araw at wala din silang mga assignment. Nilapitan ni Emerald si Marcus saka kinalabit ito dahil mukang hindi siya napapansin.
"Uuy! Ikaw pala Emerald. Bakit?"
"May kakilala ka ba na Marco Sebastian?"
"bakit?"
"Wow ha! Ang tanong ay sinagot din ng isa pang tanong. Pilipino ka nga." Nakangiti niyang ginaya ang mga sinabi nito noon sa kanya noong nasa probinsya sila.
Napangiti din ito bago umayos ng upo sa desk ng upuan nito.
"Natatandaan mo pa pala yun? Ok sige. Oo kilala ko yun. Bakit?"
"E kasi po siya yung nag reply sa sulat ko. Alam mo na yung pinagpalit na mga sulat mula dito papunta sa school nyo." Mahabang litanya ni Emerald.
"Ganun ba? Wag mo na replyan." Malamig at walang emosyon na sabi nito.
"At bakit naman?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"He is my half brother." Walag emosyon parin na sagot nito.
Nabigla si Emerald. "Half brother e mag kasing edad lang sila!?" Napakunot ang noo ni Emerald dahil sa naisip.
"Paano?" Takadong tanong ulit niya dito.
"You know what? Kung ano ang nasa isip mo, yun na yun." Nakangiti ngunit malungkot na sabi nito. Ginulo pa nito ang buhok niya saka siya inayang lumabas ng room.
Napatingin naman siya sa upuan ni Jefferson. Ang loko lumabas na ng room ng walang sabi o paalam. "Hmmmp! Sure ako na may date yun!" Napatingin naman siya kay Marcus na tahimik lamang habang naglalakad. Kalimitan kasi ay makulit ito at madaldal. Tumikhim siya bago nagsalita.
"Sorry. Hindi ko kasi alam. Don't worry hindi na ko mag rereply." Sabi niya dito.
Napalingon naman si Marcus at ngumiti sa kanya ngunit hindi umabot sa mga mata. Alam niyang masakit sa isang anak iyon. Alam niyang pinagsabay ng ama ni Marcus ang mama nito at ang mama ni Marco. Pero bakit Sebastian ang apilyido ni Marco? Nakapagtataka lang talaga.
"Last week ko na dito. Tara! Gala tayo." Nakangiting imbita ni Marcus sa kanya. Kung kanina ay Hindi umabotvsa mga mata nito iyon, ngayon ay kita niyang tunay na ngiti nito iyon. Agad siyang tumango.
"Sige. Ikaw taya ha." Pagpayag niya na may kalakip na biro.
"Syempre naman. Kahit na kailan ay hindi ako nag palibre sa babae." Masayang sabi nito.
Nag palit muna silang dalawa g damit dahil hindi sila papayagan pumasok sa mall ng naka uniform. Nag gala sila doon at kumain sa isang fast food chain. Nanuod sila ng sine at nag punta sa park.
Nag pumilit pa ito na ihatid siya sa bahay niya. Ayaw pa sana niya kaya lamang ay makulit ito at isa pa ay gabi na. Nung una nga ay nagulat siya dahil hindi niya alam na may kotse ito. May lisensya din, 16years old kasi pwede na magkaroon ng lisensya, pero mamahalin ang kotse nito. Magkaiba ng kotse ito pati si Jefferson pero alam niyang mamahalin ang kotse ng dalawa. May autodrive pa nga e. Pipindutin lang yung isang button then may lalabas na map at pipindutin mo yung location tapos ayun na. Mag autodrive na yung kotse.
"Heto dito nalang. Salamat ha."
"Wala yun. Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo. Nag enjoy ako."
Pinamulahan ng muka si Emerald sa sinabing iyon ni Marcus at napaiwas ng tingin.
"Aah... E.. Wala yun. Nuh ka ba e magkaibigan tayo. Aahm. Pasok ka muna. Lika dali.." Pag iimbita niya dito.
"Sige."
Itutuloy....
~*~041621~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Fiksi RemajaAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
