Part 25.1 - Outing

34 2 0
                                        

Natapos ang prom night. Ilang bwan na lamang din at graduation na nila. Dumating ang araw ng lunes. Pag psok ni Emerald ay naandoon na si Rosie at Mirasol sa loob ng classroom nila.

"Good morning Ems." Ngiting ngiti na bati sa kanya ni Rosie.

"Good morning din sa inyong dalawa." Bati niya kila Mira at Rosie.

"Blooming ka ata ah." Puna ni Mira sa kanya.

"Ikaw Mira ah. Ang aga mo." Nakanguso niyang saad dito. Mag uumpisa nanaman kasi ito na asarin siya.

Nang makaupo na siya ay dumating na si Sarah. Nag greet sila ng 'good morning' dito. Nag greet din ito saka naupo.

"Kumpleto na tayo." Panimula ni Mira. "Sabihin mo na plano natin Rosie." Nakangiting dagdag niya saka taas baba ag kilay.

"So, ayun nga, hehe. Since lapit na ng graduation naisipan namin ni Mira na mag outing tayo sa Batangas this coming Saturday. Friday palang ng gabi mag byahe na tayo." Naka ngiting paliwanag ni Rosie.

"Don't worry girls kasi may beach resort kami doon at dun tayo pupunta." Nakangiti at halatang excited na dugtong ni Mira sa sinabi ni Rosie.

"Ano? Game? Sama kayo?" Tanongni Rosie kay Sarah at Emerald.

"Kapag sumama si Ems sasama din ako. Alam nyo naman na dito ako pinag katiwala ni Mama kapag nasa school. Alam nyo naman yun OA." Mahabang litanya ni Sarah. Kaya kay Emerald napunta ang tingin nilang tatlo.

Napabuntong hininga naman si Emerald saka nag isip saglit tapos ay tumingin sa kanila.

"Mag papaalam muna ako kay Mama." -Emerald

"Punta kami mamaya sa bahay nyo. Sabay sabay na tayo sa bahay nyo tapos ipag paalam ka namin. Ok?" -Rosie

Tumango si Emerald kaya naman excited na napa-palakpak ang tatlo niyang kaibigan. Dumating na sila Perea at iba nilang kaklase. Tinawag ni Mira si Jandrick kaya naman lumapit ito sa pwesto nila matapos nitong ilagay ang bag sa kanyang upuan.

"Sama ka? Mag outing kami sa Batangas this coming Saturday. Pero Friday night palang ay mag bi-byahe na tayo papunta dun. Don't worry dun tayo sa beach resort namin. Tayo lang ang nandun sa Saturday kasi ipapasara ko muna para walang ibang tao. Solo natin." Nakangiti at mahabang litanya ni Mira kay Jandrick.

"Mukang maganda nga yan. Kasama ka ba El?" Tanong niya kay Emerald kaya sa kanya nanaman napunta ang atensyon.

Sinabi nila Mira ang plano nilang pag papaalam sa Mama ni Emerald sa hapon para payagan ito. Nang dumating si Jefferson ay inimbitahan din nila ito na sumama.

"Ok. Basta mamaya pupunta tayong lahat sa bahay nila Ems. Tingnan ko lang kung hindian pa tayo ni Tita. Hahaha." Tatawa tawang sabi ni Rosie na ang tinutukoy ay ang mama ni Emerald.

Napapailing na lamang siya habang nakangiti. Mukang no choice na mama niya.

Matapos ang klase ay dumeretso nga sila sa bahay nila Emerald. Sila Rosie at Mira ang kasama ni Jefferson sa kanyang kotse habang sila Sarah at Emerald naman ang nasa kotse ni Jandrick.

"Ma, andito na po ako. Kasama ko po ang mga kaibigan ko."

"Good afternoon po." Sabay sabay na bati ng mga kaibigan niya.

"Good afternoon din sa inyo. Sandali lamang. Kukuha lang ako ng mami-miryenda nyo." Paalam ng mama niya sa kanila.

"kaya gusto kong pumupunta dito e. Hehe. May cookies po tita?" Masiglang tanong ni Rosie.

"oo naman. Medyo mainit init pa. Sandali at kukuha ako. Anak ikaw na muna bahala sa mga kaibigan mo ha."

"Opo ma."

Pumunta na ng kusina si Pearl upang kumuha ng miryenda.

"Feel at home ka dito ah." Puna ni Mira kay Rosie.

"Oo naman. Mabait kaya si Tita."

Ilang minuto pa ay bumalik na ang mama ni Emerald. Sinabi na din ng mga kaibigan niya ang pakay ng mga ito. Nag pakilala na din sila sa mama ni Emerald. Pumayag ang mama niya kaya naman tuwang tuwa sila.

