Maayos naman ang naging takbo ng pang araw araw na pag aaral ni Emerald sa GMcQHS. Malapit ng mag Christmas at napag isipan ng kanilang Adviser na magkaroon ng Christmas party bago mag Christmas break.
December 20 araw ng Christmas party nila. May games at ibat ibang pagkain. Nag ambagan sila para sa pagkain nilang lahat.
Matapos mag tanghalian ay pinaupo muna sila ng adviser nila at sinabi na oras na para sa kanilang exchange gift. Una munang pinalapit ni Mr. Buenaventura ang mga babae sa mga gusto nilang regaluhan babae din man un o lalaki. Maraming natanggap si Perea, tulad ng inaasahan nya, at dahil popular si crush nya ay may mga tiga ibang class rooms at class level ang nag pupunta sa room nila para bigyan ito ng regalo kanina pang umaga.
Matapos ang mga babae ay ang mga lalaki naman. Marami din siyang natanggap na regalo mula sa mga kaklase niyang babae at laking gulat niya ng marami din siyang natanggap mula sa mga kaklase niyang lalaki.
Hindi niya inaasahan iyon. Nag umpisa na ulit ang kantahan ng mga kaklase niya mula sa video oke. Nakaupo lamang silang lahat habang pumipili ang iba ng kanta mula sa song book. Ang iba naman ay kanya kanyang bukas ng mga natanggap na regalo. Lumapit sa kanya si Rosie at niyakap siya. Tuwang tuwa ito sa regalo na ibinigay niya dito. Matapos noon ay bumalik na muli ito sa upuan nito.
Kinalabit naman siya ni Perea at nakangiting iniabot sa kanya ang isang kahon na may Christmas wrapper. Nagtataka man ay binuksan niya iyo. Kumislap ang mga mata niya dahil sa nasa loob ng kahon. Napaka gandang hair clip niyon. Inilagay iyon ni Perea sa kanyang buhok.
"Bagay na bagay sayo. May emerald stone yan. Katulad ng pangalan mo." Naka ngiting sabi nito sa kanya.Namula ang kanyang mga pisngi at napayuko siya. Pero sa totoo lang ay kinikilig talaga siya.
Naglakas loob siya upang ibigay dito ay regalo niya.
Braided bracelet ang ibinigay niya dito.
Nakangiti itong iniabot sa kanya pabalik ang bracelet. Nagtaka siya at inisip niyang hindi nagustuhan nito ang regalo niya.
Itatago na sana niya itong muli sa bag niya ng..."Isuot mo sa braso ko. Ang daya mo yung clip inilagay ko sa buhok mo tapos itong bracelet hindi mo isusuot sa braso ko." May malamlam na mga matang sabi nito sa kanya.
Halos dumagundong ang buong paligid niya dahil sa kanyang mga narinig. Sigurado siyang nangangamatis na sa pula ang buong muka niya. Sinikap niyang maisuot ng maayos dito ang bracelet. Matapos niyang isuot dito ang bracelet ay pinagmasdan nitong mabuti iyon. Kitang kita niya ang mga ngiti ni Perea ng mga oras na iyon.
Napansin din nito ang naka ukit sa may silver infinity na initials. [fr:EL to:JP]
Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
"Salamat. Napaka ganda nito El. From now on El na itatawag ko sayo. Short ng Emerald Laurenth yun hindi ba?"
"Ah... O-oo... Si-sige..."
"JP naman itatawag mo sakin." Nakangiti parin na sabi nito sabay kindat.
Halos mahigit niya ang hininga na kanina pa pala niya pinipigilan. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng tawagin si Perea este JP pala ng mga kaibigan nito dahil may babae nanaman na nag hahanap dito.
~*~011721~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Teen FictionAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...