Inaya siya ni Perea na mag date. Natameme naman si Jemimah dahil sa narinig. Tumango na lamang si Emerald bilang sagot kahit na nabigla siya. Kinuha ni Jandrick ang bag ni Emerald na nakasukbit sa balikat nito. Tututol pa sana ito pero nauna ng lumabas si Jandrick. Sumunod siya kaagad dito at kita niya sa gilid ng kanyang mata na masama ang tingin sa kanya ni Jemimah.
Sa favorite niyang fast food chain sila pumunta. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Gusto niyang ngumiti pero pinipigilan niya. Paano ba naman kasi ready si Perea. May dala itong bihisan nila para makapasok sila sa mall. Sakto pa sa kanya na mukang pinatahi saka bet niya talaga yung design. Matapos kumain ay nanuod sila ng sine then nag gala sa kung saan saan.
Mag 10pm na ng makauwi siya sa bahay nila. Hinatid siya ni Perea ngunit hindi na ito pumasok sa loob dahil daw baka makaistorbo pa sa mama ni Emerald. Naging masaya ang bawat araw ng pag pasok niya sa eskwelahan dahil syempre, may inspiration ulit siya bukod sa mama niya.
"Uuuy! Ano na? Kayo na ba?" Nakangiti habang taas baba ang kilay na tanong sa kanya ni Rosie.
Kasalukuyan silang nakapila sa canteen. Luch break kaya naman maraming tao.
"Ha? Sino?" Balik na tanong niya.
"Tsk! Kayo ni Perea."
"Ano? Walang kami." Dere-deretso lamang ang lakad niya papunta sa table nila ng makakuha na sila ng pagkain.
"Anong wala? Mukang gusto ka talaga nun. Dati ko pa nahahalata yun."
Nakaupo na sila sa table nila sa may bandang gilid ng canteen ng may lumapit sa kanila.
"hi Emrald. Hi Rosie." Nakangiting bati ni Jefferson.
May pagkain na din ito. Hindi nila ito napansin na nakapila kanina. "Siguro pinasingit nanaman siya ng mga fan girls niya." Asar na himutok ni Rosie sa isip niya. Naupo si Jefferson sa tabi ni Rosie saka ito inakbayan. Namula naman si Rosie at napangiti si Emerald.
"Lipat nalang kaya ako?" Natatawang sabi niya sa dalawa.
Bago pa makasagot ang dalawa ay dumating na si Perea.
"Can I sit here?" Nakangiting tanong niya habang nakaturo sa bakanteng upuan sa tabi ni Emerald.
"Sure. Sige upo ka para hindi ma-OP si Emerald." Malapad ang pagkakangiting sagot ni Jefferson. Habang si Emerald naman ay kabado na. "Ano ba 'to? Bakit ba ako kinakabahan?" Hindi mapigilan ni Emerald ang pamumula ng muka niya. Maraming mga estudyante ang napapalingon sa table nila. Paano ba naman kasi dlawang gwapo ang nakaupo katabi nila. Walang umiimik habang kumakain. Mabilis na ntapos si Emerald at nag mamadaling umalis.
"Una na ko sa room." Pag papaalam niya sa tatlo. Nag katinginan naman ang tatlo, hindi pa sila nakakasagot ngunit mabilis na nakalabas si Emerald sa canteen. Binilisan na din nila ang kain upang makasunod kay Emerald.
Pagdating ni Emerald sa room nila ay napaupo siya kaagad. Kakaiba talaga ang pintig ng puso niya kapag nasa malapit si Perea, what more pa kaya kanina? Saka nag date sila! Ilang beses na nga pero kakaibang kaba parin ang nararamdaman niya dito. Parang ang sarap sa pakiramdam kapag malapit lamang ang lalaki sa kanya.
"Emerald, may assignment ba tayo sa mga subject natin ngayong hapon?" Tanong ni Mirasol sa kanya.
"Wala naman. Bakit?"
"Aaah... Hehe. Akala ko kasi meron. Mabuti naman at wala." Nagkakamot sa ulo na sabi nito. "Nga pala, mag kaaway ba kayo ni Jemimah?"
"kami? Hindi. Bakit?"
"narinig ko kasi pinag uusapan ka nila. Mukang galit sayo."
Nag kibit balikat na lamang siya. Dumating naman sila Jemimah kasama sila Lenlen at Brenda. Ang sama ng tingin ng tatlo sa kanya pero hindi niya pinansin.
