Chapter 15: What Have You Done

25 2 0
                                        

Chapter 15: What Have You Done

-YSLA ALONZAGA-

Kung anong ikinasigla ni Aloha nitong nakaraang araw dahil sa FLAMES paandar niya, siya namang ikinalalamya niya ngayon.

"Sabi ko naman kasi sa'yo. Wala talaga kaming pagasa ng kapatid mo." Gatong ko pa rito.

Dahilan niya, ilang araw na kaming natambay dito sa kanila para sana makita niya kung may connection ba talaga kami ng kapatid niya kaso ay hindi naman ito nalabas ng kwarto dahil may inaasikaso sa pagaaral.

Ayon, nabubugnot lang siya kahihintay sa mangyayari. Na wala naman talagang mangyayari dahil wala naman talaga. Ano pa bang hihintayin mo aber?

"Eh kaya nga kasi tayo andito sa amin, kasi---"

"Ilang beses mo nang sinabi 'yan Aloha. Rinding rindi na ako." Sabi ko rito. "Ano ba, ikalma mo nga 'yang sarili mo. Baka kasi ikaw lang nagaassume na may something sa amin ng kapatid mo e."

Sa sobrang advance kasi nito magisip ay kung ano ano nang imagination ang nabubuo sa isip niya.

"'Yun nga. Nagdadalawang isip na nga rin ako." Walang ganang sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

Sa wakas! Nagets na rin niya! Nagets na rin ng kaibigan ko ang gusto kong sabihi---

"Pero feeling ko kasi type ka talaga ni Kuya." Biglang bawi niya kaya't napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang nabubuong asar.

Okay na sana e.

"Alam mo kasi, hindi talaga tulad ko ang type non. Hanapan mo na lang ng bago." At dahil sa sinabi ko ay agad itong napabangon sa kama niya.

"Napaka mo naman! Ayaw mo ba talaga sa kapatid ko?" Masama ang tingin ang ibinigay nito sa akin dahil sa sinabi ko kaya agad ko itong nabato ng unan. Napaka-OA kasi e.

"Hindi sa ganon tungeks. Ang sinasabi ko, kahit magkagusto ako sa kuya mo, waley pa din kasi iba type niya. Okay?"

Sa totoo lang kasi feeling ko ang mga type ni Kun ay 'yung mga sobrang seryoso sa pagaaral katulad niya. 'Yung super matured din o hindi kaya mga independent.

"Ano ba Ysla, ipipilit natin. Tsaka, paano mo naman nasabi na hindi ikaw ang type non." Parang shungang sabi nito habang nagdadabog pa.

"Baliw, hindi nga ko sabi type non. Ipagpalagay na natin na malayo ako sa standards niya. Kumbaga hindi kami magkasundo kung ibabase mo sa personality namin. Sige nga. I-imagine mo kami ng kapatid mo. Naiimagine mo? Diba hindi. Kasi hindi." Pagpupumilit ko pa.

Tuwing sinusubukan kong magdaydream ng tungkol sa kapatid niya ay hindi ko talaga maimagine. I mean, oo naiimagine ko naman at some point pero nagdadalawang isip pa rin ako.

Kapatid ng kaibigan ko? My goodness. Kung sakali mang maisip ko na may chance kami ng kapatid niya, isa lang ang ibigsabihin non. Baliw na ko.

"Ano ba, pag tinamaan, tinamaan. Pake mo sa standards kung sayo nagkagusto. Weather nga nagbabago, taste pa kaya ng tao." Hindi pa rin nagpapatalong sagot ng kaibigan ko.

Wala akong magawa kung hindi ang magpakawala na lang ng hininga dahil sa kulit niya.

"Walang weather-weather na mangyayari dahil wala akong gusto kay Kun. Malinaw na ba? And that's final. Wala akong gusto sa kuya mo." Matigas kong sabi dito.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now