Emerald POV
It's been 2 years mula ng huli kaming magkasama sama. Parang kailan lang noong mag tapat si Jandrick sakin at ganun din ako sa kanya. Dito din yun sa resort na 'to.
Flash back
"I love you too." Sigaw ko na nag patulala sa mga kaibigan namin. Nakabawi kaagad ang mga kaibigan namin saka nag sigawan ngunit si Perea ay mukang nabigla. Agad naman siyang napangiti at nag tatalon sabay suntok sa hangin bago humarap sakin na may ngiti sa muka.
"So, tayo na?" Tanong pa niya na nginitian ko sabay tango.
Napayakap ulit siya sa akin habang ang mga kaibigan namin ay tuloy lang sa pagkuha ng video sa amin.
"Congrats sa inyo."
"Sana all."
"Payakap din."
Nag group hug kami sabay tawanan.
*****
"lalim ng iniisip mo ah." Puna ni Sarah ng makalapit sa pwesto ni Emerald. Nakaupo sila sa mono block chair na may nakabalot na green na tela.
"Naalala ko lang yung bakasyon natin dito. Parang kailan lang." Nakangiti niyang pahayag na mukang inaalala pa lahat ng mga nangyari ng panahon na yun.
"Oo nga. Pero alam mo, lika na. Mamaya ka na mag muni muni dyan kapag tapos na ang gagawin natin dito." Sabay hila niya kay Emerald kaya napatayo na din ito.
"Saan ba kayo galing? Hinahanap na tayo ni Mira. Kinakabahan ang gaga. Haha." Tatawa tawang sabi ni Rosie sa kanila kaya nag tungo na sila sa kwarto ni Mira.
Kumatok muna sila sa may pinto saka pumasok ng papasukin sila ni Mira. Nakita nilang nakaupo ito sa may upuan na kahoy sa harap ng salamin.
"Ano ka ba? Wag ka nga masyadong kabahan dyan. Araw mo to e." Nakangiting sabi ni Sarah na tinanguan nila Rosie at Emerald.
"Kapag kayo na nasa pwesto ko malalaman nyo rin kung ano ang nararamdaman ko." Nakasimangot na sagot nito.
Nag tawanan na lamang sila Rosie, Sarah at Emerald dahil halatang kabado nga ang kaibigan nila.
"Kumusta na kaya sila doon?" Tanong bigla ni Mira.
"Sino?" Takang tanong ni Rosie.
"Sila Damien." Nakangusong sabi ni Mira na tinawanan ulit nila.
"Wag nga kayo tawa ng tawa. Kainis na ha!" Nakabusangot na ang muka ni Mira.
"Hirap pala pag buntis." Napapailing na komento ni Emerald habang nakangiti.
"Oo nga. Moody masyado pero mas lamang ang pagiging grumpy." Pang aasar ni Sarah kay Mira na sinamaan lang ng tingin ng huli na ikinatawa na lamang ulit nila. Kita pa nila ang pag irap nito. Maya maya pa ay iniwan na nila si Mira sa kwarto nito saka naman dumating ang mama at papa ni Mira.
Pumwesto na silang tatlo sa pwesto nila habang nakasuot ng sky blue si Sarah, pink kay Rosie, at yellow naman ang kay Emerald na dress. Above the knee ang haba at naka flat slippers lamang habang may hawak na Green roses. Kasi naman si Mira si Taylor Swift ata ang napaglihihan. Yung kulay ng mga dress nila ay doon kinuha ni Mira. Tuwang tuwa ito sa kanta ni Taylor na "Me". Nag umpisa ng kumanta ang live band. Lakas ng trip ni Mira. Palibhasa buntis kya pinagbigyan na lamang ang gusto. 1 month palang naman ang tyan nya kaya hindi pa halata pero grabe ang mood swing nya.
BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Teen FictionAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...