Part 13 - PE Festival

36 2 0
                                        

Araw ng PE Festival..

Excited ang lahat sa araw na ito dahil bukod sa walang klase ay maghapon din silang makakanuod ng mga iba't ibang sports at syempre may parade.

"Wow naman! Ang ganda mo Ems." Patiling puri ni Rosie sa kanya.

"Salamat Rosie. Alam mo kinakabahan ako para mamaya." Pag amin niya sa kanyang kaibigan. "First time ko kasi magsuot ng ganito kaiksi at saka ang daming tao."

"Wag ka kabahan. Andun ako para i-cheer ka. At for sure na andun din ang mga classmates mo na proud at alam kong mag chi-cheer din sila para sayo." Pag papalakas nito ng loob  kay Emerald. "and.... lastly, andun si Jefferson." Taas baba ang kilay nitong sabi.

Napailing na lamang siya sa kaibigan niya habang nakangiti.

"Mag kaibigan lang kami Rosie. Wag mo yun bigyan ng malisya."

"Oo na sige. Sabi mo e."

Nag punta na sila sa may oval kung saan andoon ang mga muse and escort ng bawat class room. From first year to fourth year pero yung mga na sa highest section lang.

Nag umpisa na ang parade. Tensyonado na kabado siya na hindi niya maintindihan. Kasi naman ang daming nakatingin sa kanya. Hindi siya sanay. Masyado siyang mahiyain at parang pakiramdam niya ay hindi bagay sa kanya ang suot niya dahil chubby siya. Pero alam naman niyang maganda siya at maputi. "Aay bahala na nga! Kaya ko to." Bulong niya sa sarili sabay inhale then exhale. Ilang ulit niyang ginawa iyo hanggang nasa naramdaman na lamang niya na nababawasan ang kanyang kaba.

Napatingin siya sa gilid kung saan naka pwesto ang ibang mga estudyante na hindi kasali sa parade at nakita niya ang banner na ginawa ng mga classmates niya.

"Go Emerald, go Jefferson. Go for section A."

Mga katagang nakasulat sa  banner na hawak ng kanilang mga kaklase. Pag tapat nila sa mga iyon ay nag tilian ang mga ito. Napangiti siya sa suporta ng mga kaklase nila.

"Wag ka kabahan. Parade lang to. Saka makakatulong ito sayo para madagdagan ang self confidence mo." Nakangiting wika ni Jefferson na nasa kanyang tabi.

Nginitian niya ito. "Salamat." Sabi niya dito saka sa harap na ulit tumingin. Naging maayos naman ang parade. Lumapit sa kanya si Rosie at inabutan siya ng bottled water. Maging si Jefferson ay binigyan din nito. Naupo sila sa lilim ng isang puno.

"Salamat Rosie. Napaka maaalalahanin mo naman." Naka ngiting sabi ni Jefferson dito.

Napayuko naman ito at sabay kamot sa ulo.

"Aah, eeeh.... Wala iyon. Para ito lang e. Hehe."

Kita niyang pinamulahan ito ng muka.

"Maaalalahanin talaga yan. Saka maalaga din. Swerte ng magiging BF niyan." Nakangiting sabi naman ni Emerald.

Lalong namula ang muka ni Rosie.

Maya maya pa ay nag paalam na si Jefferson sa kanila. Kailangan na kasi nitong mag palit ng jersey para sa basketball match mamaya. Mga taga ibang school ang makakalaban ng mga ito.

"Uy Ems. Tingnan mo oh. Sila yung nakalaban ng shool natin last year. Magaling din sila ha. 1 point lang lamang ng school natin sa kanila. At si Jefferson ang dahilan ng pagkapanalo natin."

"Naks ah! Alam na alam." Nakakalokong tugon niya dito.
"Parang kilala ko yung isa ha." Dagdag pa niya.

