Two months agad ang mabilis na nag daan matapos ang PE festival. Back to normal ang lahat. Lesson then quiz.
Nang matapos ang last subject nila ngayong araw ay nakita niya si Rosie sa may labas ng classroom nila. Mukang hinihintay siya nito makalabas.
"Sabay ba kayo uuwi ni Rosie?" Tanong sa kanya ni Jefferson.
Napangiti si Emerald sa naisip niya bago sumagot.
"Hindi. May bigla kasi akong lakad ngayon." Pagsisinungaling niya dito. "Pero dapat nga sana ay sabay kami kasi wala siyang sundo ngayon. May biglaan meeting ang papa niya. Alam mo kasi takot yan umuwi mag isa." Pabulong niyang sabi dito.
Niyaya na niya ito para sabay na silang lumabas ng classroom.
"kanina kapa jan Rosie?" Tanong niya sa kaibigan
"Hindi naman. Kadaratig ko lang."
"Hindi nga pala kita masasamahan pag uwi. May biglaan akong lakad e. Si Jefferson nalang maghahatid sayo." Nakangiting sabi niya sa kaibigan sabay siko sa tagiliran ng katabi niya na walang iba kundi si Jefferson.
"Aah. Oo. Hatid na kita." Medyo nahihiya pang sabi nito sabay himas sabatok. "Kung gusto mo at kung ok lang sayo." Medyo naka tungo ng sabi nito.
Sa totoo lang bagay talaga sila. Napapangiti siya sa naiisip niya. Pumayag din mag pahatid si Rosie. Kinawayan niya ang dalawa bago pinaharurot ni Jefferson ang kotse niya paalis ng school. Habang si Emerald naman ay nag hintay ng masasakyan. Nang makauwi na siya sa bahay nila ay doon lang niya naisip na mayaman si Jefferson. Dahil mahal ang ganung klase ng kotse sa panahon ngayon. Bagong model yung kotse ng lalaking yun at sa tv lang niya nakita. Wala pa kasi siyang nakikitang ganung kotse sa personal.
Kinaumagahan ay maaga siyang nakarating sa school nila. Pagpasok niya ng room nila ay narinig niya ang pinag uusapan ng mga classmates niyang mga nag uumpukan. Mga mukang kinikilig.
"May visitor daw tayo mula sa St. Andrews. And take note gwapo daw."
"Talaga? Sino may sabi sayo?"
"Well, diba yung mommy ko friend si Ma'am Sibaluca? Iyon ung nag sabi kay mommy."
"Diba St. Andrews yung nakalaban nila Jefferson sa basketball noong PE festival?"
"oo. At ang alam ko MVP ng basketball team na yun ang pupunta dito."
Nagtilian ang limang kaklase niyang nag uusap usap. Hindi na lamang niya iyon pinansin at tahimik siyang nag basa ng notes niya. Dumating na si Jefferson maya maya. At as usual, kinikilig ang mga classmates niya dito. Pero mukang ang lalaking ito ay may tama na sa kaibigan niya.
"Kumusta?" Nakangiting tanong ni Emerald kay Jefferson.
Namula ang muka nito na mukang naunawaan kaagad kung ano ang tinatanong niya.
"Aah.,..e... Ano... O-ok naman. Ikaw ha. Nagulat ako sa ginawa mo. Hindi ko inaasahan yun."
"Hehe. Bagay kayo. Ligawan mo na."
"Nahihiya ako."
"kaya mo yan. Yayain mo mag date. Sure ako papayag yun."
"Sige. Try ko mamaya. Since friday naman ngayon." Nakangiti na nitong sabi sa kanya.
Kanina ksi parang nahihiya ito na hindi maintindihan. Nag datingan na ang iba nilang mga kaklase at maging ang adviser nila. Bumati ito sa kanila at binati din nila ito pabalik.
"Class may sasabihin ako sa inyo. May makiki sit-in sa ating klase ngayong araw at mula siya sa St. Andrews." Pagkasabi noon ay may sinenyasan ito mula sa labas.
