Chapter 2: Knock Knock

57 3 1
                                        

Chapter 2: Knock Knock

-YSLA ALONZAGA-

"Wala pa rin bang reply 'yang kapatid mo?" -Napapakamot sa ulong tanong ko sa kaibigan ko na nakataas pa ang paa sa headboard mismo ng kama. 

"Hindi nga ata binabasa e. Maghapon na nga niyang hawak 'yung phone niya tapos hindi pa rin siya nagbabasa. Tinawagan ko na din, hindi naman sumasagot. Baka mamaya niyan, tulog na naman siya." Dismayadong sabi ni Aloha bago yakapin ang unan at ibaon ang mukha niya dito. 

"Ang mahalaga, nakasilong tayo. Kung hindi man siya makakarating ngayong gabi, feeling ko naman titila na 'yung ulan bukas." Banggit ko dito.

Nakapagcheck in na kami sa hotel at kasalukuyan na kaming nasa loob ng kwarto para magpahinga dahil napagod din naman ako sa maghapon naming pagagala at pagchichismisan. 

Hindi lang halata, pero nakakapagod din kayang maging chismosa. 

Mabuti na nga lang talaga at naabutan namin yung promo kuno na sinasabi dito sa hotel at nagkataong may 10 hours stay kami sa mababang halaga. Dahil kung hindi namin naabutan 'to ay hindi ko alam kung saan kami pupuluting dalawa ng kaibigan ko. 

Bumuntong hininga ako bago sumilip sa malaking glass window na nakatapat sa kalsada.

Hanggang ngayon ay malakas pa din 'yung ulan, traffic din sa highway at masyado nang madilim habang may mga kulay pulang mga ilaw lang mula sa sasakyan ang makikita mo mula sa kataasan ng hotel na kinalulugaran namin.

"Magpahinga na lang tayo. Mukhang bukas na talaga tayo makakauwi." Banggit ko dito bago magtanggal ng sapatos at tuyuin ang buhok ko gamit ang towel na nasa loob ng kwarto.

Mukhang pagod na pagod din si Aloha dahil bagsak na talaga ito sa kama kahit hindi pa talaga tuyo ang buhok nito. 

Kung bakit ba kasi biglang umulan e ang taas taas naman ng araw kaninang umaga. Hindi na lang pala tao ang magulo ngayon, pati na rin panahon. 

Umupo na lang ako sa kama dahil hindi ako sanay matulog sa ibang bahay bukod sa bahay nila Aloha. Plus, the fact na nasa hotel kami ay lalo na akong hindi makakatulog. 

Siguro lumipas na ang halos kalahating oras pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Samantalang 'yung kasama ko, ang himbing himbing na ng tulog. Naghihilik na nga ata ang isang 'to dahil sa pagod habang ang higpit-higpit pa ng pagkakayakap doon sa unan. Akala mo naman ay may aagaw non sa kaniya, 

Agad kong binuksan ang phone at magt-text sana ako kay mommy na hindi ako makakauwi nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog mula sa ding-ding na sa tantya ko ay mukhang galing sa kabilang kwarto.

Dahil usisera ako, sinubukan kong  lumapit sa ding-ding para malaman kung anong meron sa kabilang kwarto. Malay ko ba diba kung may nangyayari na pala dito na kung ano. 

Itinapat ko 'yung tainga ko sa ding-ding pero ganon na lang ang pagkahiwalay ko rito nang makarinig na ako ng mas malakas na dagungdong kaysa kanina. 

Na sinamahan pa ng boses...

Hindi ko alam kung papaano ko idedescribe 'yung narinig ko mula sa kabilang kwarto pero mukhang hindi lang isang tao ang andoon.

Ano kaya'ng mayroon don? Hindi ba sila aware na nasa hotel sila at 'BAKA'. 'BAKA' lang naman nakakasagabal sila diba?

May nagaaway ba? Baka mamaya may nagbubugbugan na pala sa kabilang kwarto!

Go With The FlowWhere stories live. Discover now