Dahil sa pagpili sa kanya ng kanilang guro ay lalong nainis si Jemimah sa kanya. Palagi siyang pinariringgan nito na sipsip, walang 'K' dahil sa mataba siya at kung ano ano pa. Pinalalagpas lamang niya ang mga iyon dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi iyon totoo.
"Uuuuyyy! Eeeeeeemmmmmssss." Tawag sa kanya ni Sarah na nasa may second floor ng main building ng school. Napingon naman siya dito na nag tataka. Kumaway sa kanya ito na mukang pinappunta siya doon sa kinaroroonan nito.
Pagkarating niya doon ay may napansin siya na mga estudyante na nag kukumpulan sa may bulletin board. Nabigla pa siya ng nabasa niya na sila ni Perea ang nangungunavsa ranking bilang king and queen ng prom.
"Nandito yung magandang babae oh!" Tukoy sa kanya ng isang lalaking estudyante habang nakangiti sa kanya. Pinag titinginan na siya dahil doon.
"Sikat kana Eeeeemmmmsss!" Tili ni Rosie habang nakapulupot ang mga braso sa kaliwang braso niya.
"Oo nga naman. Pa-cheese burger ka naman." Pag bibiro ni Sarah sa kanya.
"Kayo talaga. Tara na at baka mahuli pa tayo sa klase." Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Pinag titinginan na sila habang nag lalakad sa may hallway. Kasali silang tatlo sa mga representative ng kanilang classrooms. Maraming magaganda sa GMcQHS pero siya ang nangunguna. Napangiti siya. Dapat ay dagdagan pa niya ang kanyang self confidence pro hindi dapat maging mayabang. Iyon ang turo ng mama niya sa kanya.
Ng makarating sa room nila ay pinag titinginan sila ng mga kaklase nila.
"Congrats Emerald. Ikaw ang nangunguna sa ranking." Bati sa kanya ni Roselyn.
"Salamat." Nakangiti niyang sagot dito.
Marami pa ang bumati sa kanya hanggang sa nag salita si Jemimah.
"One week pa. May one week pa kaya wag ka muna mag saya." Mataray at maarte na pag kakasabi nito na ikinainis ng mga kaklase niya. Sa totoo lang kasi ay kasundo naman niya ang mga kaklase niya. Parang kaibigan na nga niya lahat. Ito lamang at ang dalawang alipores nito ang hindi.
Nag kibit balikat na lang siya saka nilagpasan ang bruha niyang kaklase. Pagkaupo niya ay dumating naman sila Perea at Jefferson. Nag tilian ang mga classmates niya. Kanya kanyang bati sa dalawang bagong dating. Rank 1 si Jandrick habang rank 2 naman si Jefferson.
Natapos ang klase nila ng araw na iyon.
Lumapit sa kanya si Jefferson at inimbitahan sila ni Rosie na mag gala. Kasama sin si Jandrick, Sarah at Mirasol. Nakakatuwang isipin na naging mag kakaibigan sila. Habang nag gagala sa may park ay nakakita sila ng magandang spot kung saan maaari silang sumalampak ng upo. Nag paalam sila Jefferson at Jandrick na sila na ang bibili ng snacks nila. Habang nag ku-kwentuhan sila Rosie, Mirasol, Sarah at Emerald ay may dumating na hindi kanais nais. Ang tatlong bibe! Pambihira! Mukang sinusundan sila ng mga iyon. Mukang may hinahanap at ng mahagip sila ng mga mata ng tatlong bibe ay lumapit kaagad ang mga iyon sa kanila. Nakangisi ang tatlo ng makalapit sa kanila.
"Mga cheap na babae." Panimula ni Jemimah. "Mga assumerang nilalang. Anong ginagawa nyo dito?" Mapang asar na tanong nito sa kanila.
Nagtaasan ang kanilang mga kilay at sabay sabay na tumayo.
"Cheap? Huh! E sino kaya ang malantod na dikit ng dikit kay Jandrick?" Mapang asar na tanong ni Mirasol na nakangisi.
"Pero palaging pinag tatabuyaaaannn!" Dagdag pa ni Sarah na hinabaan pa ang salitang 'pinagtatabuyan' na siyang ikinausok ng ilong ni Jemimah.
"Hahahahahhahaha...." Bunghalit na tawa nilang apat.
"Mga walang kwenta! Kayo ang mga malantod!" Pasigaw na sabi ni Lenlen, isa sa tatlong bibe.

BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Genç KurguAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...