"Ang sama ng tingin ng tatlong bibe sayo oh!" Bulong ni Sarah sa kanya na nasa may bandang likuran niya.
"Wala akong paki sa kanila." Bulong din niya dito.
Nakita niyang palapit si Jemimah sa kanya.
"Hoy! Ikaw! Siguro ginayuma mo si Jandrick 'no?" Sigaw nito sa kanya habang naka pameywang.
"Mas maganda lang talaga ako ng sampung ulit kesa sayo." Walang gana niyang sagot habang naka pangalumbaba sa desk niya.
"Aba! Ang yabang mo!" Sigaw pa ulit nito sa kanya.
"Ikaw ang mayabang hindi ako." Walang gana parin na sagot niya.
Galit na galit na si Jemimah sa kanya. Hindi na rin ito naka pameywang. Nakakuyom na ang mga palad nito dahil sa galit.
"For your info hindi magkakagusto sa mataba na kagaya mo si Jandrick!" Galit na sigaw ulit ni Jemimah sa kanya.
Tumayo na si Emerald dahil napipikon na din siya sa pag sigaw nito sa kanya.
"Kung mataba ako bakit ka naiinsecure sakin? Oh! Wait! Siguro dahil mas maganda at mas matalino ako kesa sayo. Sa lahat ng mga seniors na nasa highest section ako ang may pinaka mataas na grades. Ako ang nangunguna. Saka hindi ako mataba. Sadyang inggitera ka lang talaga." Nang aasar na sabi niya dito.
Lalong nagalit si Jemimah sa kanya at akmang sasampalin siya nito ng mahawakan ng isang kamay ng kung sino ang kamay ni Jemimah kaya napatigil ang kamay nito sa ere
"Ano bang problema mo?" Malalim na boses na tanong ni Jandrick kay Jemimah.
Napahrap naman si Jemimah kay Jandrick saka napayuko. Hinablot nito ang kamay niya na hawak ni Jandrick saka bumalik sa upuan niya. Napatingin naman sila Rosie at Jefferson kay Emerald na parang wala lang nangyari.
Maayos na ang naging araw araw ni Emerald. Mabilis ang pag daan ng mga araw. Natapos na ang pasko at bagong taon. Pumasok na din ang araw ng mga puso.
"Class listen!" Sigaw ni Mrs. Encarnacion dahil sa ingay nila. Paano ba naman kasi na-excite silang lahat dahil mag uumpisa na ang pag pili para sa mga candidates na magiging Mr. and Ms. GMcQ prom king and queen.
Tumahimik sila saka nakinig kay Mrs. Encarnacion.
"Sino ang gusto ninyong maging representative?" Tanong ni Mrs. Encarnacion sa kanila.
"Pwede po ba kahit tatlo ang representatives?" Tanong ni Johnathan.
"Oo naman. Mas marami mas maganda. Dahil mas malaki ang chance na sa section natin mag mumula ang magiging king and queen." Masayang sagit ni Mrs. Encarnacion.
Nag bulong-bulungan sila.
"Si Jemimah po ma'am." Prisinta ni Lenlen kay higad girl.
"Si Jocelyn po ma'am." Sigaw naman ni Nathan.
Pinatayo ni Mrs. Encarnacion sa unahan ang dalawang nabanggit. May sinasabi pa ang adviser nila pero sila Rosie, Sarah, Mirasol at Emerald ay busy sa pag ku-kwentuhan. Napansin naman sila ni Mrs. Encarnacion.
"Tropa ni Ms. Laurenth." Tawag nito sa kanilang tatlo. Iyan na ang ibinansag sa kanilang tatlo dahil palagi silang nahuhuli na nag ku-kwentuhan. "Tumayo kayo dito sa unahan." Seryosong sabi nito sabay halukipkip. Tumayo nga silang apat ngunit nag aalangan kung pupunta nga sa harap o hindi. Nauna ng lumapit sa unahan si Emerald kaya sumunod na ang tatlo sa kanya.
"Kasali kayong apat."
Naguluhan sila. Hindi nila alam kung anong pinag sasabi ng adviser nila.
"Sa mga boys naman. Jefferson, Jandrick, Marvin at Drix. Lumapit kayo dito."
***†***052321***†***
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
JugendliteraturAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
