Masaya ang naging pag stay nila sa resort. Puro tawanan lamang, walang problema, walang sakit sa ulo. Chill lang. High school life nga daw talaga ang pinaka masayang part ng kabataan.
Marami kasi sa atin ang hindi nakaranas ma-enjoy ang high school life. Ang iba maagang nabubuntis, napapariwara.
Kaya ine-enjoy ni Emerald ang kanyang mga huling bwan bilang high school student dahil malapit na ang graduation. Hindi tuloy niya alam kung sasabihin ba niya kay Jandrick ang kanyang nararamdaman para dito. Kung sasabihin nga niya, kailan naman kaya? Saka paano? Kanina pa siya pabalik balik, kaliwa't kanan, sa loob ng kanyang kwarto. Pangatlong araw na nilang nag i-stay sa resort pero hindi parin niya alam kung paano kakausapin si Perea, o kung kakausapin pa ba niya? Ang gulo diba? Tulad ng takbo ng isip ni Emerald, magulo rin.
Napaiktad na lamang siya sabay hawak sa kanyang dibdib. Paano ba naman biglang sumigaw si Rosie.
"Eeeeeeemmmmmsssss! Hooooooooyyyyyy! Ano kaba? Hindi ka pa ba lalabas dyan? Kanina pa kita tinatawag. Ano ka ba?" Inis na sigaw ni Rosie sa labas ng kanyang kwarto.
Kahit na ayaw talaga niyang lumabas ay napilitan na siya. Paano ba naman tong kaibigan niya kung makasigaw! Nakasimangot na muka ni Rosie ang kanyang nabungaran ng buksan niya ang pinto ng kanyang kwarto.
"Naman to e. Pangatlong araw na natin dito oh. Sulitin na natin to. Wag kang mag kulong sa kwarto mo." Sermon nito sa kanya sabay hila sa kanyang kamay.
Hila hila ni Rosie si Emerald papunta sa may dalampasigan. Nakita niyang nagkakatuwaan ang kanilang mga kaibigan doon. Napangiti siya. Naupo siya saka kumuha ng basang buhangin at ibinato kay Rosie. Napanganga si Rosie dahil sa un-expected thing na ginawa sa kanya ni Emerald.
Humarap siya dito dahil nasa likuran niya ito.
"What?" Nakangising tanong ni Emerald kay Rosie habang ang huli naman ay naka hugis bilog ang bibig na halatang nagulat at hindi nagustuhan ang kanyang ginawa. Pinanlakihan pa siya ni Rosie ng mata. Natawa na lamng siya saka nag tatakbo. Nag habulan silang dalawa habang nag babatuhan ng basang buhangin. Nakisali na din sa kanila ang mga kaibigan nila. Todo tawanan at batuhan ng basang buhangin sila ng mag time out si Drix.
"Time out muna sa batuhan ng buhangin. Volleyball naman tayo." Masayang pag anyaya nito sa kanila na kanila namang sinang ayunan.
"Sige! Tara na!" Sigaw nila saka nag tatakbo sa part ng buhanginan na may nakalagay na net. Si Mira na ang kumuha ng bola. Nag laro pa sila ng bunutan para malaman kung sino ang mga kasali sa team A at team B. Si Aljon ang kanilang referee, isa sa tauhan ng resort.
Team A
Jandrick, Mira, Rosie, Drix, Damien
Team B
Emerald, Marvin, Sarah, Jacob, Jefferson
Matapos malaman kung sinu-sino ang mga mag kaka-team ay nagkaroon ng pustahan.
"Ok guys, para mas masaya ang game natin ngayon ay magkakaroon tayo ng pustahan. Ano payag kayo?" Tanong ni Mira.
"Sige, go kami dyan." Sumang-ayon naman ang lahat sa suggestion niya.
"Ano ang ipupusta?" Tanong ni Jacob.
"Ang matatalo ay magiging alipin ng mananalo. Simple lang diba?" Pahayag ni Mira.
"Sige ba. Pero hanggang kailan?" Tanong naman ni Jefferson.
"24hrs lang." Maiksing sagot ni Mira.
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Fiksyen RemajaAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
