May 25
16th birth day na ni Emerald. Sa probinsya nila ginanap ang kaarawan niya. Sobrang saya niya dahil kasama niya ngayon ang mga kamag anak nila at mga kaibigan niua dito sa probinsya.
Alas dyes na ng gabi ng matapos ang kaarawan niya. Pagod na pagod siya kakaasikaso sa mga bisita. Tinutulungan niya ngayon mag ayos ang mama niya ng mga ginamit na kubyertos.
"Mama salamat po ah. Hayaan nyo po babawi ako sa inyo." Masayang sabi niya sa mama niya.
"Wala iyon anak. Mahal kita." Nakangiti ding sabi nito.
Niyakap niya ang mama niya. Sobrang swerte niya dahil mabait at mapag mahal na ina ang mama niya. Kqhit mag isa lamang ito ay naitaguyod siya.
Natapos din ang kanilang pag liligpit.
1:25am
"Anak matulog kana. Bukas na natin itago ang mga niligpitan natin."
"Sige po. Good night ma."
"Good night din anak."
11:48 am
Nagising si Emerald dahil sa huni ng mga ibon. Ang sarap pakinggan na para bang nagkakaintindihan sila sa sarili nilang lenggwahe.
Nag unat siya ng kanyang mga braso at bumangon. Nalangiti siyang nag tungo sa banyo at naligo. Matapos maligo at mag toothbrush ay lumabas na siya ng kwarto. Habang kinukuskos ang buhok niya gamit ang twalya ay hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang mama.
Nakita niya iyon na kausap ang lola niya.
"Hindi ba siya nag tatanong tungkol sa kanyang ama?"
Dinig niyang sabi ng kanyang lola sa kanyang ina. Hindi na niya pinakinggan ang pinag uusapan ng mama at lola niya. Lumabas na lamang siya ng bahay at isinampay ang kanyang twalya sa sampayan. Umakyat siya sa may puno ng mangga at pumitas ng bunga niyon.
"Sasakit ang tyan mo kapag kumain ka ng mangga ng walang laman ang iyon tyan." Boses iyon ng lalaki.
Tumingin siya sa ibaba at napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya iyon kilala.
"Aahm, andyan ba ang lola mo?" Sabi ng lalaki.
"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" Takadong tanong niya dito.
"Wow! Ang tanong ay sinagot din ng isa pang tanong. Pilipino ka nga." Naka ngiting sabi nito.
Nag salubong ang kilay niya dahil sa sinabi nito.
"Maaari ka bang bumaba dyan para naman makapag usap tayo ng maayos?" Nakangiting sabi ng lalaki.
"Tss. Andyan si lola sa loob. Pumasok ka nalang." Inis na sabi niya dito.
"Kainis. Nananahimik ako dito biglang susulpot tapos akala mo pa kung sino. Feeling close at pinapababa pa nga ako. Siya ang may kailangan di sya ang lumapit." Bulong niya sa sarili niya pero hindi naman niya pinarinig sa lalaki.
Napailing na lamang ang lalaki at pumasok sa loob ng bahay. Napairap na lamang siya sa kawalan ng makitang nakapasok na ang lalaki. Naka tanaw siya sa malayo ng maramdaman niyang umuga ang sanga ng puno na inuupuan niya.
Nagulat na lamang siya ng makita ang lalaki na nakatayo na sa tabi niya.
"Hmmmm. Ang ganda naman pala dito. Kaya naman pala ayaw mo bumaba." Nakangiting sabi nito.
"Nakausap mo na ba ang lola?"
"Oo." Tipid na sagot nito at tumingin na ulit sa tanawin sa ibaba.
Nag paalam na ito at bumaba na ng puno. Tiningnan na lamang niya ang papalayong lalaki. Maya maya pa ay tinawag na siya ng kanyang mama upang makakain na siya ng tanghalian. 1:15 pm na kaya pala nakakaramdam na siya ng gutom.
"kanina kapa ba gising anak?"
"Medyo po."
"Oh sya. Kumain kana."
Matapos niyang kumain ay niligpitan niya ang kanyang kinainan at nanuod ng tv.
4pm
Narinig niyang nag titimpla ng kape ang mama niya. Lumapit siya dito at nag patimpla ng gatas. Sa may terrace sila uminom ng kape, gatas ang sa kanya, kasama ang lolo at lola niya.
Nag kwentunhan sila ng mga nangyari sa kanila. Masaya sila habang nag kwe-kwentuhan ng may dumating...
Itututloy.....
~*~031521~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Roman pour AdolescentsAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
