Chapter 23: Aftermath
—ALOHA REVEGA—
(。ノω\。)
Hindi ko mapigilan ang kilig lalo pa nang maalala ko na iniwan ko si Ysla sa University kasama si Kuya.
Kunyari lang naman ang sinabi ko kay Kuya na nababanyo ako pero ang totoo naman talaga ay binigyan ko lang sila ng pagkakataon para masolo ang isa't isa!
༼;'༎ຶ ༎ຶ༽
Kanina pa ako nakauwi at pa-chill-chill lang sa bahay dahil lumayas ako at binigyan ko ng moment ang dalawa. Ang pinaka-inaabangan, pinaka-tinututukang moment of truth para sa aking kapatid at sa aking kaibigan.
#SabaodMayMoment
#EdiWawawiwawSaInyo
#EdiKayoNangDalawa
#MagkakagirlfriendNaSiKuya
#MagkakaboyfriendNaAngKaibiganKo
#PaanoNamanSiAloha:((
Okay wag bida-bida, tsaka na ako. Ang mahalaga ngayon ay ang kaibigan ko at ang kapatid ko.
Paniguradong umamin na 'yon si Ysla kanina pa. Alam kong pag sinabi ni Ys, ay sinabi niya. Atsaka ilang beses ko na s'yang dinemonyo at sunulsulan para lang mapaamin na siya kay Kuya.
Sigurado naman ako na hindi magbaback out itong kaibigan ko dahil mas malakas pa ata ang loob niyan kaysa sa kalabaw.
Baka nga kung may matotorpe sa kanilang dalawa ay si Kuya 'yon at hindi si Ysla.
Wag lang talagang tatanga-tanga itong si Kuya dahil kahit na hanep sa talino 'yung taong 'yon ay lubos pa rin ang katangahan niyan kung minsan.
ಠ ͜ʖ ಠ
Ang angas 'di ba. Hindi ko naman kasi naisip noon na pwede pala naman ang kaibigan ko at ang kapatid ko. At least 'di ba, magkaka-girlfriend na si Kuya, at magkaka-boyfriend na din ang kaibigan ko. Tapos best friend ko pa 'yung magiging girlfriend ng Kuya ko at Kuya ko pa 'yung magiging boyfriend ng best friend ko.
Nagets mo ba? Kung hindi, bahala ka sa buhay mo.
(~‾▿‾)~
...
〜(꒪꒳꒪)〜
...
└|∵|┐♪
...
♪┌|∵|┘♪
...
(☞ ͡° ͜ʖ ͡°)☞
...
(ノ≧∇≦)ノ ミ ┻━┻
Okay chill lang Aloha. Wala pa tayong balita, okay? Wag padalos-dalos ng harot at kilig.
Hindi natin alam kung sino sa dalawa ang unang gagawa ng katangahan kaya huwag muna nating pangunahan ang mga mangayayari.
Ang magagawa lang natin sa ngayon ay ang magisip ng magagandang bagay. Like me. Kung ako ang iisipin mo, tiyak na mawawala ang stress mo at mapapalitan ito ng lubos na kaginhawaan dahil napakaganda ko at ako ang pinakamagandang mangyayari sa buhay mo.
ƪ(˘⌣˘)ʃ
Pero kahit na ako ang pinakamaganda sa balat ng lupa ay wala namang tatalo sa kilig na nararamdaman ko para kay Kuya at kay Ysla.
o(〃^▽^〃)o
Aaminin ko na medyo kabado din ako kasi alam kong hindi naman sila close ni Kuya. Madalas nga s'yang napagsusungitan ni Kuya noon lalo pa pag dito sa amin ang tambay naming dalawa ni Ysla.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