Pumasok nga ang isang lalaki na sa tingin ni Emerald ay halos kasing tangkad ni Jefferson. Humarap ito sa kanilang lahat.
Nag bulong bulungan na ang mga kaklase niya at mukang kinikilig ang mga iyon. Gwapo at maputi kasi ang lalaki at makisig din. Wait! Ito yung lalaki na naghahanap kay lola ah. Yung sa probinsya. Naisa isip ni Emerald. Natandaan kasi niya ito. Ito kasi yung lalaking umakyat sa puno na inakyatan niya.
"Class, let him introduce himself to us." Sabay senyas ng adviser nila dito.
"Hello everyone. I'm Marcus Dela Peña from St. Andrews High. I'm glad to be here." Naka ngiting sabi nito na ikinakilig ng mga kaklase ni Emerald.
Pinaupo ito sa may bakanteng upuan sa may bandang unahan ni Emerald. Absent kasi si Lucas ngayong araw kaya doon muna ito pansamantala. Isang quarter itong mag aaral sa school nila. May kapalitan ito na nag aaral mula sa Gen. McQueen, si Angela Cuevas na nasa may St. Andrews na ngayon.
Lunch break na nila. Inayos na ni Emerald ang mga gamit sa bag niya at humarap kay Jefferson.
"Sabi nga pala ni Rosie na hihintayin nalang niya tayo sa Canteen." Pag imporma ni Jefferson sa kanya.
Para namang natigilan siya. Nagtataka ang mga muka niya habamg nakatingin dito. Napangiti naman ito at napahaplos sa batok sabay tungo.
"Ano kasi e. Nag text siya kanina. Maaga daw natapos ang klase nila ngayong umaga." Nakatungo paring sabi nito.
Mukang nahulaan ng lalaki na to na nagtataka siya kaya napahiya. Good sign ito dahil mukang nagkakalapit na ang dalawa. Napangiti si Emerald at tinapik ito sa balikat.
"Lika na baka naiinip na yun doon." Nakangiti niya sabi dito.
Lalabas na sana sila ng may mapansin. Pinagkakaguluhan pala yung Marcus na yun? Humarap na siya sa may pintuan at akmag lalabas na sana doon dahil nauna na si Jefferson sa kanya pero may humawak sa palapulsuhan niya. Napalingon siya doon dahil sa pagkabigla. Napakunot ang noo niya ng makitang si Marcus iyon.
"Sabay na ako sa inyo." Sabi nito sabay hila sa kanya. Hawak parin nito ang palapulsuhan niya hangang sa makalabas sila ng classroom nila.
Sa pagkabigla ay hindi niya agad natanggal ang kamay nito at nag pahila lamang dito. Maya maya pa ay tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ahm. Saan yung canteen nyo? Hehe. Hindi ko kasi kabisado ang school nyo."
"Yan kasi kung makahila ka sakin wagas. Akala ko pa naman alam mo na?"
"hehe. Kasi naman iiwan mo ko e wala naman akong kakilala dito saka hindi kaba naaawa sakin? Ginigipit nila ako dun?"
"Ginigipit? Hindi naman. Crush ka nila. Yun yung tamang term.
"Eeh... Kahit na. Wala akong kilala dun." Naka pout ng sabi nito.
Napailing nalang si Emerald at saka lang niya napansin na nakahawak parin ito sa palapulsuhan niya. Napatingin din si Marcus sa kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ni Emerald at agad na napabitaw doon. Napakamot ito sa ulo at nahihiyang napayuko.
"Tara na nga sa canteen. Kahit naman ako ay hindi mo rin kilala." anyaya niya dito.
"Ikaw si Emerald hindi ba?"
"Paano mo nalaman?" Nag tatakang tanong niya dito.
Nag kibit balikat na lamang ito at ipinag patuloy nalang nila ang pag lalakad papuntang canteen.
~*~040521~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Ficção AdolescenteAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
