Chapter 7: Wristwatch
—YSLA ALONZAGA—
"Anak, galing dito si Khan kanina. May iniwang bag. Buksan mo na lang."
Hindi ko napigilan ang paglukot ng mukha ko dahil sa narinig mula kay Mommy. Oo, hindi na lang kilay ang nalukot sa akin, hindi lang noo. Buong mukha na!
Maaga 'yung dismissal namin ngayon kaya maaga din akong nakauwi. Hindi ko naman alam na 'yun agad ang bubungad sa'kin pagkauwing pagkauwi ko edi sana hindi muna ako dumeretso ng uwi para hindi muna nasira ang araw ko.
Imbis na magsalita ay nagderetso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kaso ay bigla kong nakita ang isang hilerang paper bag na nakapatong sa lamesa dahilan para mapaatras na lang ako.
"My ano to?!" Malakas kong sigaw dahil hindi ko ang dami talagang paper bag na nakadalandra sa kusina.
"Iniwan nga ni Kahuna." Sagot nito.
Hindi ko alam kung ano na bang itsura ko, maging ang reaksyon ko.
Isa isa kong tiningnan ang mga paper bag at nakitang puro pagkain ang laman ng mga 'to. Habang ang ilan naman ay mga gamit na naman.
Hindi ko maintindihan kung para saan ba 'to o ano bang gustong gawin ng nakatatandang kapatid ng kaibigan ko.
As in. I mean, wala namang dahilan, walang okasyon, hindi kami close at HINDI KAMI CLOSE. Capital letters, para magets naman. HINDI KAMI CLOSE. Periodt.
Napahawak na lang ako sa sintido ko habang iniiwasan nang tingin muli 'yung mga paper bag dahil pakiramdam ko ay mabubulag ako kapag tiningnan ko pa ng ilang ulit kaya wag na lang.
Titingin sana ako sa relo ko kaso naalala kong nawawala nga pala kaya sa phone clock na lang ako nagcheck ng oras at nakitang late na kung aalis ako ngayon para umalis.
Siguro ay bukas na lang tutal wala namang pasok bukas.
。。。
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa building kung saan ako nakatingin lang kanina.
Derederetso ako sa information center hanggang sa front desk kung saan may babaeng pwede kong pagtanungan.
"Miss, dito po ba si Revega? Kahuna Revega?" Tanong ko dito.
Umaasa ako na sasagutin ako nito ng 'Excuse me Miss, may appointment ka ba kay Mr. Revega.' or ng 'Kaano ano ka po ni Mr. Revega?' , pero hindi.
Tumango lang ito bago tumawag sa telepono. Maya maya lang ay iginaya ako nito paupo sa waiting area nila kung saan ako naghintay.
Kung nagtataka ka kung paano ko nalaman kung saan ito nagtatrabaho, syempre nagistalk muna ako sa kung ano mang social media account na mayroon siya and gladly, may info naman doon kung saan ito nagtatrabaho.
Sa isang publishing company. Hindi ko nga lang alam kung anong role nito dito pero ayon naman sa naaalala ko mula sa kaibigan ko at kay Tita ay hindi mababa ang posisyon nito dito pero hindi din naman ito ang head dito dahil syempre, bata pa lang naman ito.
Mukha namang maganda ang trabaho niya dito dahil kung ano anong bagay ang binibigay nito sa akin na hindi ko naman kailangan. Mamaya pala ay pinapamukha lang nito sa akin na rich kid talaga silang magkakapatid.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...