Kinaumagahan maagang umalis si Emerald sa bahay nila. Nag text kasi si Mira na may pag-uusapan pa sila tungkol sa kanilang pag punta sa Batangas. Na sa loob na ng classroom sila Mira. Si Jandrick na lang ang kulang sa kanilang anim ng dumating siya. Lumapit sa kanila si Marvin ng malaman nito na may plano silang outing sa Sabado.

"Sama naman ako sa inyo. Wala kasing magawa sa bahay kapag weekend." Sabi ni Marvin ng makalapit sa kanila.

"Sige. Guys, kasama nga din pala sila Damien at Jacob." Pag imporma ni Mira sa kanila.

"What!? Jacob Fermintine and Damien Castillo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Sarah.

"Oo. Sila nga. Hehe." Nakangising sagot ni Mira.

"Pero paano? I mean, paano mo sila nakumbinse?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Sarah.

"Remember the prom night? Crush ka ni Damien. Nahihiya lang sya sabihin tapos sakin sya lumapit then asked if you had a boyfriend then I told him that you don't have kaya ayun, sabi nya text text daw kami about sayo." Mahabang litanya ni Mira habang hindi naman makapaniwala ni Sarah.

Si Damien kasi yun. Isa sa mga heartthrob ng school nila. Sa totoo lang ay crush nya din iyon kaya hindi talaga siya makapaniwala na crush din siya ng crush niya. Dumating na si Jandrick at pinag usapan na nila ang tungkol sa outing. 5minutes bago mag umpisa ang klase at dumating na ang teacher nila.

Break time....

Nasa canteen sila ngayon. Kasama nila sila Marvin at Drix. May nadagdag nanaman sa grupo nila. Hinihintay pa nila sila Damien at Jacob upang masabi sa mga ito ang tungkol sa napag usapan nila kanina.

Habang kumakain sila ay naipaalam na nila ang napag usapan sa dalawang wala kanina. Iba kasi ang section nila Damien at Jacob pero special class din. Bale 10 lahat sila. Ang saya dahil marami sila sa beach resort at private iyon. Tulad ng sinabi ni Mira ay sila lamang ang naandoon sa loob ng dalawang araw. Na-excite tuloy siya.

Friday afternoon....

Last subject na nila kaya naman hindi na mapakali si Rosie. Excited na siya sa outing nila. Ganoon din si Emerald dahil matagal na noong nakapunta siya sa isang resort. Matapos ang klase ay halos mapapalakpak si Rosie. Dala na nila ang mga gamit nila papunta sa Batangas dahil isa iyon sa mga napag usapan nila. Mas natuwa pa sila ng i-announce ng kanilang last subject teacher na cancel ang pasok nila sa Lunes at Martes dahil may pupuntahan ang mga teachers na seminar sa martes at holiday sa Lunes dahil iyon ang ibinalita sa TV. Sinabi pa ng teacher nila king bakit pero hindi na nila inintindi dahil sa tuwa. That means 4days sila sa Batangas. Mabuti na lamang at limang pares ng damit at undies ang ipinadala sa kanila ni Mira.

"Naisip ko na 'to." Panimula ni Mira. "I got my access." Dagdag pa nito sabay labas sa phone niya. "Tinawagan ko si Mrs. Encarnacion kagabi dahil nga sa news. Tinanong ko kung totoong walang pasok sa monday dahil yun ang in-announce dahil sa TV. Then she said na totoo iyon at sinabi na din sa kanila ng Principal then she said na wala ding pasok sa Martes kaya ako nag message sa inyo kagabi to bring 5 pairs of clothes and undies." Mahabang salaysay nito.

"naks! Talagang pinaghandaan mo to ah!" Natatawang puna ni Marvin.

"Ayos nga dahil apat na araw tayo doon." Masayang pahayag ni Drix.

Nagpunta na sila sa parking lot ng school. Hindi na nag dala ng kotse sila Marvin at Drix dahil sinabi din ni Mira na ang Expander nila ang gagamitin papunta sa Batangas. While si Emerald ay talagang itinaboy nila na kay Jandrick sumabay habang si Rosie ay talagang kay Jefferson sumabay. Kasya silang lahat sa expander at may driver pa sila, si Mang Teban. May sarili din namang kotse sila Damien at Jacob pero sinabihan na sila ni Mira na mag commute na lamang pag pasok dahil nga crush niya si Jacob. Para paraan lang diba? Hehe. Tapos si Sarah ay crush si Damien kaya todi high five ang dalawa habang humahagikhik ng palihim. Nag kindatan pa sila. Nag kibit balikat na lang sila Marvin at Drix.

Itutuloy......







***†***060221***†***

Emerald: High School (Completed)un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon