Mabilis ang pagdaan ng mga araw at bwan. Hindi niya masyadong namalayan iyon dahil nag focus siya ng husto sa pag aaral. At dahil sa sipag at tiyaga niya ay siya ulit ang top 1.
"Congratulations Ms. Laurenth. I know your parents will be proud of you." Sabi ng adviser nila.
Tulad nga ng sinabi ng adviser nila at proud na proud ang mama niya sa kanya. Nag luto ito ng mga paborito niyang pagkain. Bago mag bakasyon ay nagkaroon muna ng foundation day. Every February 26 ang foundation day ng school nila.
"Rosie pupunta ka ba?" Tanong niya dito.
"Oo naman. Mag papalista ako sa wedding booth." Sabi nito ng naka ngisi.
"Eh diba dapat dalawa kayo? Sino partner mo?"
"Ipapalista ko pangalan ni Jandrick. Hehe. Kahit doble ang bayad ok lang."
"Ikaw talaga. Sa horror booth ako pupunta."
"Aattend ka din pala!? Akala ko kasi ayaw mo sa mga ganun."
"Babaguhin ko na sarili ko. Dapat dagdagan ko self confidence ko diba? Kaya sinisimulan ko na kahit sa mga maliliit na bagay lang."
"Mabuti naman. Sabay tayo buks ah."
"Ok sige."
KINAUMAGAHAN ay sabay silang pumasok sa gate. Umaga palang may mga nag tatakbuhan dahil sa jail booth. Kapag magkapareho kayo ng kasama mo ng suot ng kulay ng damit ay huhulihin kayo at ikukulong. Mabuti na lamang at magkaiba sila ng kulay ng suot na damit.
Nakarating sila ng classroom nila ng maayos. Yung iba nilang kaklase ay nahuli.
"Tsk! Laki ng binayarab ko. Nahuli ako ng police patrol booth. Natapakan ko kasi yung red circle sa lapag." Reklamo ni Austine.
"Ako muntik na. Naka takbo ako kaya hindi ako nahuli. Nakatapak din kasi ako ng red circle." Sabi naman ni Jake.
Kanya kanya pa ng kwentuhan ang iba nilang mga kaklase habang sila ni Rosie ay tahimik lang.
"Úuuy! Ano na? Itutuloy mo pa ba?" Tanong ko kay Rosie.
Bumuntong hininga ito bago nag salita.
"Wag na lang. Tsk! Laki ng bayad e. Sayang pera ko. Ipang movie booth nalang natin. Hehe."
"Oo nga. Sabi nila maganda daw yung movie. Zombies daw."
"Baka may makatabi pa tayong pogi." Patili naman na saad ni Rosie.
20 minutes din siguro sila nag kwentuhang dalawa bago nila napag pasyahan lumabas ng room. Safe kasi pag nasa loob lang ng room. Dahan dahan sila dahil baka maka tapak silang red circles. Dami pa naman bantay. Nang maratig nila ang movie booth ay nag bayad na sila ng ticket.
Mahigit isang oras ang movie at na enjoy nila iyon.
Sa horror booth naman sila sunod na pumasok. Kung todo sigaw ang lahat ng mga pumapasok dahil sa effects at dahil may nang hahabol na kamatayan.
Hingal silang lumabas ng booth. Nagkatinginan sila at nag tawanan.
Naka upo na sila ngayon sa canteen at kumakain ng lunch.
" uuuy si Jandrick oh! Ayyyyiiieee ang gwapo!" Impit na tiling sabi ni Rosie.
Napatingin siya dito at mukang papalapit ito sa kanila.
" hi El." Bati nito sa kanya.
"Hi JP." Naka ngiti at medyo nahihiyang bati din niya dito.
"Hi Jandrick. Dito kana sa table namin maki join." Sabi ni Rosie
Pinaunlakan naman iyon ni Jandrick. Nag kwe-kwentuhan silang tatlo ng mga oras na iyon habang kumakain ng dumating si Blake. Nakiupo din ito sa table nila. Nang matapos sila kumain ay nag anyaya ito na pumunta sila sa science booth. May mga cool na bagay daw kasi doon.
Habang nasa science booth ay mangha silang tinititigan ang mga naka display doon.
Natapos ang maghapon at sobrang na enjoy ni Emerald ang araw na iyon.
~*~030721~*~
![](https://img.wattpad.com/cover/248279308-288-k841641.jpg)
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Genç KurguAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...