Chapter 1: Check In
-YSLA ALONZAGA-
"Ang bagal. Ang bagal bagal talaga, grabe." Puna ko sa kaibigan ko na kanina pa nakaupo sa tapat ng vanity mirror niya habang nagaayos sa sarili. "Ang usapan natin 7 ng umaga, Aloha. Anong oras na oh?"
"Alam mo chill ka lang. Wait ka lang, okay? Matatapos na din ako." Pangangatwiran nya na almost ten times ko na atang narinig mula kanina pa. Ni hindi nga s'ya nagmamadali kahit alam niya na buryong buryo na ako kahihintay sa kaniya kasi kanina pa siya nagaayos ng sarili niya.
Hindi ko nga alam kung ano pa ba ang kailangan nitong ayusin dahil maayos na naman ang itsura niya at mukha na siyang tao.
Actually, ang usapan kasi namin, 7 dapat nakahanda na siya. Tapos 7 pa pala ang gising nya.
Kasalanan mo din 'to Ysla, dapat na-foresee mo na ang mangyayari at ikaw na ang nagadjust.
"Ganto kasi. Para di ka mainip, bumaba ka muna sa kusina tapos kumain ka don. Maaga pa naman oh." Sabi nya habang naglalagay ng contact lenses sa mata.
Nang tingnan ako sa orasan ay napailing na lang ako. Maaaga pa ba yung alas nuwebe?
Hindi ko napigilan ang mapairap na lang bago maupo sa kama nya lalo pa nang mangalay na ako sa kakatayo at kakasermon sa kaniya.
"Baliw. Andun si Kun." Sagot ko dito habang sinusubukang libangin ang sarili sa panonood sa get ready with me portion n'ya.
"Ano naman? Si kuya lang naman 'yon e." Deretso pa rin sa pagaayos ng sariling sabi ni Aloha. Pero lalo lang umikot ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Palibhasa kapatid niya 'yon kaya nasasabi niya 'yan pero hindi talaga ako magtatyaga d'yan sa kapatid niya.
"Yoko nga. 'Yang kapatid mo, tahimik lang pero pag tuwing binubuksan ko ref nyo o may nagagalaw akong pagkain lagi nang si-'Hey Ysla! Not my food.' 'Hey Ysla! That's my coke, put that down!'" Sagot ko sa kaibigan ko habang ginagaya pa ang boses ng kapatid n'ya.
Akala naman sa akin ng kapatid niya ay patay gutom ako? Duh, may pagkain din naman sa amin. Atsaka isa pa, akala ba niya ay sa kaniya lang lahat ng pagkain dito sa kanila? E itong kapatid naman niya tsaka mommy niya ang nagsabi na kumuha ako ng pagkain. Napakadamot.
Isang beses nga, sinabi sa akin ni Aloha na kumuha ako ng pizza sa ref at dalhin 'yon sa salas kasi kakainin namin. Take note ha, NAMIN. Nagwala talaga si Kun nang makitang naubos namin 'yon.
Haler, apat na slice na lang kaya 'yon. Atsaka isa pa, kapatid naman niya ang nagsabi na kainin namin 'yon pero sa akin pa ito galit na galit.
"Alam mo ewan ko d'yan kay kuya kung natural lang ba talaga s'yang masungit o madamot. Or pwede namang both." Sabi nito na para bang pinagkakaila ang sariling kapatid. "Bahala sya. Bilisan na lang natin at tara na't umalis." Tataas taas ang kilay na sabi nito sa akin.
Gusto ko pa sana itong kurutin sa sinabi n'yang bilisan na namin e siya lang naman itong mabagal at kanina ko pang hinihintay.
Sabay na kaming lumabas ni Aloha sa kwarto niya at nang makababa kami ay nakita ko sa salas ang kuya n'yang natutulog habang nakaplay ang Mr. Bean sa TV.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
