Part 19 - Nagbabalik

39 2 0
                                        

Mabilis na dumaan ang mga araw. Graduation day na ng mga seniors kaya naman walang magawa si Emerald sa bahay nila. Bakasyon na kasi saka sinabihan na siya ng mama niya na wag ng mag part time job.

"ma, bakit po ba kasi ayaw nyo na mag part time job ako? Ok naman po dóon saka nakakaipon po ako." Tanong niya sa mama niya ng madatnan niya ito sa salas.

"Anak maupo ka muna." Tinapik nito ang kaharap na sofa upang doon maupo si Emerald.

"Nagkausap na kami ng papa mo." Panimula nito sabay buntong hininga.

"Ano po? May tatay pa ko?"

"Anak naman e. Ikaw talaga. Syempre meron." Natatawang tugon ng mama niya sa tanong niya dahil parang ang OA naman ata ng tanong niya.

"Ever since naman po kasi ay hindi kayo nag kwento sa kanya." Kibit-balikat niyang wika sa ina.

"Pasensya na anak. Galit kasi ako sa kanya." Deretsahan na tugon ng kanyang ina. "Nagkaroon kasi siya ng kabit. Iyon ang dahilan." Mapait na ngiti ang ibinigay sa kanya ng kanyang ina.

"Ganun po ba? Ok. Wag na siyang mag pakita pa." Walang gana niyang sabi sa mama niyavsabay sandal sa sofa. "Yung emma po ba?" Tanong niya sa mama niya habang sa ibang direksyon siya nakatingin.

"Oo anak. Best friend ko siya. Noon kasi magkaibigan talaga kami. Halos mag kapatid na ang turingan namin tapos ay dumating si Gerald, ang iyong ama. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Emma dahil ako ang mahal ni Gerald at hindi siya. Alam ko na may sama ng loob sa akin si Emma dahil unang kita pa lamang niya kay Gerald ay nagkaroon na siya ng pag ibig dito ngunit ako ang niligawan ng iyong ama. Nagkaroon kami ng relasyon at di nag tagal ay nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan namin. Ng maipanganak na kita ay naandoon din si Emma at dahil sa best friend ko siya ay hinayaan ko siya sa request niya na siya daw ang mag pangalan sa iyo. Emerald ang ibinigay niyang pangalan na sinang ayunan ko naman. Kaya pala ganoon ay pinag samang Gerald at Emma. May relasyon na pala sila noon at wala akong kaalam-alam." Napaiyak ang mama niya sa gitna ng pagku-kwento nito. Nilapitan niya ito at niyakap. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Ang kanyang mama mismo ang nag kwento sa kanya ar ramdam niya ang bigat na dinadala nito sa dibdib. Kaya pala ganun na lamang ang galit ng kanyang ina sa Emma na yun. Nang makabawi ay nag umpisa na ulit ito mag kwento habang siya ay tahimik lamang na nakikinig.

"Nagsasama parin kami ng papa mo noon. Hindi ko naman kasi nga alam na may relasyon na sila. Nalaman ko lamang iyon ng may makapag sabi sa akin. Si Mang Marcial dela Peña ang nag sabi sa akin. Siya ang ama ni Marcus." Nagulat naman si Emerald dahil ang matandang nakita niya noon na umakay sa Emma-harot na yun paalis sa kanila ay tatay pala ni Marcus.

"Mag kaibigan ang pamilya nila Marcus at Emma. Hindi ako naniniwala noon kay mang Marcial pero ng makita ko na nag mamakaawa si Emma kay Gerald na makipag balikan sa kanya ay doon lamang ako naniwala na may namagitan nga sa kanila. Nakisama parin ako sa ama mo dahil ako naman ang pinili niya. Hindi ko sila kinompronta sa halip ay itinikom ko ang aking bibig at pinakisamahan ko parin ng maayos si Emma. Isang gabi habang nasa labas ako ng bahay namin noon, wala ang lolo at lola mo, ay dumating si Aljon. Isa siya sa mga nanliligaw noon sa akin ngunit nabigo siyang mapasagot ako ng 'Oo' dahil nga sa iyong ama. Hinalikan ako ni Aljon ng sapilitan. Habang nag pupumiglaa ako ay nakita ko si Emma sa si kalayuan. Tinawag ko siya upang humingi ng tulong pero tinalikuran niya ako. Maya mya pa ay dumating ang iyong ama at galit na galit na sinuntok si Aljon. Ang akala niya ay lalaki ko iyon at nagkukunwari lamang ako na ayaw ko na halikan ako niyon. Kinaumagahan ay pinapunta nila Inay at Itay si Emma sa bahay at doon kami nag usap usap. Tinanong siya ni Gerald kung ano ba ang nakita niya at ang Emma na yun, sinabi niyang mag nobyo kami ni Aljon at niloloko ko lamang si Gerald. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Emma sa akin. At dahil sa galit ng iyong ama sa akin ay iniwan niya ako. Mas pinili niyang maniwala kay Emma. Ilang araw lamang ay bali-balita na naging mag nobyo sila Emma at Gerald pero nag kahiwalay din dahil umalis ng bansa ang iyong ama." Tumingin ang kanyang mama sa kanya na bakas ang lungkot sa mga mata.

"Patawad anak dahil ngayon ko lamang nasabi sa iyo."

"Ma, wala po kayong kasalanan. Mahal ko po kayo." Nakangiti niyang sabi upang gumaan ang loob ng kanyang ina.



Matapos sabihin ng kanyang ina ang mga nangyari sa nakaraan ay galit ang kanyang naramdaman para sa kanyang ama.


★★★



Unang araw ng pasukan. 4th year na si Emerald at masaya siya sahil mag kaklase sila ni Rosie. Sa may Science dept parin siya. Nsa loob na sila ng class room nila ngayon at todo kwentuhan. Naikwento na rin niya dito ang mga sinabi sa kanya ng mama niya. Galit na galit si Rosie sa Emma na iyon. Pero napawi din naman ng makita nito na kaklase nila si Jefferson. Dumating na ang kanilang adviser at naupo na isa isa ang kanilang mga kaklase.



"Good morning everyone. I am Mrs. Genie Encarnacion your science teacher and also your adviser. Today is our first day kaya naman I want you to introduce yourself one by one. Starting here." tinuro nito ang upuan na nasa may unahan sa may bandang kanan.


Matapos mag pakilala isa isa ay nag lecture na ito. Next week pa daw magkakaroon ng botohan for class room officers. Nasa kalagitnaan ito ng pagtuuro ng may kumatok. Napalingon naman sila sa may pintuan at nakita doon si Ms. Annie, ang dean. Matapos nitong kausapin si Mrs. Encarnacion ay umalis na ito at pumunta ulit si Mrs. Encarnacion sa unahan.

"Class you have another classmate. He is a former student here when he was freshmen tapos ay nag transfer siya sa ibang bansa then he came back. He said he wanted to graduate here in our school." Nakangiting sabi ni Mrs. Encarnacion. "Come here. Introduce yourself." Sabi pa nito. Pumasok nga ang isang lalaki na nag pabilis sa tibok ng puso ni Emerald. "He's back!"














***†***042521***†***









Emerald: High School (Completed)un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon