Matapos ang Christmas party nila ay sinabi ng adviser nila na start na ng Christmas vacation nila. Two weeks din yun kaya naman masusulit nila ng husto ng mama nya ang bakasyon nila sa probinsya.
Masarap ang simoy ng hangin dito sa probinsya kaya masayang nag lalakad si Emerald dito sa may palayan. Dito kasi ang daan papunta sa gubat. Gusto kasi niyang mag punta sa gubat na pinag lalaruan nila ng mga naging kaibigan niya dito tuwing nag babakasyon sila dito sa probinsya. Pagkarating niya sa gubat ay umakyat siya sa puno. Doon siya umakyat sa pinaka mataas na puno. Mula doon ay tanaw na tanaw niya ang buong palayan. Sobrang ganda ng nakikita niya. Kahit papaano ay nakalayo siya sa marumi na hangin sa maynila.
Napag isip isip din niya na dapat ay mas mag focus siya sa pag aaral. Mas gagalingan pa niya at hindi na dapat niyang i-down ang sarili niya. Tama si Rosie, dapat ay dagdagan niya ang self confidence niya. Lalo na ngayong high school na siya.
2days bago matapos ang christmas break ay umuwi na sila ng mama niya sa maynila.
Monday morning, maaga pumasok si Emerald dahil miss na niya ang maingay niyang kaibigan. Todo kwentuhan silang magkaibigan ng tungkol sa kanilang mga ginawa at pinuntahan. Ganun din ang ginagawa ng iba pa nilang mga kaklase.
Napatigil silang lahat ng pumasok si Perea. Tsk! New look. Bagong gupit ito at ang gwapo lalo. Nagkaingay ulit sa buong class room nila at kanya kanya ulit kwentuhan. Todo kwentuhan ulut sila at yung mga girls, sure siya na si Perea ang pinag uusapan. Obvious naman kasi patingin tingin ang mga ito dito at kilig na kilig.
Maya maya pa ay dumating na ang adviser nila at nag start na ang class. Natapos ang maghapon na pag aaral nila ng maayos pero syempre mqy kulitan. Pinag tripan nanaman kasi nila Francis, ung loko nilang kaklase, ang adviser nila. Nag labas nanaman ng robot na umiilaw at pinagana habang nag tuturo ang adviser nila.
"Fire! Fire! Tut turut tut tut! Fire fire! Tut turut tut tut!" Sabi ng robot ng makailang ulit.
Nag tawanan sila at ang ending, kinulong ng adviser nila si Francis sa likod ng pinto at ipinahubad nito sa kanila ang mgq foot socks nila at ung mga walang foot socks ay medyas ang hinubad.
"Batuhin si Francis." Wika ng adviser nila at nagtatawanan silang hinagis sa taas, yung sa may siwang ng pinto at kisame, ang mga foot socks at medyas nila.
Pagkatapos noon ay pinalabas na ng adviser nila sa likod ng pintuan si Francis. Lalo silang nag tawanan ng makita ang hitsura nito. Puro alikabok at chalk ito dahil yung eraser ang hinagis ng adviser nila dito.
Mabilis na natapos ang isa pang grading. Top 1 nanaman si Emerald. Lahat ng mga kaklase niya ay nag palakpakan at nakangiting binati siya. Tuwang tuwa ang mama niya habang pinipirmahan ang card niya. Nag punta sila ng mama niya sa favorite niyang fast food chain para mag celebrate.
~*~030721~*~
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Teen FictionAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...
