Nakapili na ng mga class officers at syempre si Perea ang escort. Si Jay anne naman ang muse. Bagay sila, kakainggit si Jay Anne kasi maganda siya.
"Sus! Naka make up lang yan. For sure kung walang make up yan mas maganda kapa dyan." Bulong ni Rosie sakin.
"Wag ka maingay baka may makarinig sayo."
"Totoo naman e." Naka busangot na sabi nito.
Ito ang kagandahan pag nasa may dulo nakaupo hindi masyado kita kung nag kwe-kwentuhan lang o hindi at kung natutulog lang. Hehe.
Kinaumagahan ay maaga ulit pumasok si Emerald. Ayaw niya kasi ng late siya. Pag pasok niya sa room ay naka tingin sa kanya ang mga classmates niya.
Nagtataka siya kung bakit. Lumingon pa siya sa likuran niya para tingnan kung sa kanya nga nakatingin ang mga ito o baka naman assuming lang siya at may tao sa likuran niya. Pero wala. Sa kanya talaga nakatingin ang mga ito. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at naupo na siya sa upuan niya. Wala pa si Rosie kaya naman tahimik lamang siya sa pwesto niya. Maya maya pa ay may lumapit sa kanya na kaklase niya.
"Hi. Ako si Sally. Ikaw?"
"Emerald." Tipid na sagot ko sabay ngiti.
Nakipag shake hands sila sa isat isa. Lumapit din sa kanya ang isa pa niyang kaklase.
"Hi. Ako si Michelle, ikaw?"
"Emerald." Tipid na sagot ulit niya sabay ngiti.
Mukang mababait naman pala ang mga kaklase niya.
Maya maya pa ay dumating na si Rosie. Kasunod lamang nito si Jandrick. Kaya pala pulang pula ang muka nito. Nag ba-blush ang gaga. Hehe. Kinikilig ito.
"Ang swerte ko Ems, hihi...."
Kinikilig na sabi nito paglapit sa kanya. Naupo na ito sa tabi niya at kinikilig na nag kwento."Crush lang yan ha? Baka naman inlove kana?" Tatawa tawa niyang tanong dito.
"crush lang no kaba? Saka crush mo din siya diba? Mag kaiba nga lang tayo kasi ako kinikilig talaga sa kanya pero ikaw mukang hindi."
"E kasi diba sabi ko sayo crush ko lang kasi gwapo pero walang special feelings."
Habang nag uusap sila ay dumating ang adviser nila. Halos mapalakas naman ang tawa niya dahil sa itsura ng adviser nila. Jusme, parang robot talaga. Laser nalang kulang. Lol
Habang nakatalikod si Mr. Buenaventura ay naglabas ng laruan na robot ang isa nilang kaklaseng lalaki. Nagtawanan sila at napalingon ang adviser nila. Tiningnan silang lahat ng masama. At yung hinayupak na kaklase nila at naitago na kaagad ang laruan niya.
"Kapag tinawag ko kayo tumayo kayo at umupo sa upuan na ituturo ko." Sabi ni Mr. Buenaventura.
Talaga bang magkatabi sila ngayon? Hindi siya makapaniwala. Katabi niya si Jandrick at sure siya na masama ang titig sa kanya ng mga kaklase niyang babae. Hindi niya tinitignan ito dahil baka lalong magalit ang mga kaklase niya sa kanya.
3pm na at start na ang klase nila. Art ang last subject nila, part ng MAPEH. Bilib na bilib si Jandrick Perea sa kanya dahil magaling siya mag drawing. Kung pinagkaitan kasi siya ng diyos ng talent sa pagsayaw ay ito naman ang binigay na talent sa kanya, ang pagiging magaling sa pag dro-drawing. Feeling close na nga sila nito kaya sure siya na inggit na inggit sa kanya hindi lamang si Rosie ngunit maging ang kanyang mga babaeng ka-klase.
Nang matapos na ang drawing niya ay ipinasa na niya ito sa Teacher nila. Napangiti ang teacher nila sa kanya at talagang namangha sa gawa niya. Nang makaupo na siya ay tumayo ang teacher nila at ipinakita sa mga classmates niya ang drawing niya. Namangha ang mga kaklase niya sa kanya. Nag palakpakan ang mga ito. Si Emerald naman ay namula dahil sa kahihiyan. Nakangiti sa kanya si Perea habang pumapalakpak. After ng last subject nila ay hindi siya kaagad nakalabas dahil kasama sila ni Perea sa cleaners.
~*~011121~*~

BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Novela JuvenilAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...