Chapter 27: Getting Some Sleep

19 2 0
                                        

Chapter 27: Getting Some Sleep

-YSLA ALONZAGA-

"Aaaaaaaa, bakit puro na tayo activities. Parang last week, sobrang saya pa ng buhay ko tapos ngayon parang ayaw ko na." Reklamo ni Aloha habang napapasabunot pa sa buhok niya na akala mo ay baliw. 

Agad akong napabuntong hininga bago buksan ang iced coffee na nasa lata na bigay ni Kun sa akin noong nakaraang araw na nagdinner ito sa amin. 

Akala ko araw-araw ang kilig. May katapusan pa rin pala. Kapag andyan na ang subjects talagang kahit anong ganda ng mood ko, naiistress ako nang wala sa oras.

"May groupings pa tayo sa ICT. Tapos may quiz din tayo sa Gen Math. Nagreview naman na ako pero pakiramdam ko naubos bigla lahat ng mga natutunan ko noong nakaraang araw." 

Subsob na subsob pa ako sa pagaaral noong nakaraang araw tapos hinarot lang ako noong isa d'yan, nawala naman agad lahat ng natutunan ko. 

Minsan talaga katangahan muna bago aral. 

"Gusto ko na mag bakasyon." Reklamo nito at gaya niya ay bumagsak na lang ang balikat ko.

Last year naman na 'to. Sana matapos na lahat. 

Makapagreklamo, akala mo may sampung pamilya akong binubuhay. 

Buong maghapon ay sabog na sabog kaming dalawa ni Aloha kahit na naglelecture na ang teacher sa harapan. Syempre, ang ending, hindi kami makikinig ni Aloha dahil mas mahalaga ang well-being kaysa sa stress.

Ngayon naman ay may groupings pa kami at kami naman ng mga kagrupo ko ang magkakasama.

"Feeling ko hindi natin matatapos 'to ngayon." Problemadong sabi ko sa mga kagrupo ko at agad naman na nagtaas ng kamay 'yung isa.

"Since next week pa ang pasahan, pwede namang maghinay-hinay tayo. Mag-assign ka ng take home task para sa araw na 'to sa bawat member then bukas na lang tayo magovertime since masyadong mahaba ang araw na 'to." Paliwanag ni Kyle; kaklase ko.

"Oo nga, take home muna tayo ngayon." Pagsangayon naman ng iba.

Agad akong nakahinga ng maluwag dahil dito. Mabuti na lang at hands on ang mga kagrupo ko. Hindi gaanong mabigat.

'Yun nga lang feeling ko malas talaga kaming dalawa ni Aloha dahil never pa ata kami nitong naging magkagrupo.

Anyways, natapos din ang meeting namin at naghahanda na kami pauwi. 

Kasabay ko si Aloha papalabas ng gate habang nakaangkla ang braso sa akin.

Naalala ko 'yung ganap namin kahapon. Halos paghahampasin ako nito pagkapasok na pagkapasok ko ng room dahil hindi naman ako nito mahahambalos sa call.

After kasi umuwi ng kapatid niya ay nagkwento na ako sa kaniya pero hindi siya makapagreact ng all out dahil nasa call lang naman kami. Kaya ang ending, bugbog sarado ako pagpasok sa school kahapon dahil nalate ang reaction nito. 

Tiningnan ko naman ito at mukhang latang-lata pa rin talaga siya sa mga naganap sa maghapon namin. 

Liliko na sana ako papunta sa kalye na deretsong bus stop nang hilahin ako nito. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Go With The FlowWhere stories live. Discover now