"Ma andito na po ako. May kasama po ako." Masayang bungad ni Emerald pagpasok sa bahay nila.
Nagulat naman ang mama niya nang makita si Marcus na kasama ni Emerald kaya ikinuwento niya sa mama niya ang nangyari nung nasa kusina na sila at ipinag hahanda niya ng kape ni Marcus. Si Marcus naman ay nasa may salas at hinihintay Si Emerald.
"Heto oh!mag kape ka muna." Sabay lapag sa isang tasang kapw sa lamesita.
"Salamat." Nakangiting wik ni Marcus.
Naupo si Emerald sa tapat ng upuan ni Marcus saka dumating si Pearl. Naupo ito sa tabi ni Emerald saka nginitian si Marcus.
"Good evening po." Magalang na bati ni Marcus kay Pearl.
"Good evening din. Nabanggit ni Emerald na last week mo na daw sa school nila. Kumusta naman ang pag aaral mo sa GMcQHS?"
"Ok lang naman po. Medyo nanibago lang po kasi mas advance ang technology dito kesa sa probinsya."
"Mabuti nga iyon at ng mas lumawak ang kaalaman mi sa mga makabagong taknolohiya."
"Hehe. Medyo nahirapan lah po ako." Pag amin ni Marcus sa mama ni Emerald at napahimas pa sa batok nito.
Masaya silang nag kwentuhan hanggang sa nag paalam ng umuwi sa Marcus dahil 10pm na.
Kinaumagahan ay nagkaroon sila ng quiz tungkol sa discussion kahapon. After ng quiz ay nag paalam na ang Filipino teacher nila. Hindi na ito nag lesson. May natira pang 25min. sa oras nito kaya naman nabakante sila.
Mabilis na nagdaan ang mga oras at araw. Last day na ngayon ni Marcus sa school nila Emerald kaya naisipan nila na magkaroon silang apat na magkakaibigan ng bonding kaya napag desisyunan nila na pumuntang mall at mag video oke. Kung todo kanta sila at wala ng pake kung nasa tono pa ba o wala na. Nag tatawanan silang apat habang nag kakantahan.
8pm....
Nasa bahay na si Emerald at masayang malungkot dahil babalik na sa school niya si Marcus. Parang mao-OP siya kila Jefferson at Rosie nito ngayon. Napabuntong hininga na lamang siya saka natulog.
JS prom na nila......
Kinakabahan si Emerald dahil hindi talaga siya sanay sa mga party. Nilapitan siya ni Rosie saka ngumiti sa kanya.
"Relax ka lang Ems. Ang ganda mo kaya. Sure ako na maraming makikipag sayaw sa iyo nyan." Pabirong sabi ni Rosie sa kanya.
Mas lalo ata siyang kinabahan. Naandito sila ngayon sa bahay nila Emerald. Pumunta doon si Rosie dahil alam niyang kakabahan ang kaibigan niya. Napag kasunduan din kasi nila sa sabay silang pupunta sa prom.
Pagdating nila sa school at makapasok sa gate ay ipinakita nila ang ID's nila sa isang teacher na nasa may table. Sila yung naglalagay ng tanda kung sino ang mga outsiders since open sila ngayon hanggang 1pm para sa mga outsiders. Once na makapasok na sa loob ang mga students ay hindi na makakalabas unless tapos na ang prom o may sundo na sila.
Nagkaroon ng opening performance ang mga kasali sa JS Prom King and Queen contestants. Matapos iyon ay tumugtog na ang party music dahilan upang magkasiyahan ang lahat. May kanya kanyang upuan at designated areas para sa bawat sections. Masayang nanunuod si Emerald sa mga nag sasayawan sa gitna. Party party ika nga. Maya maya pa ay nakaramdam ng gutom si Rosie kaya kumain sila sa canteen. Libre lahat ng pagkain doon kaya eat all you can sila. Haha. Mag papakabusog na sila! 10pm na at tumugtog na ang sweet music kaya nag tilian na ang mga estudyante. Kanya kanyang lapit ang mga lalaki sa mga babaeng gusto nilang maisayaw. Lumapit si Jefferson kay Rosie upang yayain ito magsayaw. Nakangiting pinanuod ni Emerald ang dalawa. "Bagay talaga sila." Endless love ang music kaya naman ang daming nag sasayawan sa gitna. Matapos ang Endless love ay Destiny naman. Naupo ulit si Rosie sa tabi niya. Hindi niya ito kaklase pero trip nito doon maupo. E kasi naman andun si Jefferson. Nagulat pa nga si Emerald ng lumapit sa kanya si Damien, isa sa mga campus heartthrob, at inialahad sa kanya ang kamay nito.
"may I have this dance with you?" Nakangiti nitong wika sa kanya. Alanganin pa siya kung tatanggapin ba niya o hindi pero sa huli ay tinanggap din niya. Nakakahiya naman kung tatanggihan niya ito. Pero sa kabilang banda ay sigurado siyang pinag uusapan na siya. Heartthrob ang nag imbita sa kanyang sumayaw! Parang gusto niyang kiligin pero may pumipigil. E si Perea kasi wala. Saka hindi siya marunong sumayaw. Hawak ni Damien ang isang kamay niys habang nag lalakad sila palapit sa gitna. Napatigil siya kaya naman napatingin ito sa kanya.
"Bakit ka huminto sa paglalakad?"
"E kasi hindi ako marunong sumayaw." Alanganin na sabi niya sabay tungo.
"Don't worry. I will teach you." Nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya.
Pinamulahan naman siya ng muka una dahil sa kinindatan siya nito at ang gwapo talaga nito at pangalawa ay dahil hindi siya marunong mag sayaw. Pagtatawanan lang siya! "Bahala na nga. Kaya ko to." Habang tinuturuan siya ni Damien sumayaw ay napapangiwi siya dahil naaapakan niya ito. Natatawa lang ang binata sa kanya. Napatos ang kanta na hindi manlang siya natuto sumayaw.
12midnight.....
Kanya kanya ng sigaw ng 'Happy Valentines day' ang lahat dahil February 14 na. Ia-announce na din kung sino ang GMcQ King and Queen. Nag sigawan ang lahat ng maiproklama na ang bagong King and Queen. Antok na si Emerald kaya naman nag text na siya sa mama niya upang sunduin na siya. Nag paalam na siya kay Rosie ng dumating na ang mama niya.
Na-enjoy naman ni Emerald ang prom. Kakapagod lang dahil marami din ang nakipag sayaw sa kanya kaya pabagsak siyang nahiga sa kama niya. Bukas nalang siya maliligo at mag papalit ng damit.
Sorry po sa mga typos...
~*~042021~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Teen FictionAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
