Chapter 19: No Fun Travel Bud

17 3 0
                                        

Chapter 19: No Fun Travel Bud

—YSLA ALONZAGA—

"Babae 'yon?!"

"Oo nga sabi. Classmate ko noong highschool."

"Sure ka Kuya na babae 'yon? Bakit ang pogi? Mas pogi pa nga sa'yo e." At dahil sa sinabi ni Aloha ay nawala na lang ang ngiti ng kapatid niya.

Si Kuya Khan.

Baka kasi isipin niyo kung sino sa dalawang kapatid ni Aloha ang sinasabi ko.

(─.─||)

Anyways, nasa kotse na kami at hindi namin alam kung saan kami dadalhin nitong panganay sa magkakapatid. Basta daw gagala kami.

Wala naman na kaming nagawa kung hindi ang sumama na lang kahit na hindi naman alam kung saan kami papunta.

So ayun nga, bigla naman kasing natanong ni Aloha 'yung tungkol sa kasama ni Kuya Khan sa loob ng hotel room sa SAGO noong mga panahong umuulan at nagpasundo kami kay Kun.

Bibig talaga nitong si Aloha, walang tigil.

Hindi naman ako makapaniwala nang sabihin niyang babae pala 'yung nahuli naming kasama niya sa kwarto at hindi pala naman lalaki.

"Eh bakit para kayong nagbugbugan?" Pahabol na tanong ni Aloha sa kapatid.

Saglit siyang tiningnan ni Kuya Khan na nagmamaneho bago ibalik ang mata sa daan.

"Binugbog ako. Akala ata may gagawin akong masama sa kaniya e hinatid ko lang naman siya doon sa hotel since doon sya magsstay."

"Huh? Wala ba siyang bahay?"

"Umuwi ng Pinas 'yon for the batch reunion. After highschool, sa States na siya tumira."

Napa-ahh kami parehas ni Aloha dahil sa kwento ng kapatid niya. Pero 'yung sakin ay mahina lang.

Baka mamaya sabihin pa ng kapatid niya na masyado naman akong chismosa, e hindi naman nila ako kaanak.

Pero syempre, hindi lang naman ako ang tahimik dahil katabi ko si Kun dito sa back seat. Si Kuya Khan ang nagddrive habang si Aloha naman ay nasa tabi ng driver's seat na panay ang pasimpleng pagsilip sa aming dalawang nasa likuran.

✧\(>o<)ノ✧

Kaso...

Kanina pa hindi nagsasalita itong kapatid niya.

Maingat kong sinilip ito at nakitang sa labas lang ang tingin niya habang naka earphones nang maalala ko 'yung eksena rin dati dito sa kotse ng kapatid niya.

Palibhasa wala akong number niya ay sa notes ko lang ito nakakausap.

Para kang inapi ni Kuya Khan
:))))))

Nakita ko ang paglingon nito sa akin nang danggilin ko siya ng bahagya para basahin nito ang nasa notes ng phone ko.

Stop mentioning it.
Para namang may choice pa ako.

Meron.
Pwede ka namang maiwan sa inyo

Magsusumbong pa kay Daddy 'yan.
Dad said to HANGOUT on weekends.

Eww, sounds like girls day out.
¯\___/¯

You make it sound that way, duh.

Bakit you sound like Bretman.
Ulit nga sa 'Duh'

My goodness para ka nang si Aloha.
Why are you guys so weird?

Go With The FlowWhere stories live. Discover now