"Ah.... Eeeeh... Ano kasi... Pinag uusapan ng mga classmates ko. Narinig ko lang." Sabi ni Rosie na parang hindi narinig ang huli niyang sinabi. Pasalamat na sin siya.

"Inlababo kana Rosie." Tatawa tawa niyang sabi dito.

Maya maya pa ay may lumapit sa kanila. Si Mrs. Dimaranan at may dalang sobre.

"Good morning po ma'am."
Sabay nilang bati ni Rosie dito.

"Good morning din." Balik na bati nito sa kanila. "Emerald may sulat na dumating sa iyo." Nakangiting wika ulit nito saka iniabot sa kanya ang sobre.

"Thank you po ma'am."

Nakangiting tumango ito sa kanya. "Mamayang 1pm ang start ng basketball match. Suportahan nyo si Jefferson ha." Sabi nito saka sila tuluyang iniwan ni Rosie.

"Uuy Ems. Kanino galing yan. Mey ghed! Baka love letter yan. Yííieee!" Kinikilig na sabi ng kaibigan niya.

"From: Marco at mula sa St. Andrews High school." Napakunot noo siya. Sa probinsya nila yun ah.

Dali dali niya itong binuksan. Binasa niya ang nakasulat dito.

"Aay ang cute naman. Buti pa sa iyo may nag reply. Sa akin kasi wala e. So ano? Susulatan mo ba pabalik?" Wika ni Rosie.

"Pag isipan ko. Wala naman sigurong mawawala. Saka dun kasi ito sa probinsya namin."

"Wow! Talaga? Maganda nga yan tapos mag meet kayo. Hehe." Mungkahi nito.

"Ikaw talaga oh!"

Dumating na si Jefferson at  niyaya sila kumain ng lunch. 11am palang pero maigi ng kumain sila ng maaga para ready na ito para sa laro mamaya.

1pm start na ng game ng basketball.

Malalakas na sigawan at tilian ang maririnig sa open court. Malakas kasi ang hangin at presko dito kaya doon napag desisyunan nagawin ang game.. Saka mas malaki kasi ang open court nila kesa sa covered court nila. Open kasi ang school nila ngayon para sa mga outsider pero syempre mahigpit ang security.

Naka kalahati na ng game. Lamang ang kabilang school ng 18 points. Time out muna kaya uminom muna ang mga players. Si Jefferson naman ay nilapitan ng isang estudyante na babae at may inaabot na tubig dito pero hindi nito tinanggap. Nakasimangot na umalis yung babae. Marami pang nag tangka pero  lahat sila ay bigo.

"Sikat talaga siya no?"
Walang anu anong sabi ni Rosie.

Napangiti naman si Emerald at inabutan ng isang bottled water si Rosie.

"Ha? Ano gagawin ko dito? Hindi naman ako nauuhaw."

"Dalhin mo sa kanya dali na."

"ha? Ayoko nakakahiya. Baka tanggiha  din niya." Nakayuko at malungkot na sabi nito.

"Hindi yan. Sure ako. Dali na. Sige na." Pamimilit parin niya dito.

Sa huli ay walang nagawa si Rosie at lumapit ito kay Jefferson saka iniabot ang bottled water dito. Nakita niyang nahihiya at namumula ang muka ni Rosie at mukang nag aalala na baka hindi iyon tanggapin ni Jefferson. Pero mali si Rosie. Tinanggap iyon ni Jefferson ng nakangiti. Napangiti din siya sa nakita niya. "Bagay sila."

Nag umpisa ulit ang game at halatang kinakabahan si Rosie. Halata dito ang pag aalala.

"Don't worry Rosie. Mananalo tayo. Binigyan mo kasi ng mahiwagang tubig ang MVP player natin." Nakangiti niyang sabi sa kaibigan.

Natapos nga ang game at nanalo sila. 5 points ang lamang ng school nila sa St. Andrews.

Itutuloy.....




~*~033021~*~

Emerald: High School (Completed)un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon